Mar 30
EXPLOSIVE – K AND K by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 30, 2005

By Tess Clarin

Malapit na uling makita sa TV ang tinaguriang K and K tandem nina Kris Aquino at Korina Sanchez. Gaya ng inaasahan ng makakating dila sa tabi-tabi, ang talk show ni Kris at Korina ang papalit sa naghihingalong MRS ni Amy Perez at Roderick Paulate. Gapang daw kasi sa rating ang MRS laban sa SIS ng kabilang istasyon. Baka naman hindi si Amy at Roderick ang may pagkukulang? Bakit hindi tingnan ng ABS-CBN ang kanilang creative department na walang ginawa kundi ang manggaya. Pero teka, may creative department nga ba sila?

* * *

Sa ratings game pa rin ng ABS-CBN, mukhang matatabas din ang Homeboy ni Boy Abunda dahil napakababa raw ng rating nito. At nagtataka ang ABS-CBN dahil napakaraming feedback via text at emails daw pero hindi maka-pick up sa ratings. Mukhang mahina na nga talaga ang think tank ng ABS-CBN. Wala ba sa dictionary ang text brigade at rainbow connection ng email?

* * *

Nabigla ang lahat sa balitang ikinasal na si Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson sa Amerika. Deadma kasi si Jodi sa mga sapantahang ganun bago siya pumunta sa U.S. na bakasyon lang daw ang pakay. But it turned out, so in love si Jodi sa anak ni Sen. Ping Lacson. Pati ang mga politicians ay nagulat dahil ninang pala si Sen. Loi Estrada. Sabi nga, all’s well that ends well.

* * *

O, ayan, si Billy Balbastro na ang nagsabi na meron ngang tumanggap ng lagay sa nakaraang Star Awards. Si Billy ay dating pangulo ng PMPC, ang grupong humahawak ng Star Awards. Sa ngayon ay ayaw na nilang lumabas sa media ang issue habang ginagawa ang masusing imbestigasyon. Teka lang, di ba’t part din sila ng media? Oy, ang daya ninyo!

* * *

Part na rin ng showbiz si Manny Pacquiao kaya maraming taga-showbiz ang nasaktan nang matalo si Manny kay Erik Morales. Sabi ng editor namin, muling mapapanood si Manny at si Morales after Holy Week. Tune in daw sa Channel 2, kasama ni Manny si Vina Morales , hehehe. Seriously, nasa ere na ang KAMAO ni Manny kasama si Robin Padilla at, yes, si Vina. Sa mga Pacquiao fanatics, sana tigilan na natin ang pagsasabi ng hero o Bayani ng Bayan. Masyado naman yatang mababa ang standards natin kung ang ating Bayani ay isang talunan!

* * *

We are happy to hear that Kris Aquino is once again blooming red. Si Rommel Adducul daw ang magandang dahilan. Remember Rommel? Siya ang dating boyfriend ni Assunta De Rossi na ngayon ay Mrs. Jules Ledesma na. Kaya lang sa aming palagay ay magiging problema ang pagkakaiba nila ng relihiyon. Born Again daw si Rommel at si Kris naman ay devout Catholic, at least ang mother ni Kris. Abangan kung hanggang kailan!

* * *

Matindi ang preparasyon ng Star Cinema para sa Can This Be Love ni Sandara Park at Hero Angeles. Napurga kami at naumay sa mukha ni Sarah Geronimo sa a la MTV na promotion nito nang nakaraang Holy Week. Napakahaba ng MTV dahil buong kanta yata ay tinapos. Baka tuloy isipin ng mga tao na si Sarah ang bida dito. Positive ba o negative? Ewan, mahirap sumagot dahil baka hindi ako bigyan ng passes ng Star Cinema.

* * *

Mabibili na sa record bars ang A TRIBUTE TO GEORGE CANSECO mula sa Viva Records. With 25 choice cuts, mga sikat na singers ang kumanta gaya ni Sharon Cuneta, Regine Velasquez atbp. Sana ay tangkilikin natin ang double-CD na ito bilang pasasalamat kay George na nagbigay sa atin ng hindi mabilang na magagandang awitin. At sa pagkawala ni George Canseco parang nawala na rin ang mga quality songs natin.

* * *

Nagbakasyon sa U.S. si Benjie Paras kasama ang 2 anak nila ni Jackie Forster. Sinundan ni Jackie sa U.S. ang mag-aama sa pangambang itatago ni Benjie ang mga bata. Natiyempo naman kasing bumaba na sa korte ang visitation rights ni Jackie sa mga anak at ang U.S. trip ay parang may ibinabadyang something, di ba? Kung sakali ngang maglaho ang mga anak ni Benjie, eto lang ang masasabi ko – Naks!

* * *

Masamang balita mula sa Turkey. Nabaril daw si Yilmaz Bektas, ang husband ni Ruffa Gutierrez. Isa sa tiyan at isa sa paa ang tama ni Yilmaz pero ligtas na siya sa panganib. Malamang ay maka-apekto ito sa mga balak ni Ruffa. Remember, bumili ng isang international network si Yilmas para pamahalaan ni Ruffa. At fashion daw ang focus na gagawin ng network ni Ruffa. Sana ay ma-feature ang mga kapatid ni Ruffa lalo na si Raymond!

* * *

Malapit na ang election ng KAPPT (Kapisanan ng Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon). Unlike other guilds, the KAPPT is wanting in leadership. Sabi nga ni Kuya Germs, sa KAPPT daw ay isang sakripisyo ang maging presidente. Sino kaya ang tatakbong kandidato sa election ngayon? Calling Richard Gomez, Albert Martinez, et al.