Mar 16
INBOX SCRAPS – 2 by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 16, 2005

By the Media Bureau

Following are some interesting excerpts from the emails we received. Readers are welcome to send their queries or comments to fap_web@yahoo.com with the explicit request to publish their email addresses if they so desire.

Bakit po konti na lang ang movies natin? Piracy po ba talaga ang dahilan? Sa nakaraang taon na 2004 ay 52 local movies lang ang naipalabas. Maraming dahilan tulad ng taxes, cable TV at mismong mga TV shows. Sa tingin namin ay piracy ang pinakamabigat na dahilan ng paglubog ng movie industry. Mahirap kalabanin ang technology na siyang nagbibigay ng “ lima singkong” VCD at DVD. Ngunit mas mahirap kalabanin ang mismong masa na siyang tumatangkilik sa mga pirated video.

I checked the celebrities profile in your website and it’s pathetic with only a few contents. For the record, there are only 38 celebrities in our profiles database as of now because we are still in the process of compiling their bios and pictures. Hopefully, in the near future, we can have a few hundreds, if not thousands, of celebrities inside our database profiles.

Puwede po bang paki-feature ang Starstruck? Fan po ako ni Jennylyn Mercado. For your information, si Jennylyn ang may pinakamaraming failed search sa aming celebrity profiles database. Kaya failed kasi wala pa kaming bio niya at picture. Noon pa namin sinusubukan na ma-interview si Jennylyn kaya lang hindi magkatugma ang aming mga schedules.

Dati meron kayong celebrity feature. Malaking tulong ito gaya nung kay Lindsay Kennedy na isang baguhan. Please let us have more of celebrity feature. Much as we would like to, it is difficult to interview celebrities, veterans man o newcomers. Kahit sabihing e-zine lang ang www.fapweb.org ay hindi kami namumulot ng feature article sa tabi-tabi. Rest assured that in the days to come there will be celebrity features in this website. By the way, FAPWEB thanks all our readers who visit regularly. May we remind you of our Bodega in case you are interested to read the past issues.

Ano po ang masasabi ninyo sa mga issues tungkol kay Madam Auring? Well, ayaw sana naming patulan ang mga walang kuwentang bagay pero ayon na rin kay Sandra Orros Co (ang aming comedy writer) ay dapat tayong magpasalamat kay Madam Auring. Hindi ka ba natawa nang sabihin niyang buntis siya? Hindi ka ba natawa nang marinig mong may sex video siya? Kami hindi natawa pero muntik nang masuka. Respite daw ang dapat itawag kay Madam Auring. Respite from the rigors of intrigues, di ba? Kaya thanks to Madam Auring, may we have more of her antics in the future.

In the Public Citing you said it is simulated. What happens to our votes? The votes we get from the public is to be presented to the nominators and voters of the Film Academy. It may not actually swing the impending decision/result but definitely it will be of influence. The ongoing simulated citing will be followed by a simulated voting. This is a dry run for a bigger activity. FAP plans to include the public in the next year’s voting. That means your votes will be counted for next year’s balloting.

Sino-sinong mga artista ang may sex videos? Sorry pero hindi na namin mabilang ang mga naglipanang sex videos ng mga artista sa cell phone at internet. Ang malungkot kasi ay alam naman nating puro peke yun. Sa hula namin ay susunod na sa mga artista ang mga sex videos ng politicians. At huwag kang mag-alala dahil pagkatapos ng mga artista at politicians ay baka mga sex videos ng common people ang susunod na kakalat. Malay mo, baka magkaroon ka rin ng sex video eh di flattering, di ba?

Articles in two dailies said there are so many awards in showbiz thereby losing the prestige. And I agree with the articles. What can the Film Academy say about this? Last year’s FAP Awards night was the grandest in the entire history of the entertainment industry in terms of pomp, elegance and participation. This year promises to be a bigger one with more “firsts” in the award-giving affairs. The Film Academy is composed of movie industry workers, from the actors, directors and down to the cameramen and production designers. The jury or panel of judges who selects the winners in the FAP Awards are the insiders who know their craft making the FAP awards so unlike other awards whose judges are self-proclaimed movie gurus or critics, showbiz writers, literary writers, politicians, etc. So if there’s one award with the prestige and reputation intact, it is the Film Academy Awards.

Sabi po sa Tempo na ang mga sikat na directors ay hindi kasapi sa FAP. Sabi pa, ang mga directors na kasapi sa FAP ay puro laos. Truth ba ito? Nabasa rin namin ang column na yun ni Ronald Constantino ng Tempo. Kung ang pagbabatayan ng kasikatan ay ang pagiging abala sa trabaho, tama ang article dahil karamihan ng kasaping director sa FAP ay walang trabaho ngayon. Ang KDPP (check the KDPP webpage on this site) ang samahan ng directors na kasapi sa FAP. Ang DGPI naman ay hindi kasapi sa FAP ngunit hindi nangangahulugang magkalaban ang 2 grupo. In fact, si Joe Carreon na miyembro ng DGPI ay madalas sa FAP isa siya sa mga judges ng FAP contest.

Napapansin ko po na parang iisa ang style ng writers ninyo. Tama ka dyan. Sobrang higpit ng aming editor sa paggamit ng lingo o slang na language lalo na ang paggamit ng mga expressions na hindi disente. Ang mga articles ay may sinusunod na pattern, English, Tagalog o Taglish man. Kaya kahit parang tabloid ang dating ng ilang articles ay napapanatili pa rin ang antas at kalidad ng broadsheet. Ganyang kasipag ang editor ng fapweb.org. At kung gusto mong patunayan, subukan mong mag-email ng article sa fap_web@yahoo.com .