Jun 10
ANATOMY OF A GAME SHOW HOST by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Jun 10, 2011

Part 1

From a nobody, now a somebody.

He owns a building that is under construction. Not to mention his fancy cars and his yacht. He has a direct hand with the profit of the show. Willie Revillame definitely belongs in the big league.

Mula sa pagiging trying hard drummer, naging asawa ni Willie si Princess Punzalan. Pero bago ito ay nagkaroon na siya ng anak sa kapatid ni Maricel Soriano. Si Merryl Soriano ay kasalukuyang nag-aaral sa London courtesy of Willie.

Sa kanyang kasikatan ay naging asawa ni Willie si Liz Almoro na nagmula sa mayamang pamilya. May isang anak sila pero hindi nagtagal ay nakipaghiwalay si Liz kay Willie sa kasong wife abuse.

Obviously, failure ang love life ni Willie. May demanda pa nga sa kanya si Liz. Add to this ang mga intrigang kinasangkutan niya gaya ng maliscious mischief na demanda ni Salve Asis, editor ng isang tabloid.

But Willie Revillame is such a big name in the television industry. Ayaw mang aminin ng iba, si Willie ang highest paid o highest earning tv host sa ngayon. He can command his price, so to speak.

And how did it happen that an ordinary guy would reach great heights in so short a time?

Ang unang game show ni Willie ay ang MTB (Magandang Tanghali Bayan) ng ABS-CBN. Matatandaang ito ang pumalit sa Sanglinggo Na Po Sila hosted by the trio of Jim Paredes, Danny Javier, Boboy Garovillo a.k.a. Apo Hiking Society.

Ang Apo ang itinapat ng ABS-CBN sa long-running noontime show na Eat Bulaga. Mula sa Sunday musical show ay ginawang weekday ang nasabing show ng Apo. Pero hindi nagtagumpay ang kanilang ambisyon na itumba sa pagiging number 1 ang Eat Bulaga.

Sa pagpasok ng MTB ay naging hit sa audience ang segment na Pera O Bayong. Ito ay hango sa Kuwarta O Kahon ni Pepe Pimentel. But this time, ang Pera O Bayong na pinapelan ni Willie ay naging mas exciting dahil sa laki ng premyo.

Co-host ni Willie sa MTB si Randy Santiago at John Estrada na later on ay naging mga kabarkada niya. Kasama rin sa show sina Amy Perez, Roderick Paulate at ang mga comedians na sina Bayani Agbayani at Bentong.

Dahil sa segment na Pera O Bayong ay tumaas ang rating ng MTB hanggang matapakan nito ang Eat Bulaga for a time. Sa katunayan, dahil sa tagumpay ng MTB ay nagkaroon pa ng movie with the same title.

Unti-unti ay nakikialam si Willie sa format ng show hanggang pinapelan na niya ang pagiging creative director. To Willie’s credit ang mataas na rating ng MTB. However, sa pagpasok ng Sexbomb Dancers ay muling nakabawi sa rating ang Eat Bulaga.

In 2005, ABS-CBN decided to stop the airing of MTB due to its low rating. Pero behind the scene ay nakumbinsi ni Willie Revillame ang management na magbukas ng bagong noontime show. This time, mag-isa lang si Willie sa hosting.

Wowowee debuted to a good start and little by little ay nakahabol ito sa Eat Bulaga. Pero sa kasamaang palad ay nagkaroon ng Ultra Stampede noong February 2008 where 71 people died.

Ironically, that unfortunate incident proved the veracity of the ratings that Wowowee was number 1 in the ratings game. On the contrary, malaking pera ang nawala sa Wowowee dahil sa kanilang pag-ako ng responsibility sa mga namatay at nasugatan.

In the following years, hindi na napigil ang soaring popularity ng Wowowee, brought about by the extraordinary skills of Willie’s hosting. Wala man siyang maituturing na charisma pero ang rapport niya sa mga contestants ang tila nagugustuhan ng audience.

Sa totoo lang, si Willie ay madalas mang-uyam (ridicule with sarcasm) sa mga contestants. Sa isang matino at disenteng tao ay tiyak na sasama ang loob sa parang panghihiya na pangkaraniwang ginagawa ni Willie.

Take for instance ang isang contestant na nagpakita ng kanyang talent. Bilang pabuya ay binigyan ni Willie ng 20,000 pesos sabay sabi ng “Akala mo fifty thousand ha? Hindi noh! Hanggang twenty ka lang,” with matching laughter.

Kung iisipin, hindi nga siguro makukuhang mainis ng nasabing contestant if you would consider the 20,000 pesos gift from Willie. Ganyan ang nararamdaman ng bawat contestant sa show ni Willie Revillame.

Ang pamimigay ng premyo ni Willie ay parang virus na nakakahawa sa mga tao. Kahit mga foreigners ay natutuwa sa show ni Willie dahil mas nangingibabaw ang generosity kaysa sa arrogance at kayabangan ng host.

One factor stands out – ang mga contestants ay pawang mahihirap na tao. In other words, Willie has been very successful in exploiting the poverty of the contestants. Hindi nga ba’t andyan ang mga kadramahan na paiiyakin muna ang contestant bago bigyan ng pera?

Remember that Wowowee suffered another big blow during the funeral procession for Tita Cory, the former president. Inakala ng mga tao na binastos ni Willie ang live coverage ng nasabing funeral march.

May issue din ng technical error na parang nandadaya ang Wowowee. Pati si Joey De Leon ng kalabang Eat Bulaga ay nasangkot sa issue dahil sa kanyang paghingi ng explanation from Willie.

But he biggest blow kay Willie ay nang makabangga niya si Jobert Sucaldito, radio announcer of the same tv network. Jobert criticized Wowowee for guesting “pasang-awa” students.

That remark on the radio did not sit well with Willie. Being his usual self, nagpakita ng utmost arrogance si Willie up to the point na pati ang network ay kanyang hinamon. “Ako ang aalis kapag hindi nyo tinanggal yan (Jobert).”

Siguro ay napuno na ang ABS-CBN management sa arrogance ni Willie. Sa kabila ng mataas na rating ay inihinto ang Wowowee. At sa korte nagwakas ang issue ni Willie Revillame versus ABS-CBN.

May kasabihan na you cannot put a good man down.

(Next week: Part 2).

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/