Feb 24
ANGEL LOCSIN, WALANG INTRIGA WALANG GIMMICK! by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 24, 2006

By Pablo S. Libiran

Maraming artista ang gumagawa ng mga gimmick o nakikisali sa ibat-ibang artista para lamang mapag-usapan o dili kaya’y makilala. Ang iba naman, bumabayad ng malaking halaga sa mga kilalang reporters at columnist para sila maisulat. Lagi na’y mababanggit ang kanilang mga pangalan.

Sabi nga ng isang artista, “Good or bad publicity is still publicity.” Hindi nila alintana kung masira man o mawasak ang kanilang reputasyon basta mababasa araw-araw ang kanilang pangalan o ang mga artikulo na tumatalakay sa kanilang buhay. Subali’t kaiba sa mga nabanggit na artista ang buhay ni Angel Locsin. Na noong unang-una pa Iamang nag-aartista ay nagkaroon muna ng isang malungkot na karanasan ang kanyang lovelife. Namatay ang kanyang kasintahan na si Mikko Sotto na nahulog mula sa beranda ng tinitirahan nitong condo unit.
Bagamat naging napakasakit kay Angel ang pangyayaring iyon, sa wari’y iyon ang naging susi para siya makita at mapag-usapan sa showbiz world. Umani siya ng napakaraming simpatiya at paghanga sa.mga televiewers dahil sa pagiging simple nito at hindi nagbibigay ng anumang komento sa nangyaring trahedya sa kanyang kasintahan.
Dahil duon, napansin din siya ng pamunuan ng Channel 7 na talagang naghahanap ng mga bagong mukha upang bigyan ng magandang role sa ilulunsad nilang tele-serye. Iyon na ang naging mitsa ng tagumpay ni Angel Locsin. Una siyang inilunsad sa Mulawin na naging isang top rated television tele-novela. Maganda ang naging role niya roon bilang love interest ni Richard Gutierrez.

Pagkaraan, inilunsad ng GMA Films ang loveteam nila ni Richard sa pelikulang Let The Love Begin. Pumatok din ito sa takilya at hinangaan ng napakaraming moviegoers ang tambalan nila. Sabi nga ng mga fans, bagay na bagay rin sila kahit sa totoong buhay.

Nanatili namang walang kibo si Angel sa mga nagiging patutsada ng ilang movie reporters ukol sa naturang issue. At sinabi niya na kahit naging very busy siya sa paggawa ng pelikula, nagagawa pa rin niyang dumalaw sa puntod ng dating kasintahan sa Loyola Memorial Park sa Marikina. Marahil, iyon ay pagpapatunay pa rin na hindi niya nakakalimutan si Mikko.

Noong nakaraang taon, naglunsad din ng paghanap ang Channel 7 sa kung sinong bituing babae ang nababagay para sa tele-seryeng Darna na mula sa panulat ni Mars Ravelo. Maraming artista ang nagpakuha ng larawan na nakasuot ng costume ni Darna. Ang mga ito ri’y umasa na sila ang makukuha. Pero nabigla ang lahat nang magkaroon ng full blast publicity na si Angel Locsin ang gaganap sa popular na comics character na pinagbidahan na nina Vilma Santos, Nanette Medved, Charlene Gonzales at marami pang iba.

Muli, naging top rated ang naturang tele-serye na umabot din ng halos isang taon ang pagsasa-telebisyon, Maraming mga bagong character ang nakalaban ni Darna. Maraming iba’t ibang mahihirap na eksena ang ginampanan ni Angel para maging makatotohanan at hangaan siya ng mga tagasubaybay ng Darna,

Naging maganda naman ang resulta dahil lalong sumikat ang naturang aktres, bukod sa naging product endorser si Angel, nagging cover girl din siya ng mga magazines. Maging sa mga tagiliran ng mga bus na pumapasada sa EDSA at sa mga lalawigan ay makikita ang malaking larawan ni Angel, Nakasuot ng costume ni Darna.

Bagama’t matagal nang natapos ang tele-serye na Mulawin, ito ring titulong ito ang naging entry ng GMA Films sa katatapos na Metro Manila Film Festival, Gaya nang naunang pelikula niia ni Richard, pumutok uli ito sa takilya at pinanood ng napakaraming moviegoers. Sabi nga ng mga kritiko sa pelikula, parang maganda ang team up nina Angel at Richard, Laging nagiging box office hit ito, Kaya naman isa pang pelikuia ang inilunsad ng kanilang mother studio, Ito’y ang I Will Always Love You, na naging isang box office hit din, lalo na nung Valentine’s Day. Dahil bukod kina Richard at Angel, nagsisiganap din ng mahahalagang role sa naturang pelikula sina Eddie Garcia, Eddie Gutierrez, Dennis Trillo at itoy sa direksiyon ni Mac Alejandre. Samantala, matapos ang matagumpay na Darna, si Angel ay muling masasaksihan ng kanyang mga tagasubaybay sa isa na namang tele-serye na may pamagat na Majika. Siyempre, ito’y punung-puno ng magic at iba’t iba pang kababalaghan na sa mahika Iamang nakikita, Kamakailan, sa isang pahikipanayam, sinabi ni Angel na gusto rin niyang makatapos ng kanyang kurso sa Criminology. Ibig daw niya maging isang policewoman. Gusto raw niyang makatulong sa pagsugpo ng lumalalang krimen sa ating bansa. Nang tanungin kung papayagan siya ng kanyang boyfriend na si Oyo Boy Sotto, sinabi ng dalaga na binibigyang-laya siya ni Oyo Boy na magpasiya para sa sarili nito at kung may bagay Iamang na makakasama sa kanya ay saka nagpapayo ang kanyang kasintahan,

Sa obserbasyon pa rin ng maraming kritiko, ngayong nagparetoke o nagpaayos pa si Angel ng kanyang katawan at kung hindi magbabago ang kanyang ugali na simple at pagiging walang kibo, malayo pa ang. mararating ni Angel sa showbiz. Kaya’t ang Angel Locsin na ating hinahangaan ay makakarating pa sa langit o sa rurok ng tagumpay.

Kamakailan, napabalita na nagkaroon din ng problema si Angel sa kanyang manager na si Becky Aguila. Na dahil daw sa pagsusugal ng naturang manager, hindi naibibigay ang karapatang kita na dapat sana’y matanggap ni Angel. Pero dahil na rin sa masinsinang pag-uusap ng dalawa at ng mga taong namamagitan dito, sa wari ay unti-unti ring naayos ang naturang issue.

Bukod sa mga commitments ni Angel, busy rin siya ngayon sa pag-aaral ng horse riding. At katunayan nito, ang nagtuturo pa kay Angel ay ang magandang kabiyak ni Pasig Congressman Dudot Jaworski na si Mikee Cojuangco Jaworski,

Kahit kabado, interesado raw si Angel na matuto dahil sa paghahanda niya sa TV series na Majika. Kaya abangan si Angel dahil sa naturang series ay di lilipad si Angel kungdi ibang rule ang gagampanan niya.

At para sa kanya, saka na muna ang intriga… Basta’t ang mahalaga ay may minamahal siya at kuntento siya sa buhay at lovelife niya.