Feb 10
ILANG PANANAW SA WOWOWEE TRAGEDY by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 10, 2006

By Pablo Reyna Libiran

Noong Sabado nang madaling araw, February 1, isang nakalulunos na pangyayari ang naganap sa may gate ng Ultra Sports Center na nagbunga ng pagasawi ng may 74 na katao at pagkasugat ng maliigit na 250 katao sa stampede na naganap sa unang anibersaryo ng pangtanghaling programa sa telebisyon na WOWOWEE.

Bunga nito, napakarami ng mga taong sinlsisi at itinuturo sa napakalagim na trahedyang naganap. Maging si Willie Revillame na siyang host ng naturang programa at si Ms. Charo Santos-Concio na Vice President for Entertainment ng ABS-CBN ay binabanggit na may kasalanan sa naturang pangyayari.

May mga nagsasabi naman na wala raw koordinasyon ang ABS-CBN sa mga pulisya at guwardiya ng naturang Ultra kung kaya naganap ito. May mga nagsasabi rin na may sumigaw ng “MAY BQMBA!’ kung kaya nagkagulo ang mga taoat nagtulakan para maiwasan ang magiging bunga ng pagsabog. May kinapanayam namang guwardliya ng Department of Education na nasa katabing gusali lamang ng Ultra na nag-sasaad na “Walang naging disiplina ang mga tao at nagpumilit ang mga ito na magsipasok sa Ultra:” Ang iba ay nag-akyatan na sa bakod na bakal.

Samantala, sinabi rin ni G. Willie Revillame na ang pangunahing dahilan kung kaya naganap ito ay dahil sa paghahangad ng maraming kababayan natin na manalo sa napakalaking mga papremyo na ipmimigay sa programing WOWOVEE. Na dahil na rin sa labis na kahirapan kung kaya natutukso ang maraemi na sumali at maging kalahok sa mga game ng WOWOWEE.

Dahil na rin sa paglabas ng iba’t-ibang isyu, minarapat ng sumulat nito na kapanayamin ang iba’t-ibang tao na sumali na at nagnanais pa lamang sumali sa programang WOWOWEE. Ang iba rito ay kabilang sa mga nasaktan at nagtiis ng mahabang panahon sa pagpila para maging kalahok sa naturang programa.

Una naming nahingan ng opinyon si Mrs. Felicitas Rivera ng Baesa, Quezon City: “Totoo na lahat tayo’y naghahangad na manalo sa kahit anong game show na ninanais nating salihan. Ako’y nakasali na rin sa WOWOWEE nuong mga unang buwan nito. At nagagalak ako dahil bukod sa nanalo na ako ng tatlong libo ay naipamalas ko pa rin ang talent ko nang paawitin ako ni Willie: Pagkatapos nuon ay nagpalakpakan ang mga tao. Kaya noon pa lamang Huwebes ng gabi ay pumila na ako at nagbaka-sakali na mauling makasali.

“Masayang-masaya rin ako nang makasali ako sa WOWOWEE,” ang pahayag naman ni Lola Madonna, iss sa mga aktibong miyembro ng PUSCA (Philippine United Senior Citizen Association). “Pinakanta at pinasayaw ako ni Willie. Bukod sa perang napapanalunan ko ay binigyan pa ako ng dollars ng mga balikbayan na. humanga sa piagkanta ko,” ang sabi pa niya. “Isa rin ako sa pumila nang Sabadong iyon. Nang nagtutulakan na ay may nasuotan akong siwang sa may gate na bakal, kaya nakaligtas akong madaganan!” ang pasasalamat na pahayag ni Lola Madonna.

“Nakalilibang at nakakatuwa ang pagkakataong ibini-bigay ng ABS-CBN at ng programang WOWOWEE na mga Balikbayan,” ito naman ang nakatutuwang pahayag nina G. GASPAR at NITA VELASCO ng Daly City, San Francisco, California. “Bukod sa nakababati na ang mga Pilipino ay nakakasali pa sila sa mga game show! Hindi naman para manalo ang hangad namin, kaya kami pumunta ruon kungdi ang makasali lang at makabati sa aming mga mahal sa buhay.

“Masyadong maganda ang pagbibigay–importansiya na ipinakikita ng mga host ng programang WOWOWEE sa mga balikbayan kung kaya kami nahihikayat na umuwi rito sa ating bansa.” Ito ang pahayag ni G. PROSPERO LUNA ng San Bruno, California. “Kaya naman binabati ko ang pamunuan ng ABS-CBN sa maganda nilang proyektong ito.”

“Miyembro ako ng TFC (Television Filipino Channel),” ito .ang pahayag ni Mrs. FLORDELIZA L. LAU ng South San Francisco, California. “Kaya naman tuwing mapapanood ko ang programang WOWOWEE ay tuwang-tuwa ako. Katunayan pa rin, ang dalawa kong anak na sina Austin at Justin na tatatlong taong gulang pa Ianang ay kabisado na rin ang masayang theme song ng WOWOWEE,” ang sabi pa niya.

“Mas gusto nina Willie at ng pamunuan ng WOWOWEE na maging contestant iyong mga mahihirap nating mamamayan,” ito ang obserbasyon ni DRA. ERLINDA V. GARGIA ng San Juan, Rizal. “Nakikita ko na kung minsan, iyong mga batang lansangan ang mga nagiging kalahok nina Willie. Napapaluha ako sa kagalakan, lalo’t nabibigyan ng pera at nagbibigay ng dolyar ana mga kababayan nating balikbayan sa kanjla.”

“Nakaka-touch ng puso ang nakita kong contestant na nakikiusap sa kalaban niya na kung maari’y papanalunin siya sa WILLIE OF FORTUNE. Gusto lang daw niyang maibili ng pang-aginaldo ang mga anak niya,” ito ang napanuod ni Mrs. LETTY ROMERO ng Makati City. “Bukod sa pinagbigyan siya ng kalaban niya na manalo, binigyan pa siya ng
naparaming pera ng mga balikbayan na naawa sa naturang ginang,” ang sabi pa ni Mrs. Romero.

“Dito po sa programang ito ay hindi kami nanghihingi ng pera,” ang narinig naming pahayag ni Willie Revillame. “Ang mga nagbibigay po rito ay pawang boluntaryo. Mga kabbabayan nating balikbayan na katuwaan na sa kanilang puso ang magbigay at sa mahabang panahon ng pananatili nila sa ibang bansa ay muling umuwi sa ating bansa upang makita ang mga mahal nila sa buhay at ang mga pagbabago sa ating bayan,” ang sabi pa ni Willie Revillame.

Marami pang kababayan natin ang nagpapahayag ng malaking panghihinayang kung mawawala sp himpapawid ang WOWOWEE. Ang mga taong ito’y mga palagiang tagasubaybay at tagapanuod ng naturang game show. Na kung parurusahan daw sine Willie at ang mga namumuno ng WOWOWEE ay magpahayag sila ng pagtutol dahil ang nabanggit na programa raw ay kumakalinga sa mga mahihirap nating kababayan at nagnanais makapagbigay-saya at kasiyahan sa mga manonood at mga nagiging kalahok sa WOWOWEE.

Sa ngayon ay tapos na ang ginawang imbestigasyon ng TASK FORCE ULTRA. Nasa Department of Justice na ang desisyon kung magsasampa ng demanda.At kung ano man ang kalalabasan ng mga ginagawang pagsisiyasat ay malalaman natin at ilalathala sa maraming pahayagan at ibo-broadcast sa mga radyo at telebisyon. At gaya nang mga nakapanam namin, halos iisa ang kanilang pahayag na hindi lang pera ang hangad sa pagsalii sa WOWOWEE. Bukod sa manalo ay maaliw at makilala pa! Maipakita ang mga natatanging talino at kakayahan nila.

Ilang araw makalipas ang Ultra tragedy, inilunsad ang Bahay ni Kuya television series. Minsan pa’y dinagsa ito ng libu-libong telleviewers na nanuod sa Baywalk, Roxas boulevard, Manila. Walang premyong makakamit pero libu-libo rin ang nanood dito. Patunay lang na ang mga Pilipino ay talagang naghahanap ng mga mapagli-libangan kahit walang gameshow na lalahukan.