Nov 18
HONORING MOVIE GREATS by Jose N. Carreon  |  Posted in Articles  |  on Fri, Nov 18, 2005

The grade school auditorium of Ateneo de Manila University was the venue for honoring six top-grade movie personalities the Directors Guild of the Philippines Inc. tried gathering together for its second version of the Gawad Direk Awards night. Four came and six were honored last Friday, November 18, 2005 .

In one fell swoop, the directors of DGPI were able to give simultaneous homage to six movie personalities who have undoubtedly occupied their own special niches in the colorful history of Philippine cinema. The awardees were Director Augusto ‘Totoy’ Buenaventura, Philippine Comedy king Dolphy (Rodolfo V. Quizon), Director-Actor Eddie Garcia, Queen of Philippine Movies Gloria Romero, Actress-Social Worker Rosa Rosal and Producer-Actress-Singer Armida Siguion-Reyna.

The three women awardees were able to attend the rites, with Director Eddie Garcia. Dolphy, bereaved by the death of a son, and an ailing Director Totoy Buenaventura failed to arrive but nonetheless expressed appreciation for the honor endowed on them—Direk Totoy through a video-taped response and Dolphy, through a speech of the ever-gracious Susan Roces, a friend from way back their Sampaguita days.

The citation for each awardee says everything—the justification for each award, the role consistently played by each awardee through his or her many years in the movies and the consensus expressed by the 49 directors of the DGPI who unanimously voted to grant them these awards in one magnificently outstanding batch.

The citation for Direk Totoy, read by Senator Jinggoy Estrada, is as follows:

Tinagurian siya bilang isa sa mga haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Si AUGUSTO ‘TOTOY’ BUENAVENTURA ang nanguna sa pagmulat ng mga mata at kaisipan ng mga director na ang pelikula ay hindi lamang salamin na naglalarawan ng lipunang ginagalawan, kundi instrumento tungo sa pagbabago at pagsulong ng pagka-Pilipino.

Bilang director, inangat ni Direk ang action film tungo sa makabuluhan, makahulugan at matalinong uri ng sining.

At sa paglipas ng napakaraming taon, ang mga obra maestra ni Direk TOTOY ay siya pa ring batayan ng naiibang uri ng pelikula na tunay na maka-Pilipino.

The citation for Dolphy (Rodolfo V. Quizon ), read by the awards night master of ceremonies, Maricel Soriano:

Imposibleng suriin at pag-usapan ang kasaysayan ng pelikulang Pilipino na hindi nababanggit ang katauhan ni DOLPHY, o RODOLFO V. QUIZON.

Nagmula sa tradisyon ng entablado, si RODOLFO V. QUIZON ang sumakatawan ng katatawanang bahagi ng puso at kaluluwa ng kanyang mga kababayan. At nang ang kanyang henyo ay binihag ng pelikula, umusbong ang kaisa-isang mukha na nagbibigay buhay sa bawa’t ngiti, halakhak—at kung minsa’y pati luha—ng Pinoy.

Ilang henerasyon ng mga artista sa pelikula at telebisyon ang umangat at lumipas, nguni’t namayagpag at di kumupas ang Juan de la Cruz ng pagpapatawa.

Napapanahon ang Gawad Direk para sa Hari ng Komedyang Pinoy: ang katangi-tangi at di mapapalitang DOLPHY.

The citation for Eddie Garcia, read by Director Joel Lamangan:

Ang mukha. Ang tindig. Ang tinig.

Ang imahen at katauhan ni EDDIE GARCIA ay naka-ukit na sa kaisipan at kalahatan ng kasaysayan ng ating pelikula.

Ang maginoong kontrabida. Ang orihinal na Mr. Suave. Inangat niya ang antas ng pagiging kalaban ng hinahangaang bida sa pamamagitan ng katalinuhan at kaiba-ibang pag-arte. Binigyan niya ng kabuuan at kaisipan ang bawa’t karakter na kanyang ginampanan.

At bilang director ng pelikula, markado ang katauhan ni EDDIE GARCIA. Sino ang nakapagsabi na sa kanyang mga kamay, nagningning ang tunay na lalim at lambot ng puso ng mga dramang kanyang nilikha? Sino ang nakahula na sa katauhan ng isang kilalang kontrabida isinilang ang mayamang uri ng drama?

Nangingibabaw na aktor ng pelikula. Natatanging director na Pilipino. Simbolo ng kulturang tunay na maka-atin: si EDDIE GARCIA.

The citation for Gloria Romero, read by Joey Marquez:

Taglay niya ang kagandahang bumibihag sa ningning ng pelikulang Pilipino.

Dumaan man ang napakaraming taon, labas-masok man ang libu-libong mga artista—wala pa ring pumantay at papantay sa kagandahang binihag ng pinilakang tabing sa katauhan ni GLORIA ROMERO. Higit pa sa mukhang sumilaw sa mga tagahanga, isinakatawan niya ang kahanga-hangang propesiyonalismo, ang dedikasyon sa industriya upang mapatunayan ang galing sa pag-arte at pagmamahal sa hiwagang dulot ng kamera.

At sa pagbungad ng bawat taon, si GLORIA ROMERO ay hindi kumukupas, kundi lalo pang nakakagulat sa tindi ng ningning at pagpapakita ng kagalingan sa kanyang napiling sining.

Ikinararangal ng Directors’ Guild of the Philippines na taguriang nag-iisang alagad ng pelikula ang isang tunay na Reynang Pilipino: si Gloria Romero.

The citation for Rosa Rosal, read by Ms. Lucy Torres:

Ang pangalang ROSA ROSAL ay lalong nakilala higit pa sa anumang hiwaga at kamanghaang dulot ng pelikula.

Ang pangalang ROSA ROSAL ay maihahambing sa sinumang nabubuhay na bayani na kusang nagbigay ng buong katauhan sa pagtulong ng kanyang mga kapatid na Pilipino, hindi lamang sa oras ng pangangailangan, kundi sa bawa’t pagsikat at paglubog ng araw.

Hinangaan bilang isang kaiba-ibang artista, sinulong pa ni ROSA ROSAL ang kanyang natamong pangalan at popularidad upang buksan ang puso at kamalayan ng mga kababayan sa mga responsibilidad ng pagiging tunay na Pilipino.

Sa isang alagad ng pelikula, isang simbolo ng sining—at higit sa lahat, sa isang nangingibabaw na Pilipino—pinararangalan ng Directors’ Guild of the Philippines ang tunay na bayani…isang wagas na Pilipina: si ROSA ROSAL.

The citation for Ms. Armida Siguion-Reyna, read by Dawn Zulueta:

Walang hindi nakakakilala sa kanya. Walang maaaring magduda sa tindi ng kanyang mga paniniwala at ang hangganang kaya niyang marating para ipaglaban ang prinsipiyo.

Hanggang sa araw na ito, ipinaglalaban niya ang kahalagahan ng musikang Pilipino na matamasa at mahangaan ng masa.

Hanggang sa saglit na ito, hindi siya bumibitiw sa paniniwala na ang mga alagad ng sining ay may karapatang magkaroon ng sapat na kalayaang ilahad ang iba’t-ibang ideya ayon sa katotohanan, at hindi sa mga limitasiyong itinataguyod ng iba’t-ibang institusiyon ng bayan.

Hanggang sa gabing ito, patuloy ang kanyang paglaban upang mapatunayan na ang kalidad ng Pilipino ay maaaring itapat sa kahit sino man sa buong mundo.

Kinikilala ng Directors’ Guild of the Philippines ang natatanging tagapagtanggol ng kalayaang pangangailangan ng sining ng pelikula—ang nag-iisang Tita Midz: si ARMIDA SIGUION-REYNA.