Oct 07
GEORGE HARRISON IN THE MATERIAL WORLD by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Oct 7, 2011

Being one of the Beatles, popularity cannot be denied George Harrison. Tinaguriang “the quiet Beatle” at low profile kaya laging natatabunan si George pagdating sa mga press releases.

Pero ang mga tagahanga ni George ang nagsasabing si George daw ay omniprescent at enigmatic bukod sa pagiging mysterious at mystic. Hindi na raw kailangan ni George ang magsalita dahil his mere image says a lot about him.

Ang muling paglutang ng pangalan ni George Harrison sa limelight ay bunsod ng nalalapit na HBO documentary with the title George Harrison: Living In The Material World.

Ang nasabing documentary ay tatakbo ng 3-1/2 hours. Directed by Martin Scorsese, mostly unpublished info ang tatalakayin ng documentary gaya ng pagkahilig ni George sa kanyang garden sa Friar Park na nasa loob ng kanyang napakalaking property.

Ang ilang items doon ay ang pag-aaral ni George ng Sitar sa mismong sitar guru na si Ravi Shankar. Si George ang pasimuno ng Hare Krishna movement sa America at siya rin ang dahilan ng Concert for Bangladesh noong 1971.

Ang kaabang-abang ay ang mga private photographs at videos na kuha ng mismong camera ni George. Archiving kasi ang isang hilig ni George kaya marami siyang mga nakatagong litrato, sulat at iba pang memorabilia.

Isang team ng production ang pumunta sa tirahan ng mga Harrison upang pumili ng mga materials. It took them several weeks of scanning and copying old videos to form part of the documentary.

Isasama rin daw ang isang incident nang pasukin ng magnanakaw ang tahanan ng mga Harrison noong 1999. Sabi ni Olivia, ilang beses nasaksak si George bago nito nagapi ang magnanakaw.

Meron ding mga interviews kay Olivia Trinidad Arias, ang asawa ni George at kay Dhani Harrison, ang kanilang anak. Kasali rin sa mga na-interview ang close friends ni George na sina Eric Clapton at Tom Petty.


NY Times photo of George Harrison and Olivia Arias Harrison circa 1986

Maraming mga producers ang lumapit kay Olivia para igawa ng docu-mentary si George pero tinanggihan niya lahat. Kay Scorsese nagtiwala si Olivia nang mapanood niya ang ginawa ni Scorsese na “No Direction Home: Bob Dylan.”

Ipinakita pa ni Olivia ang isang sulat na ginawa ni George para sa kanyang ina noong araw. Ito ang naging basehan ni Scorsese upang tanggapin ang alok ni Olivia na igawa ng documentary si George.

Ayon kay Olivia, ipinamahala na niya kay Scorsese ang content at wala siyang anumang pagtutol. Ito ay patungkol marahil sa issue ni Pattie Boyd, ang unang asawa ni George na sinasabing iniwan ni Pattie si George upang sumama kay Eric Clapton noong 1974.

Naging mag-asawa ni Olivia at George noong 1978 kaya ang docu ay puno ng mga excerpts ng kanilang buhay. Si George ay namatay noong 2001 sa sakit na lung cancer. But in 1997, George underwent radiotherapy for throat cancer.

Si George Harrison ay ipinanganak sa Liverpool, England noong February 25, 1943 sa isang Roman Catholic family. He attended Dovedale Primary School na malapit sa Penny Lane na ginawaan nila ng kanta later on.


NY Times photo of Olivia Harrison and Martin Scorsese before the deal on the documentary was hatched

George’s first musical influence was Elvis Presley. Nanikit daw sa ulo niya ang kantang Heartbreak Hotel. Ang music ni George ay puno ng gitara at dahil din sa gitara kaya nawalan na siya ng interes na mag-aral.

Si Paul McCartney ang nag-imbita kay George upang maging miyembro ng The Quarrymen. Mas nakababata si George kaya parang mga kuya ang trato niya kina Paul at John Lennon.

Ang husay sa gitara ang asset ni George kaya he remained a member until the famed group renamed their band into The Beatles. Dito na nila nakasama ang kanilang drummer na si Ringo Starr. Lead guitar ang hawak ni George.

After the Beatles disbanded, George published his book I Me Mine. Dahil kakarampot ang sinabi ng libro tungkol kay John Lennon kaya naging dahilan ng kanilang samaan ng loob. Para daw kasing “taken for granted” si John sa librong iyun.

Nang mamatay si John (matapos barilin ng isang avid fan) ay naglabas ng kanta si George bilang tribute kay John. Released in 1981, ang “All Those Years Ago” ay tungkol sa mga pinagsamahan ng Beatles.

Later in life ay nagtayo ng grupo si George na pinangalanan niyang Traveling Wilburys noong 1988. Concert scene ang focus ng grupo na kinabibilangan nina Bob Dylan, Tom Petty, Jeff Lunne at Roy Orbison.

Ang unang recorded song ni George para sa Beatles ay ang Don’t Bother Me. Pero ang unang composition niya na nag-hit ay ang Till My Guitar Gently Weeps. Dito nagpakita ng husay sa gitara si George.

Ang ilan sa mga sumikat na compositions ni George Harrison ay ang:
- Taxman
- If I Needed Someone
- My Sweet Lord
- Something
- Here Comes The Sun

Ang George Harrison: Living In The Material World ay ipapalabas sa HBO channel sa October 2011.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/