Mar 23
EXPLOSIVE – DARNA by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 23, 2005

By Tess Clarin

It’s not a plane, not a bird either, it’s Liza Moreno, no, it’s Eva Montes, uh-uh, it’s Gina Pareño, guess again, it’s Vilma Santos, not exactly, it’s Rico Locsin, far from it, Sharon Cuneta, not anymore, Anjanette Abayari, another guess, Regine Velasquez, close but not quite. Soaring in the skies as DARNA is Angel Locsin. Huh, sobrang suspense kasi ng GMA-7 kaya pati writeup namin napa-suspense tuloy. Si CJ Muere ng StarStruck ang papapel na Ding kaya dapat ihanda na niya ang bato!

Mabangis ang Darna ngayon dahil malupit ang casting. Si Alessandra De Rossi ang mortal enemy na si Valentina. Kasama rin si Karen Delos Reyes, Caridad Sanchez, Sandy Andolong, Tonton Gutierrez, Jeremy Marquez, Ella Guevarra, Renz Valerio to name a few. At siyempre from time to time ay may lilitaw na guest characters. Abangan kung magiging guest ng Darna si Oyo Boy Sotto! And by the way, si Cogie Domingo pala ang love interest. Uhum, kaya pala may pregnancy issue kay Cogie. Galing-galing talaga sa gimmick si Darna!

* * *

Sa kabilang dako naman ay abala na rin sila sa PANDAY na pangungunahan ni Jericho Rosales. Marami ang nagtatanong kung may permiso daw ba ni Susan Roces ang serye ng ABS-CBN. Ang Panday TV series o ang character ng Panday ay malamang na copyrighted sa writer. At any rate, sagupaan na naman ito sa ratings ng mga fantasy – Darna vs. Panday – Jericho vs. Angel. Hmm, kanino ba kayo? Basta ako kay Captain Barbell pa rin!

* * *

Liz Almoro is a Bb. Pilipinas semi-finalist in 2000. Now she had changed her name to Liz Revillame. Yes, siya ang bagong misis ni Willie Revillame of MTRCB, er, Wowowee pala. Ano pa bang masasabi natin kundi congratulations, Willie and Liz, sana ay maging bayong-bayong ang inyong kaligayahan. Hindi confirmed ng aming reliable source kung totoong sa Lipa City sila ikinasal at ang nag-officiate ay si Mayor Vilma Santos . But what’s this we hear na hindi boto ang ama ng babae para sa lalake? At bakit, kung kayo ba ang ama ng babae eh boto ba kayo kay Willie?

* * *

Some friends told us about the WOWOWEE episode last Saturday where April Boy Regino was their guest. Parang binastos daw ni Willie si April Boy sa deretsahang pagtatanong ng “Bakit ka andito? Di ba sa Chowtime ka?” Arogante daw ang tono ni Willie. But knowing Willie, malamang ay nagbibiro lang siya although according to friends who had watched the show, feel daw nila ang angst ni Willie. Wala kaming masabi kasi hindi naman namin napanood. Pero kung totoo man ito, sana ay maisip ni Willie na baka last chance na niya ito. At ang arrogance ay walang puwang sa TV dahil ang audience niyan ay GP. Baka yan ang matutuhan ng ating mga anak, sige!.

* * *

Talaga yatang minamalas ang ABS-CBN nowadays. Tila nakasalalay sa laban ni Manny Pacquiao ang KAMAO, bagong reality show ng ABS. Masaklap sabihin pero natalo si Manny kay Erik Morales. Ultimo ang Balitang K ay naka-ready na sa interview kay Manny. Pero yun nga ang nangyari, bigo at kasawian. Siguro magpa-feng shui sila para bumalik ang suwerte.

* * *

Sana ay tangkilikin natin ang BIRHEN NG MANAOAG dahil napapanahon ang palabas nito sa sinehan. Noong araw ay pinurga tayo ng Ten Commandments at iba pang mga religious movies na puro gawang imported. Ngayon na ang pagkakataon para tikman ang luto ng sariling atin. May nagsasabi man na magulo raw ang script at nakakalito ang direksyon, lunukin muna natin ng buong-buo bago tayo maghusga. May mga pelikulang ginawa para bigyang laya na mag-isip ang audience ngunit tila nasanay na yata tayo sa spoon-feeding na tinatawag. At any rate, Birhen Ng Manaoag is full of feelings and, of course, miracles. And to be honest, papanoorin ko ang Birhen dahil gusto ko lang talagang makita ang acting ni Ina Feleo!

* * *

Nakakahiya ang nangyari sa recent Star Awards. Hindi man naapektuhan ang resulta, malamang ay apektado ang prestige (kung meron man) ng grupo dahil sa ingay tungkol sa sinasabing “lagayan” o dayaan. Ilang members ng voting committee ang umamin na tinanggap nila ang 5,000 pesos para papanaluhin si Piolo Pascual bilang Best Actor at si Kris Aquino bilang Best Actress. Talagang nakakahiya dahil kung tutuusin ay may K namang manalo ang 2 stars ng Star Cinema, di ba? But in fairness to the voting judges, they were somehow bothered by their conscience so the ploy didn’t work. Si Dennis Trillo ang itinanghal na Best Actor at si Vilma Santos naman ang Best Actress. Yan na nga ba ang sinasabi namin tungkol sa mga awards-awards na kung sino lang ang mga judges. Dapat talaga ang gawing judges ay ang mga mismong taong involved sa pelikula gaya ng mga directors, scriptwriters, etc. Teka, para naman yatang sipsip sa Film Academy ang dating ko, a!

* * *

EXPLOSIVE is joining the entire Christian world in the observance of the Holy Week.