Dec 13
ANGHEL SA INTERNET by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Dec 13, 2006

Ni Tess Clarin

Courtesy ng website na www.youtube.com ang pagsambulat ng pangalan ni Alyssa Alano, ang makabagong Boba ng Bayan sa kanyang pamali-maling English. Ang video na kuha sa That’s Entertainment ni Kuya Germs na nailathala sa nasabing website ay ang pagkanta ni Alyssa ng Kiss Me na kakaibang letra ang lumalabas sa kanyang bibig.

Napansin ito ng ilang internet users at dahil nakakatuwa at cute naman si Alyssa kaya kumalat. Kung baga sa TV ratings ay pumatok ang internet video ni Alyssa na humakot ng 28,000 viewers sa loob lamang ng isang linggo. Ang nasabing viewers ng video ay mga nagtiyagang mag-download ng ilang minuto o minsan ay inaabot pa ng isang oras.

Ngunit ang kinang ni Alyssa ay biglang nasapawan ng isyu ni Angelica Panganiban. Nagsimula sa pagiging child star, ang maamong mukha ni Angelica ay nagsilbing hagdanan niya patungo sa tagumpay. Ilang beses nang naging bida si Angelica at ilan na rin ang kanyang naging ka-love team.

Recently ay pumutok ang pangalan ni Angelica sa internet. Naglipana sa mga forum boards at mga emails ang kanyang larawan na gagawing pin-up ng kalendaryo ng isang sikat na alak. Halos lahat ng mga nagpadala ng nasabing litrato sa inbox ko ay tanging paghanga ang sinasabi. Totoo naman na napakaganda ng mukha ni Angelica at napakaganda rin ng hubog ng kanyang katawan.


Angelica Panganiban’s pin-up poses for the GSM (Ginebra San Miguel) calendar.

Maraming emails ang nagsasabi na kukulangin ang isang milyong kopya ng nasabing kalendaryo. Malamang ay kulangin din ang mga paninda nilang alak dahil bukod sa Holiday season ay gustong makita ng mga tao ang katawan ni Angelica. Hindi malaswa at in fact very artistic ang pagkakakuha.

Ngunit hindi nagtagal ay muling umapaw ang inbox ko. Hindi ko agad napansin na iba na palang mga litrato ni Angelica ang attachment. Ganun din sa chat rooms at forum boards na pinupuntahan ko, puro si Angelica ang subject matter. Nang buklatin ko ang mga bagong attachment ng emails ay nagulat ako. Bukod sa dati nang ipinadala nila ay may second set of pictures na kakaiba. Mga litratong kunyari ay kuha bago gawin ang pictorial na para bang stolen shots ang dating. Pero kung titingnang mabuti ang litrato ay halatang alam ni Angelica na nakatutok ang camera sa kanya. At hindi basta stolen shot dahil ang nasabing second set of Angelica’s pictures ay mga bilbil ang ibinabandera!


Before and after photos of Angelica Panganiban

Katulad ng unang pagsambulat ng mga emails sa aking inbox, hugos na naman ang mga emails na laging may attachment. Bale alawang sets na ang pictures, kasama yung naunang magandang kuha at ang pangalawang pangit na kuha para maipag-kumpara.

Natural lang na bumaha ng mga opinyon sa loob at labas ng mga chat rooms at forum boards. May ilan na nagtatanggol kay Angelica at karamihan naman ay ang paglait sa mga bilbil ni Angelica. And the rest of the emailers ay walang kibo sa umpisa pero nang lumaon ay nagsikibo na rin. Isa lang ang malinaw, naguguluhan ang lahat kung ano ang katotohanan sa mga litratong yun ni Angelica.

Pinakamarami ang nanglalait. Ang mga litrato raw ni Angelica sa kalendaryo ay ginamitan ng airbrush – ito ang pagretoke sa mga litrato. Hindi lang ilan ang nag-email na ang ginamit daw software sa pagretoke ay Adobe Photoshop. In short, peke ang magandang litrato at ang pangit na litratong puro bilbil ang tunay.

Ayon naman sa ilang defenders, ang mga pangit na litrato ang ginamitan ng airbrush, puwedeng Adobe Photoshop o Corel Draw. Definitely, giit ng mga defenders ni Angelica, ang mga pangit na litratong puro bilbil ay hindi katawan ni Angelica. Kung marunong kang gumamit ng nasabing graphics software ay madali mong maikakabit ang mukha ni Angelica sa ibang katawan. At yung suot na damit ay maaari ring ipatong sa katawang may bilbil. Again, in short, ang pangit na katawan ay hindi kay Angelica. Yan ang pagdidiin ng mga kakampi ni Angelica Panganiban.

In my opinion, malaki ang pagkakaiba ng katawan ng magandang Angelica sa katawan ng pangit na Angelica. In other words, hindi magkatugma ang dalawang katawan at imposible namang parehong kay Angelica ang nasabing mga katawan. Kahit anong ipit ng paghinga ay hindi liliit at hindi magiging sexy ang katawan ng isang puro bilbil.

Sa sandaling pananahimik ng inbox ko ay sumanggani ako sa isang magaling na Adobe Photoshop artist. Ipinadala ko sa kanya ang lahat ng mga litratong galing sa mailbox ko, yung mga maganda pati na yung mga pangit. After a thorough analysis, my artist friend emailed me her analysis.

Tama ang hinala ko na ginamitan ng airbrush ang mga litrato. Pero ayon sa kaibigan kong artist ay ang pangit na litrato ang niretoke. Ibig sabihin ay genuine at authentic ang magandang pictures ni Angelica Panganiban sa upcoming calendar ng Ginebra San Miguel. Matapos kong ikalat sa email ang findings ay agad nagbalikan ang mga emails. Maraming natutuwa na mapatunayang talagang sexy si Angelica. Marami rin ang naiinis kung bakit may gustong manira kay Angelica sa pamamagitan ng mga bilbiling litrato. Pero walang kumontra dahil alam nila siguro kung gaano ka-powerful ang mga graphics software ngayon.

Sa pagkalat ko ng balitang yun ay lumutang ang nag-iisang opinion. Siguro ay gustong mapag-usapan ng husto ang nasabing calendar kaya sila mismo ang nagpakalat ng pangit at retokadong litrato ng bilbiling Angelica. May isa pang emailer na nagdidiin dahil may kilala raw siya sa mga taong nag-shoot ng nasabing pictorial. To blow up the issue, kailangan daw magkalat ng konting intriga. At dahil napakadali namang mag-retoke ng litrato ay naisip nilang kunan ang isang babaeng may bilbil na suot ang damit na ginamit ni Angelica sa pictorial. Matapos makunan ang bilbiling babae ay saka ipinatong doon sa katawan niya ang mukha ni Angelica. Presto, bilbiling Angelica ang resulta.

Kung tutuusin ay walang sapat na ebidensya ang aking mga sinasabi. Pero sa pagkalat ng analysis namin ay malinaw na naglaho na ang mga emails tungkol dito. Wala nang banggit kay Angelica sa mga chat rooms at forum boards. Mukhang namatay na ang issue dahil na-realize na ng lahat ang ginawang pakulo sa mga litrato.

Pero palagay ko ay curious pa rin ang mga tao sa paglabas ng nasabing kalendaryo featuring Angelica Panganiban. May kasabihan na A Thing Of Beauty Is A Joy Forever kaya tiyak ang pagtangkilik ng mga tao sa kalendaryo ng GSM dahil kay Angelica at hindi dahil sa mga litratong puro bilbil. At kung ako ang tatanungin, mas maigi pang yung mukha nung babaeng bilbilin ang ikinabit nila sa katawan ni Angelica. At least napaligaya nila yung babaeng bilbilin, di ba?

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com.