Mar 16
SHOWBIZ NYAHAHA – OCCASIONAL by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 16, 2005

By Sandra Orros Co

Officially, I am now the occasional writer of fapweb – occasional kasi tuwing may okasyon lang lumalabas ang mga articles ko. Gusto kasi ng aming very dedicated editor na maging serious ang aming electronic magazine dahil dumadami na raw ang visitors at malapit na kaming maging number one website sa local entertainment. Pero hindi mapipigilan ang clamor ng readers, di ba? Kaya kung magustuhan mo ang article ko ngayon, please lang, paki-click ang poll namin, ayan sa kanan, pindutin mo ang YES, sige na, o!.

And for our serious business, here goes…

Tanong: Bakit ayaw mag-retire ni Jericho Rosales sa probinsya pagtanda niya?
Sagot: Kasi pagtanda niya baka tawagin siyang Tata… Echo!

Hindi totoo ang balita na si Allan K ang nagpauso ng communion by the hand. Pero baka totoo ang balita na one time ay nasinghot ni Allan K ang mga hostia.

Tanong: Sinong director ang pinakamataba?
Sagot: Fritz Elefante

According to himself, totoong nagkasakit si Palito lately. Pero hindi totoong tinanggihan siya ng ospital. At lalong hindi totoo na sa morgue siya dinala.

Tanong: Sinong singer/artista ang hindi mahal?
Sagot: Vina Murales

Hindi totoong tumiwalag na si Amay Bisaya sa FPJ group. Hindi rin totoong nagtayo siya ng sariling grupong KBP (Kapisanan ng mga Bisaya sa Pelikula). At lalong hindi totoong nakakulong si Amay ngayon dahil sa kasong pagsasalita ng diretsong Tagalog!
(Ed: Do our readers still know Amay? Hehehe, just asking.)

Tanong: Sinong singer/artista ang bumibili ng lumang dyaryo?
Sagot: Jolina Magdangkal

As usual, pasingit. Nagawi sa Film Academy si Jennifer Sevilla noong isang araw. She’s very simpatica, wika ng photographer namin, napakabait daw at very accommodating magpa-picture. Wala raw ere, akala mo hindi sikat. I agree, walang ere si Jennifer at hindi feeling sikat. In fact, para nga siyang fan nang magpilit na magpakuha ng picture na kasama si Leo Martinez, ang FAP Director General. Below is Jennifer’s photo taken by our camera. Yung kuha nila ni Leo ay nasa cellphone niya kaya wala kaming kopya. At hindi rin namin papatulan yun unless sex video yun, hehehe.

Tanong: Sinong Starstruck ang may tattoo?
Sagot: Jennylyn Markado

Kuwentong bolabeys naman tayo. Isang government official at isang artista ang nagkatagpo sa isang bar. Matapos magpakilala sa isa’t isa ay masaya silang nag- exchanging of notes. Siyempre movies agad ang topic dahil mahilig pala sa classic movies ang government official. After a little while, biglang hinalikan ng government official ang artista. Nagalit ang artista, “Bakit mo ko hinalikan eh hindi naman ako ang bida sa paborito mong movie?” Nakangiting sagot ng government official, “Ke Taras Bulba, ke Ethel Booba, pareho lang yun sa kin.” Napangiwi ang artista dahil naisahan siya. So, lipat sa gobyerno ang topic. Sandali lang at nakasilip ng pagkakataon si Ethel. Bigla niyang sinampal ang government official. “Bakit?’ nagtatakang tanong ng government official, “Bakit mo ko sinapak? Sagot ni Ethel habang nakasimangot, “Kasi na-suspindi ako ng ilang buwan dahil sa iyo.” Nagkamot muna ng ulo ang government official bago hinimas ang kanyang pisngi, “Eh teka lang, teka, eh LTFRB ang hawak ko.” Nakangiting sagot ni Ethel, “Ke LTFRB, ke MTRCB, pareho lang yun sa kin!”

Tanong: Sinong Starstruck ang laging nakahiga?
Sagot: Mark Teheras

Certified box office queen na talaga si Kris Aquino. Big earners ang kanyang Feng Shui at So Happy Together. We don’t know if what we heard is true that Feng Shui will have a sequel to include BJ Forbes – ako, ako, laging ako of the laundry soap commercial. Hindi pa confirmed kung totoong ang title daw ay Nuno Sa Feng Shui.

Now showing ang BIRHEN NG MANAOAG in time for the Holy Week. Sana ay suportahan natin ang ganitong mga pelikula na kahit paano ay gigising sa ating kamalayan. Promise, hindi kayo makakatulog sa sinehan!

And before I say bye-bye, I want to greet one and all a very Happy Good Friday. At sa mga gustong maki-join sa ating nyahaha, send nyo lang sa fap_web@yahoo.com with the subject nyahaha. Lahat ng contributor ay ililista ko sa aking diary para mapadalhan ng regalo sa Pasko. O, nice ba? Till then, Batuten and arrivederci, Pichi-pichi… S.O.C.