Feb 17
MANIFESTOS CIRCULATE by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 17, 2006

A film industry-wide reaction to the drastic reduction of the share-allocations of the proceeds from the Metro Manila Film Festival 2005 for the Film Academy of the Philippines and the Motion Pictures Anti-Film Piracy Council has built up the past few days with manifestos objecting to the revision emanating from the Academy and the actors’ guild.

The two manifestos, now making the rounds to gather the signatures of the local film industry’s craftsmen, producers and workers are reprinted hereunder:

The Film Academy of the Philippines manifesto.

MANIPESTO NG BUONG INDUSTRIYA
NG PELIKULANG PILIPINO

KAMING MGA BINUBUHAY NG INDUSTRIYA NG PELIKULANG PILIPINO
AY BUONG PAGKAKAISANG TINUTUTULAN ANG INIHAHAING BAGONG SISTEMA NG PAGHAHATI SA NAKUHANG PONDO PARA SA TATLONG PANGUNAHING MGA BENEPISARYO SA NAKARAANG METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES 2005 NA PAKANA NG ISANG HUWAD AT MAPAGPANGGAP NA LIDER NG INDUSTRIYANG ITO NA SI G. VIC DEL ROSARIO, JR.

SAPAGKAT, ANG KAHULUGAN NITO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

(1) PAGDUROG SA FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES, ANG KINIKILALANG UMBRELLA ORGANIZATION NG LAHAT NG WORKING GUILDS NG INDUSTRIYA, NA UMAASA LAMANG SA TATANGGAPING BAHAGI NITO SA NATURANG PONDO NG MMFF UPANG EPEKTIBONG MAIPATUPAD ANG MGA MAHAHALAGANG DAHILAN NG PAGKAKATATAG NITO AT MANATILING BUHAY KASAMA NG MGA GUILDS;

(2) PAG-AALIS NG PAGKAKATAON SA LAHAT NG MGA GUILDS NA MAPAUNLAD ANG KAALAMAN AT PROPESYONALISMO NG KANILANG MGA KASAPI SA MGA MAKABAGONG PAMAMARAAN SA PAGGAWA NG PELIKULA, SA PAMAMAGITAN NG EDUCATIONAL PROGRAM NG FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES;

(3) PAGKITIL SA PINAKA-PRESTISYOSONG AWARD GIVING BODY, ANG LUNA AWARDS NG FILM ACADEMY, NA SIYANG KUMIKILALA AT NAGPAPA-PURI SA MAHUHUSAY AT MAKABULUHANG KONTRIBUSYON NG MGA KAPUWA MANGGAGAWA SA IBA’T-IBANG LARANGAN SA PAGGAWA NG PELIKULA;

(4) PAGLAPASTANGAN SA KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA NG PELIKULANG PILIPINO NA MAPABILANG AT PAHALAGAHAN ANG KANI-KANILANG GINAGAMPANANG PAPEL SA INDUSTRIYANG ITO.

GAYUNDIN, ITO AY TUWIRANG PAGLABAG SA ITINATADHANA NG SALIGANG BATAS NG PILIPINAS NA ANG PONDONG MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN AY HINDI KAILANMAN MAAARING ILIPAT SA ISANG PANG-NASYUNAL NA AHENSIYA NG PAMAHALAAN.

LAKIP NITO ANG AMING MGA LAGDA BILANG PAGPAPATUNAY NG MGA KARAINGANG ITO.

The declaration of support of the actors’ guild.

KAMING MGA NAKALAGDA SA IBABA AY MGA MIYEMBRO NG KATIPUNAN NG MGA ARTISTANG PILIPINO SA PELIKULA AT TELEBISYON (ACTORS GUILD OF THE PHILIPPINES) AT NAGPAPAHAYAG NG SUPORTA SA SULAT NA KALAKIP NITO MULA SA FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES (FAP) PARA KAY PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO NA NAGSASAAD NG MATINDING PAGTANGGI SA KAGUSTUHAN NI GINOONG VIC DEL ROSARIO NA MABAWASAN ANG KAPARTIHAN NG FAP AT MOTION PICTURE ANTI-FILM PIRACY COUNCIL MULA SA KITA NG METRO MANILA FILM FESTIVAL (MMFF).