Jul 01
YOUTUBE SENSATION by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jul 1, 2011

Sabi ng mga mahilig sa showbiz noong araw, dapat na may connection ka kay Doc Perez ng Sampaguita para ka maging artista. Lately naman ay si Mother Lily ang target ng mga wanabees sa pinilakang tabing.

Totoo namang connection ang number one factor sa pagiging artista. Kaya nga masuwerte ang mga anak at kamag-anak ng artista gaya ng mga pamilya ng Quizon, Salvador, Revilla, atbp.

Pero may mga instant discoveries din gaya ni Donita Rose. Nagpunta lang siya sa tv studio para manood ng noontime show at doon siya na-discover. Ganun din si Chacha ng Going Bulilit na nakita lang ng isang director sa ABS-CBN canteen.

Sa modern era ay naging passport ang mga reality shows. Si Jennylyn Mercado ay sa Starstruck ng GMA-7 nagsimula habang si Kim Chiu ay sa Pinoy Big Brother naman ng kapamilya station na ABS-CBN.

Mga pangalang Sam Milby, Mark Herras, Gerald Anderson. Lahat sila ay produkto ng mga reality contests. Naging sikat din si Sandara Park at Hero Angeles, mga winners sa Star Circle Quest.

With the advancing technology, there’s a new passport to fame called youtube. Ito ay isang website kung saan puwede kang maglagay ng mga video. At ang mga uploaded video sa youtube ay maaaring mapanood ng sino man sa internet.

Kadalasang video sa youtube ay mga kanta o mtv (music TV). Ito ang bagong craze ng mga kabataan dahil marami ang nahihilig manood sa youtube. Kaya naman merong tinatawag na youtube sensation. Sila ang mga sensational video sa youtube.

In 2007, pumutok sa internet ang youtube video ni Marie Digby (pronounced Ma-ree-ey). Isang Irish-American songwriter si Digby pero dahil marunong kumanta kaya naisip niyang mag-recording, pero hindi ng kanyang composition kundi mga cover songs.

Ang kanyang Umbrella version ay nag-rehistro sa youtube ng million viewers sa unang linggo at later ay umabot ng 7 million. Iba-ibang cover songs ang video ni Marie sa youtube na ang total views ay lumagpas na sa 100 million.

Matapos sumikat sa youtube ay naging recording artist na rin si Marie. Hit agad ang first album niyang Unfold which was released in 2008. The following year ay bumenta rin ang 2 albums niyang Second Home at yung Breathing Underwater.

Bukod sa album ay nagkaroon ng mini-series si Marie. Ang Breathing Underwater ay web movie na ginawa para sa website ng ABC network. Lahat ng kanta ni Marie ay kasali sa nasabing web movie na may 17 episodes.

In 2010, Justin Bieber became an overnight sensation in the internet. Only 15 years old, ang kanyang signature song na Baby ay humakot na ng 500 million views sa you tube. So far, ito ang record sa youtube noong year 2010.

Hindi lang singer si Justin kundi songwriter din kagaya ni Marie Digby. Si Scooter Braun, isang Canadian talent manager, ang nagdala kay Justin sa recording studio para maging recording artist.

Ang unang single niyang One Time na may international release noong 2009 ay nagtagal sa Canada’s top 10 at nasa top 30 naman sa international market. Ang debut album niyang My World ay naging platinum sa Amerika.

At si Justin ang unang singer na may 7 kanta sa Billboard Hot 100 na napapaloob sa kanyang debut album. Itong phenomenal popularity ng mga kanta ni Justin Bieber ay dala marahil ng kanyang pagiging youtube sensation.

In 2010, Justin received several awards. Artist of the Year siya sa 2010 American Music Awards. Sa Grammy Awards naman ay nominated siya for Best New Artist at Best Pop Vocal album.

This year, 2011, ay nag-concert si Justin dito sa Pilipinas. Ilang weeks pa bago ang concert ay sold out na ang tickets na ginanap sa Mall of Asia grounds. Dinagsa ng mga celebrities ang nasabing concert na very successful in terms of attendance.

Si Maria Aragon ay isang Filipino-Canadian naman na napansin ng mundo dahil sa youtube video niya. Kanta ni Lady Gaga na Born This Way ang piyesang kinanta ni Maria na ginamitan pa niya ng electronic piano.

At dahil sa youtube video ni Maria ay napansin siya sa internet. Naimbitahan siyang mag-perform sa Ellen Degeneres Show kasama ang prime minister ng Canada. Pero ang big deal ay nang makasama ni Maria si Lady Gaga sa stage during the Monster Ball tour ni Lady Gaga sa Toronto, Canada.

Sa local artists natin, alam na ng lahat ang success story ni Charice Pempengco na nag-ugat rin sa youtube. Isang internet user na may pangalang False Voice ang nag-upload ng video ni Charice na napansin sa abroad.

Isang Korean tv network ang nag-invite kay Charice sa talent show nilang Star King. After that ay sa Ellen Degeneres Show naman. At hindi lang siya nag-perform sa Oprah Show kundi inilapit pa ni Oprah si Charice sa music connections sa Amerika.

Halos pareho ng kuwento ni Charice ang success story ni Arnel Pineda. Dahil sa kanyang mga youtube video kaya kinuha siyang vocalist ng international band na Journey. Ngayon ay may world tour ang banda kaya international singer na si Arnel.

Sinasabing malaking tulong ang youtube kay Jovit Baldivino, ang unang winner ng Pilipinas Got Talent. During the elimination ay naibando na ang video ni Jovit ay may mahigit 700,000 views. Ibig sabihin na may following na siya sa internet.

At dahil may text voting ang Pilipinas Got Talent kaya dito nakalamang si Jovit. At marami rin ang nagsasabi na naging favorite ng judges si Jovit dahil sa kanyang achievement sa youtube.

Sa youtube din nanggaling ang comic duo called Moymoy Palaboy. Mga lip synched video ang ginamit nila kasabay ng pagpapakita ng mga kakaiba pero nakakatuwang facial expressions. Ngayon ay GMA-7 talent na ang magkapatid na Moymoy Palaboy.

Sino pa kaya ang susunod? Marami pa.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/