Nov 18
FOREIGN CELEBRITY NAMES by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Nov 18, 2011

Importante sa pelikula ang screen name dahil mas madali raw makahatak ng moviegoer ang mabangong pangalan. Kaya ang Amalia Muhlach ay naging Fuentes at ang Jesusa Sonora ay ginawang Susan Roces.

Ang paggamit ng screen name ay namana natin sa American movies. Si Ramón Gerardo Antonio Estévez ay gumamit ng Martin Sheen. Sinundan ng anak niyang si Carlos Irwin ang kanyang screen name sa paggamit ng Charlie Sheen.

Kilala nyo ba si Sai Fon? Isang tunay na Chinese, siya ay sumikat sa martial art movies. Ganun din si Kong Sang Chan, ang pinakasikat na artista sa Hongkong. Trade mark niya ang comedy inside his martial arts.

Eto pa ang ilang items na magandang hulaan:

1. Jerome Silbermann – ang asset niya sa comedy ay ang curly blond hair at bilugang mata. Naging asawa niya si Gilda Radner na isa ring comedian.

2. Vera Jayne Palmer – first mainstream actress to appear nude in Promises! Promises! taong 1963. Namatay siya sa vehicular accident noong 1967.

3. Bernard Schwartz – husband of Janet Leigh whose daughter used his screen surname. The daughter got known in horror movies.

4. Charles Carter – sumikat sa mga gladiator movies lalo na sa Ten Commandments.

5. Marion Michael Morrison – ang national cowboy ng Amerika

6. Khrisna Panditg Bhanji – British actor na ginawaran ng knighthood dahil sa kanyang portrayal sa role ng Gandhi.

7. Charles Dennis Buchinsky – bida sa Magnificent Seven at iba pang action movies. Ang trade mark niya ay ang malalim na boses at matalas na mata.

8. Joseph Lewitch – sikat na comedian ng mga slapstick acts at ka-team sa show ang kasunod sa listahan. Ama siya ng pop singer na si Gary (kasama ang Playboys).

9. Dino Paul Crocetti – team mate ni Joseph Lewitch sa kanilang live performance sa Glass Hat Club sa New York.

10. Issur Danielovitch – sikat na actor with a tough guy image in the movie Champion. Sumunod sa screen name niya ang anak na artista na naging asawa si Catherine Zeta Jones.

11. Richard Walter Jenkins – Welsh actor na naging asawa ni Elizabeth Taylor nang dalawang beses

12. Roy Harold Scherer, Jr. – sumikat sa mga romantic comedies opposite Doris Day. Nalaman ng public na siya ay isang gay nang siya ay mamatay sa sakit na AIDS.

13. Anna Mae Bullock – Black rock singer na naging artista. Her most notable role was in Mad Max Beyond Thunderdome.

14. Demetria Gene Guynes – sikat na actress at dating asawa ni Bruce Willis. Ang blockbuster hit niya ay ang pelikulang Ghost na nag-revive sa kantang Unchained Melody.

15. Taidje Khan – Ang unang kalbong best actor for his portrayal of Mongkut sa The King And I. Kasama rin siya sa epic na Ten Command-ments bilang Pharaoh. Ang Taidje Khan ay pangalang hango sa Mongol-Tartar tribe.

16. Caryn Elaine Johnson – nakilala siya sa TV series na Moonlighting which starred Bruce Willis and Cybill Shepherd. Markado rin ang role niya sa Ghost pero mas malaking hit ang kanyang solo movie na Sister Act.

17. Sofia Villani Scicolone – Italian actress na naging Academy’s Best Actress noong 1962 for her role in Two Women. Naging asawa niya ang film producer na si Carlo Ponti.

18. Margarita Carmen Cansino – pumutok ang pangalan niya sa pelikulang The Strawberry Blonde noong 1941 opposite James Cagney at Olivia De Havilland.

Mahirap bigkasin ang Doris Mary Ann Von Kappelhoff kaya pinaigsi ito sa Doris Day. Mas madaling basahin ang Judy Garland kaysa Frances Ethel Gumm. Anak ni Judy ang artistang si Liza Minelli.

Eto ang mga sagot:

1. Gene Wilder – Jerome Silbermann
2. Jayne Mansfield – Vera Jane Palmer
3. Tony Curtis – Bernard Schwartz
4. Charlston Heston – Charles Carter
5. John Wayne – Marion Michael Morrison
6. Ben Kingsley – Khrisna Bhanji
7. Charles Bronson – Charles Dennis Buchinsky
8. Jerry Lewis – Joseph Lewitch
9. Dean Martin – Dino Paul Crocetti
10. Kirk Douglas – Issur Danielovitch Demsky
11. Richard Burton – Richard Walter Jenkins
12. Rock Hudson – Roy Harold Scherer, Jr.
13. Tina Turner – Anna Mae Bullock
14. Demi Moore – Demetria Gene Guynes
15. Yul Brynner – Taidje Khan
16. Whoopi Goldberg – Caryn Elaine Johnson
17. Sophia Loren – Sofia Villani Scicolone
18. Rita Hayworth – Margarita Carmen Cansino

By the way, Sai Fon ang real name ni Bruce Lee samantalang si Kong Sang Chan ng Hongkong ay ang kung fu master na si Jackie Chan.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/