Apr 01
WEEKNIGHT TELEVISION by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Apr 1, 2011

Weeknight television is habit-forming. Ang weeknights kasi ang pinaka-routine ng ating buhay lalo na sa mga employees at iba pang nagta-trabaho. Marami sa kanila na ang ginagawang relaxation matapos ang mahabang araw ay ang tv.

May tv viewer na hindi na naglilipat ng channel at may tv viewer din na panay naman ang lipat ng channel sa paghahanap ng gusto niyang palabas. Kaya sa panahon ngayon ng cable tv na sangkatutak ang pagpipiliang channel ay matindi ang competition. Iyan ang dahilan kung bakit lahat na lang ng strategy ay ginagawa ng mga local networks.

Masyadong sensitive sa rating ang mga local networks dahil ito ang nagiging batayan nila ng dami ng viewers ng kanilang mga programa. Kaya kapag ang isang show ay hindi nakapagtala ng magandang rating ay agad itong pinapalitan.

Maraming naguguluhan sa tv rating system sa atin. Marami rin ang nagtatanong kung paanong sistema upang makakuha ng accurate numbers. At marami rin ang hindi naniniwala sa resulta ng ratings. But, of course, ang mga tv network ay dapat maniwala dahil ang tv ratings ang gospel truth ng mga sponsors.

Ang AGB-Nielsen ay kumukuha ng survey sa Mega Manila. Iyan ang area sa NCR (National Capital Region) o Metro Manila. Kasali rin dyan ang mga kalapit na probinsya gaya ng Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan at Pampanga.

Ang isa pang rating group ay ang Kantar Media TNS. Ito naman ay may survey sa buong bansa although aminado silang sa Metro Manila pa rin ang pinakasentro ng kanilang operations.

Ang pagkuha ng survey ay isang kumplikadong proseso dahil ang bahay na kinakabitan nila ng meter ay hindi dapat alam ang nangyayari. In other words, ang viewer sa bahay na may meter ay hindi conscious sa survey. Ang meter ay nagbibigay ng data tungkol sa tv channel na pinapanood ng nasabing bahay.

Sa current landscape ng Philippine television ay soap ang namamayani sa weeknights. Ang dahilan nito ay ang pagtutunggali ng 2 malaking networks na ABS-CBN at GMA-7. Ang ibig sabihin ng malaking network ay ang kanilang capacity to broadcast sa pamamagitan ng mga relay stations sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Matapos ang 24 Oras sa GMA-7 at TV Patrol sa ABS-CBN ay magtu-tunggali na ang mga network soap. Mapapansin na palakihan ng artista, palakihan ng production at palakihan din syempre ng budget.

Ang Dwarfina ni Heart Evangelista ang katapat ng Mutya na pinangungunahan ng relatively newcomer na si Mutya Orquia. Parehong hard core fantasy ito dahil isang taong duwende ang role ni Heart samantalang ang mutya naman ay tungkol sa mga sirena at siyokoy sa karagatan.

Kasunod ng pantaserye ang I Heart You, Pare ni Regine Velasquez at Dingdong Dantes sa GMA-7 na tungkol sa mga gay impersonators. Katapat nito ang epic ng ABS-CBN na Minsan Lang Kita Iibigin na tinatampukan ni Coco Martin sa dual role. Seryoso ang tema ng soap ni Coco samantalang comedy naman ang I Heart You, Pare.

Naka-overlap sa I Heart You, Pare ang remake ng Mara Clara (original ni Judy Ann Santos at Gladys Reyes). Ipinagmamalaki ng ABS-CBN na ang Mara Clara ang highest rating soap nila. Biglang dami ang viewers nito nang mamatay si Mara sa story. Si Kathryn Bernardo ang Mara at si Julia Montes naman ang Clara.

Patapos na rin ang Machete ni Aljur Abrenica at Bela Padilla. Siguro to make things interesting kaya ipinasok si Kris Bernal. Successful kasi ang tandem ni Aljur at Kris kaya logical na tumaas ang rating ng Machete lalo na sa episode kung saan ikinasal si Machete at ang character ni Kris.

Ang katapusan ng primetime ay ang banggaan ng Imortal ni Angel Locsin at John Lloyd Cruz laban sa The Baker King na isang Koreanovela na light comedy. Kahit hindi sikat ang Korean actor ay namayani sa weekenight viewers ang The Baker King.

Ang Machete ay tinapatan ng Green Rose at Cinderella’s Sister na kapuwa mga Korean Novela ng ABS-CBN. Ito ay base sa malaking tagumpay ng The Baker King.

Preliminary to primetime ay maganda ang sagupaan ng Magic Palayok at The Price Is Right. Magkaiba ng genre ito dahil ang Magic Palayok, starring Carla Abellana and Geoff Eigenmann ay isang comedy na katulad ng sinundan nitong Bantatay habang ang The Price Is Right ay isang franchise na game show ni Kris Aquino.

Based on the computed averages ay malaki ang kalamangan ng Magic Palayok sa The Price Is Right, 20 to 15 countrywide at 16 to 10 sa Megamanila. But considering the tenor of Kris Aquino’s show, kapag nagpatuloy ang pamimigay ng malalaking premyo ay patuloy rin ang pagtaas ng rating nito.

Sa isang interview ay binalewala ni GMA-7 Chairman Felipe Gozon ang Willing Willie. Hindi raw matitinag ang puwesto ng news sa ganoong oras (6:30 pm) dahil mahalaga raw ang news sa mga tv viewers. Isa yun sa dahilan kung bakit ang QTV-11 ay ginawang GMA-NEWS TV na ngayon.

Bakit nga ba kailangang magtunggali para sa weeknight tv viewing? Ito kasi ang sandigan ng network. Dahil habit-forming ang tv viewing kaya nag-uunahan (sa pagandahan ng palabas) ang mga networks tuwing weeknights.

And how about weekends? Malaki ang kumpitensya sa weekends dahil maraming ibang activities ang mga tao gaya ng outing, gathering at iba pang social endeavors. At kung sakaling sila ay nasa tapat ng tv, syempre itutuon nila sa kanilang favorite channel.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/