Jun 17
ANATOMY OF A GAME SHOW HOST by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 17, 2011

Part 2

Matapos ang mahabang negosasyon ay tuluyan nang ipinahinga ng ABS-CBN ang kontrata ni Willie. Matagal ring nawala sa TV si Willie pero hindi siya tumigil sa paghanap ng paraan kung paano makabalik.

Sa pamamagitan ng mediation ng Viva Production ni Vic Del Rosario, nakapasok si Willie sa bakuran ng TV5. And amid the TRO filed by ABS-CBN, Willie’s new game show was born.

Willing Willie first aired in October 2010 in the 6:30 pm slot. Ito ay co-production ng TV5 at ng Wil Productions together with Viva Productions. Lumalabas na ang Viva ang pinaka-manager ni Willie ngayon.

Napakasimpleng game show. Ang dalawang grupo ay magpapabilisan na putukin ang mga lobo. Ang isa pang game ay ang question and answer tungkol sa mga kanta, kung sino ang kumanta at kung ano ang lyrics.

As usual, naroon pa rin ang pagtatanong ng buhay ng mga contestants. Hindi rin nawala ang mga kadramahan sa buhay ng mga contestants. Understandably, lumiit ang mga premyo pero may pangako namang lalakihan din ito pag tumaas ang rating ng show.

Unti-unti ay dumarami ang mga sponsors ng Willing Willie kaya lumalaki na nga ang mga papremyo. Dumarami rin ang nabibigyan ng cash handout sa audience. Para sa mga special cases gaya ng handicapped o ulila ay may extra cash pa sila.

Lalong tumaas ang rating ng Willing Willie nang makumbinsi ni Willie na maging co-host si Shalani Soledad. Alam naman ng lahat na si Shalani ay dating nobya ng presidente ng Pilipinas kaya malaking plus factor ito sa Willing Willie.

Ang bago sa show ay ang pamimigay ng pera sa mga studio audience. In thousands of pesos ito at ang tanging requirement lang ay ang presence sa studio ng grupo. Minsan ay mga celphones at iba pang gamit ang ipinapamudmod sa studio audience.

Dumating ang pagkakataon na naging kotse ang grand prize courtesy of Foton Cars of China. Meron ding house and lot mula sa Camella Homes. Expectedly, tumaas ang rating ng show at lalong dumami ang sponsors ng shows na ikinatuwa ng TV5 management.

Maraming detractors si Willie Revillame at sinasabi nilang sooner or later ay may masamang mangyayari. Remember, laging problema ng MTRCB (Movie Television Review and Classification Board) si Willie Revillame.

There was a time na si Armida Siguion-Reyna ang chairman ng MTRCB nang unang masuspindi ang show ni Willie Revillame dahil sa kanyang mga green jokes. Ang MTB ay sandaling pinalitan ng Esep-Esep ni Amy Perez.

Ang isa pang negatibo kay Willie ay ang kanyang kayabangan at arrogance. Sa Willing Willie ay naging guest si Rico Puno. Walang habas na sinumbatan ni Willie si Rico dahil sa pagtanggap ni Rico sa hosting ng variety show na iniwan ni Willie sa ABS-CBN.

Ang latest na tantrum ni Willie ay ang hindi niya pagsipot sa kasal ni John Estrada. Si Willie sana ang best man. All because John and Randy, mga dating bosom friends ni Willie, ay host ng noontime show (kapalit ng show ni Rico Puno).

Lahat ng mga nasabing issues ay tinalakay ni Willie on the air. Napilitan tuloy sumagot si Randy on the air din. Noong araw daw na walang pera si Willie ay madalas itong makikain at makitulog sa bahay nila Randy.

May tendency rin si Willie na mag-exploit ng contestants. Sabi tuloy ng mga detractors niya na ang kahirapan ng mga contestant ang sinasa-mantala ni Willie. On the other hand, mismong ang mga contestants naman ang nagbabando ng kanilang pagiging mahirap.

Recently ay malaking issue na naman ang kinasangkutan ni Willie. Ito ay ang pagsayaw ng isang batang contestant. Named Jan-jan, ang bata ay nag-macho dancing habang umiiyak. Dahil dito ay child abuse ang naging akusasyon kay Willie.

May ilang celebrities gaya ni Agot Isidro at Jim Paredes ang nagkondena sa ginawa ni Willie sa bata. As his usual self, laging may sagot si Willie at may pang-insulto pa nga (wala raw anak si Agot kaya ano ang alam nito sa bata.).

Sa kabila ng pag-amin ng ama ng bata na siya ang may kagustuhan ng ganung pagsasayaw, sumampa pa rin sa MTRCB ang kaso. At napatawan ng one month suspension ang Willing Willie.

Pero bago mai-serve ng MTRCB ang suspension ay nag-voluntary suspension ang Willing Willie. Habang off the air ay old movies ang ipinalalabas sa time slot nito habang patuloy sa pag-uusap ang kampo ni Willie at ng TV5.

Eventually ay napagkasunduan na muling umere ang show ni Willie. But this time ay may konting pagbabago starting with the title na Wil Time Big Time. Mas makulay at mas masigabo ang game show na ito.

What makes Willie click? Yan ang tanong na mahirap sagutin.

Noong panahon pa lang ng MTB, inamin ni Willie na pinapanood niya ang Eat Bulaga upang mapag-aralan kung bakit mataas ang rating nito. After some deep analysis ay nagpapasok ng innovations sa show si Willie.

May nagsasabi rin na nakita ni Willie ang puso ng masa. Nasa mahihirap ang susi ng tagumpay ng isang game o variety show dahil masa ang tumatangkilik nito. Kaya nga ang catchline ni Willie ay ang pagtulong sa mga mahihirap (thru his show).

Sa panahon ni Willie sa TV5 ay hindi na noontime ang kanyang show, head on collision siya sa evening news ng GMA-7 at ABS-CBN. Aminado namang kalahati lang ng rating ng news program ang show ni Willie pero hindi nakakasiguro ang 24 Oras at TV Patrol.

Marami rin ang nagtataka kung paano naging number 1 taxpayer ng Quezon City si Willie. Paano siya kumita ng ganung kalaki? Mula lang ba sa talent fee o may iba pa siyang income?

Naalala nyo ba si Muhammad Ali? Siya ay pinaratangan ding arrogant dahil sa kanyang kayabangan. Ganun din ang paratang ng tao sa Beatles. Pero si Ali at ang Beatles ay nasa history na ang kanilang naging kasikatan. In other words, hindi balakid ang kayabangan at arrogance sa isang sikat na tao.

Kapag dumating ang oras na maitumba ng Wil Time Big Time ang mga news program, dito mapapatunayan kung ano talaga ang gusto ng tv audience.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/