Dec 09
FRANCHISE TV SHOW by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Dec 9, 2011

Pinoy Big Brother, Pilipinas Got Talent, Survivor Philippines. Ilan lamang sa mga reality shows na umarangkada sa ratings ng local television. Inumpisahan ito ng mga Mexican telenovelas na pinangunahan ng Marimar noong bago sumapit ang year 2000.

Ang nasabing mga reality shows at foreign tv soap adaptations – Marimar ni Marian Rivera at Maria La Del Barrio ni Erich Gonzales – ay may franchise fee na dapat bayaran sa mga media company that na may-ari ng copyright sa format of the said shows.

Spin-a-win ang title ng game ni Jeanne Young sa kanyang weekend noontime show noong araw. Lingid sa audience, ito pala ay hango sa Wheel Of Fortune na pag-aari ni Merv Griffin na nagkaroon ng franchise noong 1983.

Ang legitimate local version ng Wheel of Fortune ay ipinalabas sa ABC-5 noong 2001 at ang host ay si Rustom Padilla. Sinundan ito ng version ng ABS-CBN noong 2008 na si Kris Aquino naman ang host.

Ang Marimar at Betty La Fea ay naging malaking hit sa iba’t-ibang bansa na umabot pa sa Australia. Noong panahong iyon – year 1996 – no one would imagine na tatanggapin din ng Filipino tv audience ang mga Mexican telenovelas.

After the Mexican invasion came the Chinese invasion. Pumatok sa local television ang Meteor Garden. Pati ang mga Chinese matinee idols na bida rito—ang F4—ay tinanggap rin, hindi lang ng local tv audience kundi pati rin sa concert scenes.

Sa mga foreign soaps at present, pinakamalakas na siguro ang impact ng Korean telenovelas. Ang mga serye ng Jewel In The Palace ay nagkaroon pa ng dvd version although mga pirated versions nga lang.

Lately ay marami pa ring Korean telenovelas sa major channels. On the other hand, maganda ang naging rating ng Betty La Fea ni Bea Alonzo at pati na rin ang kasalukuyang Maria Del Barrio ni Erich Gonzales.

Sa reality shows naman, ang tila may pinakamataas na rating ay ang unang version ng Pinoy Big Brother. Kahit wala na si Nene Tamayo na siyang naging grand winner ay sikat pa naman si Sam Milby at may show pa rin si Jason Gainza.

Ang salitang “Participantes” ay narinig sa Pinoy Fear Factor noong 2008. Hosted by Ryan Agoncillo, ang Philippine version ng franchise reality show ay idinaos pa sa Buenos Aires, Argentina.

Ang game show ni Kris Aquino ay naging hit din sa Mumbai, India. Having 26 cases holding the amount of money to be won, it also has 26 pretty girls guarding the cases. Ang Deal Or No Deal ang comeback vehicle ni Kris sa tv.

Ang Big Brother na nakabenta ng franchise sa mahigit 40 countries, ang Fear Factor at ang Deal Or No Deal ay ilan lamang sa mga copyrighted tv show format ng Dutch company na Endemol.

After the Biggest Loser Asia, the popular reality tv show of the British Shine Group came to the Philippine shores. Hosted by Sharon Cuneta, we saw the emergence of Larry Martin as the grand winner. Maganda rin ang ratings nito after the primetime hours.

Hindi matatawaran ang kasikatan ng biggest loser dahil ito ay may iba-ibang versions sa 25 countries. Ganundin naman ang Junior Master Chef na kasalukuyang palabas sa ABS-CBN tuwing weekend nights.

Ang contest sa pagluluto ng mga kabataang edad 8 hanggang 12 ay hosted by Judy Ann Santos kasama ang mga real life chefs na sina Fern Aracama, Rolando Laudico and JP Anglo. Sila rin ang nagsisilbing judges ng nasabing contest.

Pagdating naman sa performance contest, pinakauna na yata ang American Idol. Ito ang nagpasikat, hindi lang sa mga winners kundi pati na rin sa mga judges na gaya nina Simon Cowell at Paula Abdul.

Ang local version nito ay Philippine Idol na pinanalunan ni Mau Marcelo sa TV5 noong taong 2006. Ang franchise ay mula sa Fremantle Media at 19 Entertainment ay muling binuhay noong 2010.

To have a distinction, Pinoy Idol ang ginamit na title ng GMA-7. Like the original version, gumamit ng text voting ang Pinoy Idol na pinagwagian ni Gretchen Espina, the daughter of Rogelio Espina, the governor of Biliran province.

Sino ang hindi nakakakilala kay Jovit Baldivino at Marcelito Pomoy? Sila ang first and second grand winners ng Pilipinas Got Talent, ang local version ng Britain’s Got Talent na pag-aari ng SYCOtv company ni Simon Cowell.

May mga nagsasabi na ang pagbabayad ng franchise para sa paggamit ng mga tv formats ay counter productive dahil ang franchise owner lang ang nakikinabang. On the other hand, malaki pa rin ang production cost dahil ang format lang naman ang ginagamit.

Totoong hindi biro ang franchise fee dahil milyon ang pinag-uusapan dito. Pero hindi naman mapipigil ang mga networks dahil bukod sa meron silang puhunan ay gusto rin nilang ipatikim sa local audience ang natikman ng mga foreign tv audience.

Regardless of the cost, the primary concern of a network in taking a franchise show is the proof of audience acceptance. Yan siguro ang katuwiran ng local networks kaya dinala na rin nila rito ang mga franchise reality shows.

Besides, mas mura ang halaga ng franchise fee kaysa sa mga Hollywood movies at television series. So in the near future, baka mapanood na rin natin ang local version ng Wipeout, Extreme Makeover at Apprentice.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/