May 18
FROM THE BLEACHERS by Alex J. Socorro  |  Posted in Articles  |  on Wed, May 18, 2005

The 23rd Luna Awards was tops in terms of pomp and elegance, truly a spectacle, indeed the grandest night in the entertainment industry. For a change, let’s give the floor to the audience of the 23rd Luna Awards held in the Harbour Garden Tent of the Westin Philippine Plaza.

———————————–

Kakaiba si Angel Locsin. Walang ek-ek sa katawan nang hilingan namin ng mini pictorial. First shot, smile siya, click! Feel mo ang natural smile niya. Next shot, oops, nag-jam ang instamatic camera. Wait lang, Angel, ha? Smile ulit siya with a matching tango and a soft, “Okay lang.” Click ulit ang camera. Ayaw pa rin. “Eeek!!!” Natatapakan ng cameraman ang laylayan ng long gown ni Angel. Last click, ayaw talaga. After more than a minute of jamming (of the stupid camera), parang si Angel pa ang nanghinayang na iisang shot lang ang nakuha sa kanya. So there, so fitting of a superheroine with super pasensya. Darna!

———————————–

Another fitting name is that of the winner of the Best Production Design. And the Luna Award went to none other than JOEY LUNA. Very proud tuloy ang table ng Production Designers Guild of the Philippines. Lalo na nang dumating ang inorder na drinks ni Joey.

———————————–

Akala ko ba 50s and 60s ang motif? Kokonti ang mga old stars, bilang na bilang. Nakita ko nga si Olivia Cenizal, andun lang sa audience, hindi nila isinama sa mga old stars. Di ba sikat din si Olivia noong araw? Ay, teka, alam ko na, baka noong 40s pa sumikat si Olivia Cenizal.

———————————–

Suplado naman si Albert Martinez, akala mo kung sino. Dati schoolmate ko sa UST yan, Little nga ang bansag sa kanya eh. Iba na talaga pag sikat na ang tao. Teka, bakit nga pala wala si Amalia Fuentes? Magkagalit pa rin ba ang mag-biyenan? Pati si William wala din.

———————————–

Once in a while Martin exhorts the lethargic audience for an energetic applause. But there’s no coaxing needed when Dennis Trillo was named Best Actor. He’s so good, dapat napanood mo ang Aishite Imasu 1941. Hindi siya anak ni Joaquin Trillo kasi Ho ang real surname niya, middle name lang ni Dennis ang Trillo.

———————————–

“Sino ba yung magandang usherette na naka-violet? Ang sungit eh, akala mo mga langaw kaming itinaboy sa huling row ng tables.” The FAP staff meekly replied, “Naku, ma’am, tauhan po ni Albert yun, wala po kaming alam dyan. Kunan ko na lang po kayo ng picture, ma’am.” O, smile!

———————————–

Kaya naman pala sikat si Jericho eh, very willing siyang magpakuha ng picture. Hindi lang babae ang nagpapa-pictorial, pati lalake, lalakeng tunay, ha? Director Pablo Vergara requested a camera shot to which Jericho willingly obliged. After the flash of the antiquated instamatic camera, the musician left beaming with pride. Jericho resumed his interrupted conversation with a pretty young mestiza. After exactly 60 seconds, Pablo Vergara came back together with his daughter for another photo-op with Jericho!

———————————–

Ang cute ni Niña Corpus, simple lang dun sa sulok, o. Dressed in white, Niña smiled and accommodated two young souvenir hunters for a camera shot. After thanking Niña for the photo-op, the young woman previewed the shot and exclaimed with pure naivete, “Ay, ang ganda ng kuha namin, kitang-kita ang gilagid ni Niña.”

———————————–

Napakabait pala ni Susan Roces, so unlike Boyet na halatang iwas sa public camera. Pagdating niya nagpakuha agad kami ng picture tapos pag-alis niya nagpakuha ulit kami. Payag lang siya. Dapat nga lang siyang tawaging First Lady ng movie industry. Dream come true ang picture na kasama ko si Susan. (from the mouth of a GMA-7 employee who won third prize in the Name the FAP Statuette contest).

———————————–

Speaking of Susan Roces, this writer proceeded to Aristocrat right after the awards ceremonies. The fireworks lit the sky while I was alighting from the car. The parking attendant remarked “Siguro dun galing si Susan Roces,” referring to the origin of the fireworks. She added that Susan together with Gloria Romero and Many Ichu were inside Aristocrat, having their late dinner. Unable to restrain my bloating ego, I fixed my still crispy Barong Tagalog then bragged that I was with the said celebrities and indeed we all came from Westin Philippine Plaza. The parking attendant’s face glowed and asked without hesitation, “Sino ho ang ikinasal?”