May 25
MORE LUNA AWARDS SIDELIGHTS by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, May 25, 2005

By Tess Clarin

Magara ang stage, malabo ang sound system, maraming artista, kokonti ang stars of the 50s and 60s, hindi gaano ang audience pero psychedelic ang design ng mga pica-pica na kulang pa raw sa tigi-tig-isa. Yan ang nakita, narinig, naamoy at natikman sa nakaraang Luna Awards na ginanap sa Westin Philippine Plaza noong May 14. Here’s hoping na ang lahat ng nagsidalo ay nabusog naman sa mineral water.

* * *

Martin is really excellent pagdating sa hosting. Siguro naiilang siya sa idiot board kaya pinatanggal niya. Kasi nga naman, pati mga jokes eh nasa idiot board. Aba, kung kasing bating ni Martin ang emcee eh masisira pa ang diskarte dahil sa idiot board na yun. Yan ding idiot board ang dahilan kung bakit parang robot magsipagsalita ang mga presentors. Napakahirap daw maging natural magsalita kung scripted ang sasabihin. Uhm, teka lang, hindi ba’t puro artista ang mga presentors? Baka naman kaya kulang sila sa workshop.

* * *

And in fairness kay Martin, maraming bumilib sa natural flair niya pagdating sa PR. Lahat ng madaanan na tao ay binabati niya. Sabi nga ng ilang katabi ko, para daw may instant connection si Martin sa mga tao. Pero pagdating sa audience ay tila nasira si Martin dahil hindi niya napilit na pumalakpak ang audience tuwing aappear siya sa stage. Delayed daw kasi ang umpisa ng program kaya siguro inantok ang audience.

* * *

First time na manalo ni Claudine Barretto sa Luna Awards at Best Actress pa! Same with Dennis Trillo, wagi din siya bilang Best Actor. Si Dennis ang revelation ng year 2004 dahil hindi sisiw ang mga tinalo niya sa iba’t-ibang award-giving bodies.

* * *

Very noticeable ang arrival ni Angelica Panganiban na si Mark Herras ang escort. Napakaganda talaga ni Angelica sa personal. Wala namang halong intriga pero siyempre hindi maiwasan ng mga taong hanapin si Jennylyn. And considering the constant LQ of Mark and Jennylyn plus the alluring beauty of Angelica… yun na ang taginting ng mga dilang kawing-kawing.

* * *

Isa pang very noticeable ay ang standing ovation at masigabong palakpakan nang tawagin si Susan Roces para igawad ang Fernando Poe, Jr. Lifetime Achievement Award kay Marichu Vera-Perez Maceda. Truly the movie industry’s first lady si Inday Susan, hindi pa yata ipinapanganak ang papalit sa trono niya. Prim and proper as always and very accommodating sa mga informal pictorial sa tabi-tabi.

* * *

Mga eyecatchers sa Luna Awards. Unahin na natin si Miss Celia Rodriguez sa kanyang damit na may dambuhalang ribbon (yun ang tingin namin) na malamang ay sumakit ang likod niya dahil hindi siya makasandal. Melanie Marquez was with her usual fashionable attire na kasing haba ng legs niya ang slit na animo telon ng lumang teatro. Ang makinis na ulo ni Paolo Contis na tila nakikipagtagisan ng kintab sa ulo ni Baron Geisler at ng singer na si Jay-R. Ang mala-Jose Rizal na suot ni Jay Manalo, puting suit and pants with matching white balanggot. At siyempre hindi patatalbog si Angel Locsin sa kanyang long gown na sa palagay ko ay hindi lang ilang tao ang nakatapak.

* * *

Sino kaya ang gumawa ng program ng Luna Awards? After giving out the Best Actor and Best Actress, nag-announce si Martin para palabasin at papuntahin sa poolside ang lahat ng mga artista para sa fireworks. Eh kakanta pa si Regine Velasquez tapos ibibigay pa ang award para sa Best Director at Best Picture. So, ayun nga, obey ang mga artista kaso obey din ang audience. Ang nangyari, kumanta ang Asia’s Songbird na walang laman ang pugad liban sa iilang itlog. Siguro kung naiba-iba ang singer baka nag-walkout na lang siya. Pati si Joel Lamangan at Mother Lily, recipients of Best Director and Best picture, respectively, ay parang naka-docu na nagbibigay ng speech sa camera dahil kasing-konti ng pica-pica ang natirang audience.

* * *

Ngayon ko lang nalaman na movie fan pala si Mother Lily Monteverde. Ngayon ko rin lang nalaman na isa pala siyang kolehiyala na nagmula sa Maryknoll ( Miriam College now). At ngayon ko lang na-realize na marunong pala siyang mag-Tagalog!

* * *

Unsolicited advice sa producer ng Luna Awards, next time ay bigyan naman ng pahalaga ang maliliit na tao tulad ng audience at movie industry workers. Kapag nanalo ang mga artista ay meron silang side interview kay Cherie Gil at may matching loot bag pa. Pero yung winners ng mga technical awards ay wala man lang kahit isang click ng instamatic camera. Tanong nga ng ilang kasamahan sa pagsusulat, mabubuo raw ba ang pelikula kung walang cinematographer o sound engineer? At final request, banggitin din sana ang www.fapweb.org dahil totoo namang malaki ang naitulong ng website pagadating sa mga press releases ng Luna Awards.