May 06
RELIGIOUS MOVIES by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, May 6, 2011

Reputedly the only Catholic country in Asia, it’s understandable that Filipino movies have a religious flavor.

Apparently, the Catholic is the dominating force in the local movies not because it is the dominant religion in the country. According to a movie industry veteran, “Ang Katoliko kasi ay very permissive hindi gaya ng ibang relihiyon.”

Born Again Christians are too strict with idolatry while Jehovah’s Witnesses cannot tolerate blood like Iglesia Ni Cristo. Any other religious groups, including the Catholic church, has its own prohibitions.

Ngunit sadyang naiiba ang Islam dahil kakabit nila ang ibang culture. Ito ang dahilan kung bakit maingat ang mga movie producers sa paggawa ng pelikulang nakasentro sa pananampalatayang Islam.

For the uninitiated, the most popular aspect of the Muslim faith is their consent for allowing a man to have as many as 4 wives. Pinapayagan ang ganoon as long as the man will support his wives and children.

Ang isa pang kakaiba sa Muslim ay ang kanilang Jihad. Ito ang mithiin na pumatay dahil sa kanilang religion. Iyang ganyang katapangan ang iniilagan siguro ng mga local movie producers dahil hindi naman biro ang ma-TRO (Temporary Restraining Order) ang isang pelikula.

Robin Padilla, the most popular Muslim in the local movies, has come up with Tum: My Pledge Of Love. Starring himself and his new wife, Mariel Rodriguez, ang pelikulang ito ay mula sa story at script ni Robin na siya rin ang director.

Shot on location in India, Mariel plays the role of a Pinay teacher who falls in love with a Muslim who was half-Filipino and half-Indian. With the cultural differences, problems of all kinds were thrown at the couple.

As an added attraction, ang kasal ay idinaos sa Taj Mahal, ang famous tomb of Muntaz Majal. Talagang attraction ito dahil marami ang nagtataka kung paano pinayagan na mag-shooting sa nasabing tempo o libingan.

Produced by Star Cinema, Tum: My Pledge Of Love attempts to show how Muslims and Christians can achieve harmony if only love will prevail. However, sa history ng love life ni Robin ay kokonti ang naniniwala sa kanyang pledge of love kay Mariel.

Noong 2001 ay ipinalabas ang Bagong Buwan. Ito ay tungkol sa isang Muslim na kasapi sa Bangsamoro rebel group na MILF (Moro Islamic Liberation Front). Ayon sa mga nakapanood, ang movie ay opinion ng isang rebelde.

As the story goes, Ahmad (played by Cesar Montano) was a doctor in Manila whose family suffered because of the fighting between the government and the rebels. Sa pagbabalik ni Ahmad sa kanilang lugar ay lalong lumaki ang problema.

The movie was successful in showing the indignities caused by the war among Muslims and Christians as well. Nakita ni Ahmad ang paghihirap ng isang batang Kristiyano sa kamay ng mga rebeldeng Moro.

Siguro, ang pagiging neutral ng movie ang dahilan kung bakit naging successful ito sa box office. At ito rin ang dahilan kung bakit walang nagreklamo on either side, Christians o Muslims man.

Sa ibang bansa, lalo na sa Hollywood, ay maingat ang mga producers sa pagtalakay sa relihiyon ng mga Muslims. Kadalasan ay ginagamit lang nilang backdrop ang religion pero ang focus ng kuwento ay ang pagtutunggali ng mga tao.

Ang The Hurt Locker ay kuwento tungkol sa isang American bomb squad sa Iraq War. Dahil religious in nature ang tema kaya una itong ipinalabas sa Venice Film Festival (Italy) noong 2008.

After garnering several awards abroad, ang The Hurt Locker ay ipinalabas rin sa U.S.A. noong 2009. Natamo nito ang Best Picture Oscar trophy ng Academy Awards. Ang director nitong si Kathryn Bigelow naman ang hinirang na Best Director.

Isang notable movie noong 1982 ang Gandhi, based on the life story of Mohandas Karamchand Gandhi a.k.a. Mahatma Gandhi of India. Buddhism ang backdrop ng movie at ipinakita ang pagiging non-violent ng mga Buddhist.

Although with a religious facet, ang focus ng Gandhi ay ang political struggle ng India upang makamit ang independence from Great Britain.

For his portrayal of Gandhi, Ben Kingsley won the Best Actor of the Oscars. Nakuha rin nito ang Best Picture award at ang Best Original Screenplay. Si Richard Attenborough and itinanghal na Best Director.

Hindi man movie, interesting to note ang very controversial tv series na The Borgias. Ito ang kuwento ng Borgia family na very powerful noong araw sa Rome. At talagang puno ito ng controversy dahil base ito sa true story o history ng Borgia family.

Ang first episode na ipapalabas sa Canada ay tungkol kay Cardinal Rodrigo Borgia. Sa tulong ng mga anak ni Rodrigo ay nabraso nila ang iba pang cardinal upang maiboto siyang papa sa pangalang Pope Alexander VI.

Bukod sa pagiging pope ni Rodrigo sa first episode ay makikita rin ang mga krimen na ginawa ng mga anak niya. Take note na may asawa’t anak si Rodrigo pero bukod doon ay meron pa siyang mga mistresses.

Sa pangalawang episode na may pamagat na Assassin, ay lulutang na ang pangalan ni Cesare upang bantayan ang mga kalabang cardinal ng kanyang amang pope. Dito rin makikita ang pakikipagsabuwatan ni Cesare sa mga masasamang elemento.

Malamang ay hindi ito maipalabas sa Philippine television dahil tinatalakay sa The Borgia tv series ang mga naging kabulukan ng Vatican.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/