Dec 16
BATTLE ROYALE – FILM VS VIDEO by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Dec 16, 2011

Like the opinion of most local movie veterans, the observation of Roger Ebert deals with the battle of the film versus the video. At sa pagdagsa ngayon ng mga indie o digital movies ay obvious ang pagkatalo ng film.

Sabi ni Ebert, “quick and merciless” ang pagkapanalo ng video laban sa traditional film. Parang kailan lang nang sabihin ni Ebert na hindi maitutumba ng video ang film for so many reasons.

Ngunit mapagbiro ang tadhana. Parami nang parami ang mga video camera, iba-ibang models, functionalities at capabilities. At dahil sa dami kaya pabawas nang pabawas ang presyo ng mga video camera.

Sa isang banda, ang film ay hindi naman nagbabago pati ang halaga. Sabi nga ng mga nakakaintindi – it is stagnation on the part of the film versus the innovation on the part of the video (with the variety of digital cameras).

Ang isa pang patunay dito ay ang pagkalugi ng Eastman Kodak, ang number one supplier ng films (in reels) na gamit sa paggawa ng pelikula. Sa ngayon, ang focus ng Kodak ay ang printing ng litrato.

“The celluloid dream may live on in my hopes, but digital commands the field,” wika ni Ebert. Nais mang ipagtanggol ang film ngunit surrender na siya dahil hindi na raw talaga mapipigilan ang pag-take over ng video sa movie production.


Movie critic Roger Ebert of the Chicago Sun Times (photo from esquire.com). Ebert was operated on for cance of the jaw.

Dagdag ni Ebert, “ With today’s consumer high-def projectors, it is perfectly possible to rent a space and start a repertory theater, assuming you legally obtain the performance rights.” Ganun kadali ang mag-setup ng digital projector.

Ang film projector ay milyong piso ang halaga at hindi basta ang installation. Mayroon itong sinusunod na sukat (projection distance) at nangangailangan ng projectionist para sa handling ng film.

A few years ago ay nagsara ang LVN studios. Ang LVN ang nangungunang processing laboratory ng mga movie films. Ang dahilan ng pagsasara? Mahina na ang negosyo dahil kakaunti na ang gumagamit ng film sa movies.

Hindi gaya ng film na may consumable, ang video ay may reusable storage na memory card (mula sa dating video tape). At dahil dito kaya halos walang restriction ang number of takes. Hindi kailangang tipirin ang shots to compromise the quality.

Pagdating sa post production, mas madali ang processing ng video – just a simple upload to the computer. Ang film ay may developing ng negative at may conversion pa into positive (na siyang ipapasok sa projector).

Ang linear editing ng film ay complicated dahil sa physical cutting and splicing ang ginagawa dito. At kahit munti lang ang pagbabago ay muli itong dadaanan sa masusing proseso para maisaayos ang tamang mga eksena.

On the other hand, ang video editing ay papindot-pindot lang sa keyboard at pahimas-himas lang ng mouse. Maraming video editing software na ang ubrang pagpilian at marami na rin ang mga video editors sa local movie industry.


The film projector with the projection on the movie screen

Pagdating sa revisions ay napakadali rin dahil ang portion na iibahin lamang ang gagalawin. Matapos ang desired changes ng final version ay muling patatakbuhin ang “render” function ng editing software.

In fairness sa film, tanggap ng mga technical experts na hindi pa kayang mapantayan ng video ang film kung quality ang pag-uusapan. However, this statement is valid as of the year 2011 because improvements are in the offing.

Ang video ay nag-umpisa sa sukat na 640 by 480 pixels. Ang frame size na ito ay batay sa broadcast quality ng television. Technically speaking, ang sukat ng film ay 4096 by 2304. Ito ang tinatawag na 4K.

Ang Red camera na may 4K resolution ay naglabas pa ng improved version na 4.5K. Ito ay may frame size na 4,480 by 1,920 na mas malaki pa sa frame size sa screen projection ng film.

Ang isang advantage ng film over video ay ang existing projectors ng mga sinehan na majority ay film projectors. To overcome this, a video can be converted into film with the process called kinescoping.

Sa local movies ay naka-overtake na ang indie movie makers kung number of movies produced in the year ang pag-uusapan. Credit that to the cheap production cost provided by the digital process.

Another good news for the indie movies ay ang kinita ng Zombadings, Patayin Sa Shokot si Remington. Umabot ng 60 million pesos ang gross nito sa Metro Manila showing. With that amount, siguradong nag-profit na ang Zombadings.

On the whole, maganda ring isipin na kumita ng 300 million ang pinagsamang box office sales ng No Other Woman at Private Benjamin. Baka ito na ang indication ng muling pagbangon ng local movies natin.

And to put the last nail on the coffin of the film is the arrival of the 3D camera. Sa kasalukuyan ay wala pang 3D movie ang Filipino producers pero malapit na yan dahil marami nang mga tv commercials na 3D.

Perhaps, in the year 2012 the world can formally say goodbye to the film.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/