Dec 20
PAGING MTRCB by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Dec 20, 2006

Ni Tess Clarin

A few months ago ay pumutok ang pangalan ni DJ Mo Twister, isang dating kilalang DJ sa FM radio. Kung matatandaan ay nawala sa eksena si DJ Mo nang mag-abroad siya kasama si Janet McBride, isang starlet na papasikat pa lang. Nabalitang nag-abroad ang mag-sweetheart para takasan ni DJ Mo ang kanyang obligation sa kanyang love child.

Sa pagbabalik ni DJ Mo kailan lang ay nakaisip siya ng gimmick na hindi puwedeng hindi pansinin, hindi mo basta dededmahin o palalampasin. Ipinakita ni DJ MO ang isang classic gimmick na mahirap pantayan.

Umaga ang radio program ng pasaway na DJ sa FM radio pa rin. Bukod sa selected songs ayon sa taste niya, ang main event ng kanyang radio program ay ang tinatawag niyang Forbidden Questions portion kung saan nag-iinterview siya ng celebrity. Base na rin sa pamagat ng nasabing portion, forbidden ang mga tanong kaya karamihan ng mga sagot ay forbidden din.

Ang latest caper ni DJ Mo ay ang interview niya kay Borgy Manotoc, ang male model na anak ni Congresswoman Imee Marcos at apo ng dating First Lady Imelda Romualdez Marcos. Eto ang actual transcription ng interview na yun.

DJ MO: What’s the size of your “wang”?
BORGY: Around 7 inches

Malulunok kaya ni MTRCB Chair Consoliza La Guardia ang tanong sa itaas? Very direct and blunt ang pagkakatanong. Kahit si Joey De Leon ay maluluma sa pagka-prangka dahil walang double-meaning man lang. In other words, bulgar masyado. Siguro hindi naman puwedeng sisihin ang guest sa kanyang sagot dahil nagiging honest lang siya kahit sabihing nagpapa-cute siya.

At inamin pa raw ni Borgy na siya ay circumcised. Kung sabagay hindi naman bastos ang circumcision. Pero bastos ang pagkakasabi ni Borgy na kung minsan ay hindi siya nagsusuot ng underwear. Looking closer, parang mga bakla yata ang target audience ng radio program ni DJ Mo kapag male celebrity ang guest niya.

DJ MO: When was the last time you masturbated?
BORGY: No, not this morning….yesterday morning at the shower….it’ s a good thing to do when you woke up and your girlfriend is not around.

Kung ilalagay natin sa movie ang tanong at sagot sa itaas ay tiyak na mag-iinit ang upuan ng mga taga-MTRCB. O kung sa primetime TV natin ilagay malamang na masisibak ang TV program. Yan ang tinatawag na explicit ang words, walang double meaning at straight to the point. Kaya pag bastos ang salita eh bastos na nga talaga.

DJ MO: “Dude, we all know you’re gay, admit it!” (who are you going to tell this to?)
BORGY: Sam Milby!

DJ Mo: Worst-dressed celebrity?
Borgy: Gwen Garci

Walang kaso kung magalit si Sam Milby at si Gwen Garci dahil ang tanong ay kung ano ang palagay ni Borgy. Bale opinion lang naman ni Borgy na bading si Sam at pangit manamit si Gwen. Pero itong kasunod na tanong ay salungat na naman sa hilatsa ng pagiging disente.

DJ MO: Who’s better in bed? ex-gf Sarah Meier (former MTV-Asia VJ) or his current gf, model Ornusa Cadness?
BORGY: Ornusa

As politicians say, keep your private life private. Bukod sa hindi kailangang ipagsabi ang mga nangyayari sa loob ng iyong kuwarto, hindi dapat ipagyabang ang mga ginagawa mo sa iyong kama. Mahirap isipin na ang radyo ay isang open media na puwedeng mapakinggan ng kahit sino. Can you imagine kung sakaling nakikinig ang iyong anak na 5 years old? Mabuti kung tatawa siya. Eh kung maging seryoso ang mukha ng anak mo?

DJ MO: Celebrity you don’t wanna work with?
BORGY: aside from my brother (TJ)…..Christian Bautista

DJ MO: Celebrity who you think had gone under the knife/enhancement/ retoke?
BORGY: Pops Fernandez

DJ MO: Name a model who doesn’t look like one?
BORGY: Robbie Mananquil

Ang mga tanungan at sagutan sa itaas ay masasabing tama lang sa isang talk show lalo na kung showbiz ang tema. May halong pang-intriga pero kahit paano ay disente pa rin ang dating. Walang masama kung pag-awayin ng interviewer ang kanyang guest at ang mga celebrities na pinangalanan. Natural naman ang ganyan sa mga sikat, di ba? Pero itong kasunod na mga tanong ay hindi na natural.

DJ Mo: Weirdest place you have done it with someone?
Borgy: In a photo studio, in between shoots/ while changing wardrobe

DJ Mo: Name 3 celebrities you did it with before?
Borgy: 1. Lana Assanin, Victoria London, and… Vina Morales.

Yan ang issue na ipinagpuputok ng butse ni Vina Morales. Pabulong daw na sinabi ni Borgy ang pangalan ni Vina, halos hindi marinig sa radyo kaya si DJ MO ang nagbulalas ng pangalan ni Vina bilang pangatlong babae sa listahan ni Borgy. Lumilitaw sa tanong at sagot na si Vina ay naka-sex na ni Borgy. Sa huling interview ni Vina sa TV ay mag-dedemanda raw siya kapag hindi humingi ng apology si Borgy. Public apology ang gusto ni Vina.

(Note: Aksidenteng nagtagpo sa Greenbelt si Vina at si Borgy. Tinotoo ni Vina ang banta niyang pagsampal. According to Ricky Lo (of Philippine Star), nagdugo raw ang bibig ni Borgy sa lakas ng sampal ni Vina. Pero bago maghiwalay ay nagkaayos naman ang dalawa.)

Si Lana Asanin naman ay hindi masyadong apektado sa issue dahil matagal na siyang nasa abroad. Pero nag-email pa rin siya ng reaction para pabulaanan ang mga sinabi ni Borgy: haha he is such a liar!! he wasnt 15 at that time at all.it cant be coz it would have been 8 years i was living there and that’s not true.i only lived in manila for less then 5 years.so you see he lies to get attention. i wish i was there i would put him on the spot.

Marami na ang nagagalit kay DJ Mo. Andyan si Lolit Solis, si Cristy Fermin at iba pang mga reporters at talent managers. Pero kung susuriin natin ay mukhang gimmick din ang galit nila. In other words, nakikisakay din sila sa issue ni DJ Mo. In fact, naging guest din ni DJ Mo si Lolit Solis. And after that guesting, no bad blood daw kay Manay Lolit. Ano yun? Eto pa nga, sa All Star K ng GMA-7 ay magkatuwang na K Lers si DJ Mo at Lolit Solis. Eh di gimmick nga!

By the way, ang unang issue against DJ Mo sa kanyang controversial na radio program ay ang pag-guesting ni JAY-R. Sa tanong daw na kung sino sa tingin ni Jay-R ang mga closet gay ay isinagot ng kalbong singer ang name ni Raymond Gutierrez, ang twin brother ni Aguiluz. Asahan na bumubula ang bibig ng butihing mother na si Annabelle Rama. Pati si Richard Gutierrez ay nagsalita na pero hindi siya nagbanta at sinabi pa niyang wala na yun basta wag na lang palakihin pa ang issue. Siyempre masakit marinig na pagbintangang bakla ang kapatid mo. Lalo na siguro kung totoo!

Normal lang sa showbiz ang maging controversial para makahatak ng attention. Pero hindi na normal ang maging bulgar at bastos. Hanggang ngayon ay wala pang reaction ang MTRCB tungkol sa pasaway na Forbidden Questions segment ng radio program ni DJ Mo. May nagsasabi tuloy na baka enjoy sa pakikinig si MTRCB Chair!

But in fairness, let’s give credit to DJ Mo Twister na talaga sigurong twisted ang utak dahil magaling siyang mag-isip ng gimick na nababago at naiiba. Kung mali ang ginagawa niya ay may kamalian din ang kanyang mga guest dahil puwede naman silang hindi sumagot kahit pilitin pa sila. At puwede naman silang magbigay ng disenteng sagot kung gugustuhin nila. Pero dahil nakisakay sila sa kalokohang tanong ng interviewer kaya mukhang mas malaki ang kasalanan ng mga guest. Isa pa, malaking ingay ang nagawa ni DJ Mo sa showbiz. At least hindi na mga hiwalayan at mga awayan ang balita dahil natabunan sila ng mga issues against DJ Mo.

Maiisip mo tuloy na sana ay wag na ngang mag-react ang MTRCB dahil kahit paano ay bagong entertainment ang naibibigay ng mga kalokohang tanong sa Forbidden Questions. Para kay DJ Mo Twister, keep up the good work pero bawasan mo ang pagiging bulgar para magtagal ka pa.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.