Aug 01
HD TELEVISION SWITCH by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Mon, Aug 1, 2011

Japan just switched to DTV broadcast last July 24, 2011. This Digital Terrestrial Television broadcasting renders obsolete the analog tv sets. Ang sinasabing analog tv set ay ang mga tv set natin sa ngayon dito sa Pilipinas.

Year 2009 nang mag-convert sa DTV broadcasting ang USA. Susunod na rin ang ibang bansa gaya ng United Kingdom, Australia at Canada. Ang Pilipinas naman ay inaasahang makakasabay sa technological trend sa taong 2015.

DTV broadcast (or digital terrestrial television) is the transmission of digital signals from the network’s transmitter to the television set. Ito ay kontra sa present analog broadcasting system na dumadaloy sa mga antenna ng pangkaraniwang television set.

Ang analog signal ay base sa frequency o dalas ng pagbugso ng broad-cast signal in combination with the strength of the signal. Ito ang coding system na gamit ng analog broadcasting upang mai-convert ang tv signal into the tv’s audio and video.

May kasabihan na “if it ain’t broke, why fix it?” Bakit nga naman kailangang palitan pa ng digital broadcasting ang analog broadcasting? Kung sabagay, matagal pa ang 2015 pero marami na ang nagtatanong kung dapat ba nating palitan ang mga tv set natin.

Sa ngayon, ang mga television set sa ating bansa ay analog system ang gamit na format ng tuner. Kaya kapag lumipat na tayo sa digital tv signal ay hindi na gagana ang tuner at wala na tayong makikitang palabas sa analog tv natin.

Kung sakaling abutan ng switch (to DTV broadcasting) ang ating analog tv, maaari pa rin itong gamitin. But we will be needing to install a digital tuner called Digibox. Ito ang magiging signal converter ng analog to digital and vice versa.

By the way, Sky Cable switched to digital format early this year. At dahil dyan ay nangailangan nilang bigyan ng Digibox ang kanilang mga subscribers. The Digibox will convert the digital signal of Sky cable for the benefit of the existing analog tv.

Ayon sa Sky Cable, the Digibox allows them to have individual control over the subscribers because the Digibox has a distinct address like a website. Parang sa pay per view, kontrolado ng cable operator ang “feed” dahil sa Digibox.

Flat rate ang singil ng mga cable tv operators. Pero dahil sa Digibox ay per channel na ngayon ang singil ng Sky Cable. Advantage daw ito sa mga subscribers dahil puwede na nilang piliin ang gusto nilang mga channels.

Take note na tinawag itong cable tv dahil ito ay gumagamit ng kable na dinadaanan ng broadcast signal. Kaya ang mga subscribers ng cable tv ay hindi nangangailangan ng antenna.

Ang mga cable tv operators na kagaya ng Sky Cable ay may proprietary rights sa kanilang kable. Dahil dito kaya hindi sila sakop ng 2015 conversion date na mandated by NTC (National Telecommunications Commission).

Ang DTV o Digital TV na papalit sa analog ay ang signal na dumadaloy sa ere papunta sa tv antenna. Kaya kapag nag-switch na sa DTV ang Pilipinas ay yung mga gumagamit lang ng antenna ang apektado.

Kadalasang problema sa analog ay ang pollution sa paligid gaya ng mga ingay o iba pang sound waves sa hangin. Ito ang isang dahilan kung bakit hindi 100% accurate ang analog signals at kung bakit malabo ang reception lalo na sa mga liblib na lugar.

Malamang na ang dahilan ng switching to DTV ay ang accuracy ng digital signal. Ang coding system ng digital signal ay 0 at 1 lang ang gamit kaya precise ang conversion dahil fully defined ang originating data.

Base sa karanasan ng USA, ang digital TV ay di hamak na mas malinaw kaysa sa analog TV. Bukod dito, ang digital broadcast ay mas tipid sa bandwidth kaya ang isang channel ay puwedeng lagyan ng mga subchannel.

Ang isang ipinagmamalaki ng DTV broadcasting ay ang multiplex capability. Ito ang function na ubrang makapagpalabas ng 2 programs ng sabay sa isang channel. Ito iyung paglalagay ng inset o small screen upang makita ang palabas sa ibang channel nang hindi naiistorbo ang panonood sa iba pang channel.

Another advantage of DTV ay merong itong 2 formats – HDTV o high definition at SDTV o standard definition. The setting of the tv set dictates the format to be used. Pero may mga digital tv na may format selection.

Ang HDTV o High Definition ay ang wide screen mode na 16:9 aspect ratio na very similar sa format and frame size ng HD camera. Ang high definition ay ang simulation ng theater screen o movie quality.

Ang SDTV naman ay may 4:3 aspect ration na kasalukuyang sukat ng video na 640×480 pixels. The standard video is the present format of the standard television screen. Medyo kwadrado ito at hindi wide screen.

Another plus factor for the digital TV is that it can be used as monitor by the computer. Understandably dahil digital na ang processing nito kaya compatible ito sa mga personal computers.

With the advancing technology, man is usually left behind. Kaya very soon ay mamamaalam na tayo sa ating mga analog tv set.

For a related article, DIGITAL TV, please click this link: http://filmacademyphil.org/?p=1330

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/