Sep 23
SA NGALAN NG SUPERSTAR by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Sep 23, 2011

After eight years of staying in the USA, there’s no doubt that Nora Aunor is still a name to reckon with. Yan ang thinking ng TV5 sa kanilang irresistible offer para mapabalik sa bansa ang one and only Superstar.

Matatandaan na may planong umuwi si Nora last year at ang showbiz writer na si Aster Amoyo ang nag-aareglo ng kanyang itinerary. However, kasama sa schedule ang pagpunta ni Nora sa Japan para sa isang grand makeover.

Ang nabanggit na makeover ang naging puno’t dulo ng pagkawala ng singing voice ni Nora. Kaya pati ang supposed to be concert ng Superstar sa Canada ay hindi natuloy (although sumipot din si Nora just to show herself to the crowd).

Napadikit daw ang balat sa throat ni Nora at mangangailangan ito ng series of corrective surgeries. Ilang buwan ang hinintay bago muling nakapagsalita si Nora pero hindi pa rin niya kayang kumanta sa ngayon.

Instrumental si Suzette Ranillo sa pagbabalik ni Nora dahil siya ang nakipag-negotiate sa mga potential contracts dito ni Nora. Si Suzette ay anak ni Gloria Sevilla at dati ring artista gamit ang screen name na Nadia Veloso.

Sa pamamalagi sa US ay naranasan ni Nora ang mabuhay na tulad ng isang pangkaraniwang tao. May katahimikan daw doon hindi gaya dito na masyadong mabilis ang buhay dahil hindi naman siya makalayo sa showbiz.


Photo from Google. Nora Aunor flanked by German Moreno and Laguna Governor E.R. Ejercito

Pero ang sinasabi ng mga detractors, nagpunta sa Amerika si Nora para makapamuhay sila doon ni John Rendez bilang mag-asawa. Dito kasi ay napabalitang hindi in good terms si John sa mga anak ni Nora.

Si John Rendez din ang sinisisi ng mga detractors sa drug case na kinasangkutan ni Nora noong March 2005. Nahulihan siya ng shabu sa LAX (Los Angeles International Airport) pero eventually ay napawalang-sala kapalit ng guilty plea at rehabilitation.

Incidentally, dumating rin sa bansa si John Rendez para bigyan ng suporta si Nora. Pero itinanggi niyang may relasyon sila ng superstar at close friend lang daw siya. Sinabi rin ni John na in good terms naman sila ni Ian.

Tila ba kakambal na ni Nora ang mga controversies. Pagdating dito ay nagkaroon ng misunderstanding dahil hindi nila malaman kung sino talaga ang tatayong manager, si German Moreno ba o si Suzette?

Ang second controversy ay ang pagtuntong ni Nora sa GMA-7. Hinatak siya ni Kuya Germs dahil may permiso naman ang TV5. At nagpaunlak si Nora para mag-endorse ng pelikulang Tween Academy ng GMA Films.

In bad taste daw ang promotion ng Tween Academy dahil wala namang connection si Nora doon. In fairness, idea ni Kuya Germs iyun at nagbigay lang si Nora bilang pakikisama.

At isang pahabol na issue ang blind item tungkol sa isang comebacking actress na nagpatalo ng P500,000 sa casino. Halata namang si Nora ang tinutukoy dahil dati na siyang nalulong sa casino.

Inamin din ni Nora ang pagiging alcoholic niya dati although some people try to belie that. Manginginom lang daw si Nora pero never nila itong nakitang nalasing.

Ang isa pang malaking issue noong 2007 ay ang nabalitang pagpapakasal ni Nora at ni Norie Sayo, ang tumatayong manager niya sa Amerika. Take note na babae si Norie.

Pero mukhang mabait ngayon ang media kay Nora dahil hindi na masyadong na-blow up ang mga past issues. Pati ang misunderstanding nila ni Lotlot ay hindi na rin lumitaw sa mga tabloid. Hopefully ay magkakaayos din ang mag-ina.

Starting on October 3, muling mapapanood si Nora sa telebisyon. Sa Ngalan Ng Ina ang kanyang soap sa TV5. Ayon sa press release, walang commercial break ang first day of airing ng nasabing teleserye.

Kasama ni Nora sa Sa Ngalan Ng Ina ang kanyang mag-amang Christopher at Ian De Leon. Obviously, magandang pagkakataon ito dahil bukod sa nabigyan ng trabaho si Christopher at Ian ay may bonding time pa ang mag-ina.

Kasama rin si Eugene Domingo for comic relief. Other stars in the upcoming soap are Rosanna Roces, Bembol Roco, Nadine Samonte, Raquel Villavicencio, Alwyn Uytingco, Karel Marquez at Edgar Allan Guzman.

On a positive note, muling nabigyan ng break sa movies si Nora sa pamamagitan ng El Presidente. Produced by the connections of Laguna Governor ER Ejercito, it is being directed by Tikoy Aguiluz.

Maria Agoncillo ang papel ni Nora bilang second wife ni Emilio Aguinaldo. Ang movie project ay kasalukuyang naka-location shooting sa Pagsanjan, Laguna. By the way, nasa airport din si ER nang dumating si Nora.

Back to Sa Ngalan Ng Ina, the teleserye which is under the direction of Mario O’Hara and Jon Red. It will run for two months because, according to plans, Nora will be going back to the US before Christmas.

Kahit hindi magtatagal sa bansa ay nagpapasalamat na rin ang kanyang mga fans lalo na ang GANAP (Grand Alliance of Nora Aunor Philippines) at ng ICON (International Circle of Online Noranians).

Ano nga kaya at gumawa ng pelikula si Nora Aunor na kasama si Tirso Cruz III? That will be the day.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/