Mar 18
ULTIMATE TALENTADONG PINOY 2011 by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 18, 2011

Ang weekend nights ng March 12 at 13 ay inilaan ng TV5 para sa live coverage ng grand finals ng Ultimate Talentadong Pinoy 2011. Ang nasabing big event ay idinaos sa Ynares Stadium sa Antipolo City.

Hosted by Ryan Agoncillo, ang prized program ng TV5 ay nakakuha ng 56% rating sa AGB Nielsen para sa gabi ng March 12. Masasabing ito na ang pinakamataas na rating ng isang show, local man o hindi.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang Talentadong Pinoy ay contest ng performing arts kung saan maaaring magpakita ng iba-ibang talents, mula sa pagkanta hanggang sa acrobats, sa loob ng 90 seconds.

Ang mga contestants ay may pagkakataong manalo ng P50,000 kung sila ang mahirang na winner of the night hanggang maabot nila ang maximum na 8 wins (dati ay 10 wins) at hihirangin silang Hall of Famer.

Ang mga nagtagisan sa grand finals ay ang sumusunod:

1. Fire Attraction – 4 guys from Cebu using fire as props for dancing
2. Beatbox Gor – another guy from Cebu whose mouth produces different sound effects
3. Joseph D Artist – makes sand drawings on glass
4. Sfaschiva – pole dancer
5. RR Friends – 2 contortionists
6. Newborn Divas – 3 sopranos
7. The Believers – opera duet
8. Belinda Adora’s Step Kids – 3 pairs of ballroom dancers
9. Zion Show – acrobatic couple

Maliban sa Belinda Adora’s Step Kids, na isang wildcard entry, ang 8 ay pawang mga hall of famers. That means nagsipanalo na sila ng 8 beses (o 10 beses) at nagwagi ng total na P500,000 in prize money.

Ang mga judges ng grand finals ay sina: Joey De Leon, Alice Dixson, Richard Gomez, Lucy Torres, Lani Misalucha, Kitchie Benedicto. Kasama rin nila ang mga regular judges na sina Audie Gemora, Tuesday Vargas, Ruffa Gutierrez at Annabelle Rama.

Ang boto ng mga nasabing judges will constitute 50% of the score at ang kalahating 50% ay manggagaling sa text votes. Ang duration ng text voting ay mula Sabado ng gabi, matapos ang performances ng 9 finalists, hanggang Linggo ng gabi, 8:30.

Bukod sa tunggalian ng mga hall of famers at wild card entry ay meron ding celebrity showdown na nilahukan nina:

1. Rosanna Roces with Leah Patricio
2. Valeen Montenegro with the Tribal Dancers
3. Regine Tolentino with Makata Tawanan
4. Ciara Sotto with the Far East Acrobats


Ciara Sotto with the Far East Acrobats

Ang mga kasama ng celebrities ay mga Hall of Famers last year. Si Leah ay regular talent ng TV5’s Sunday noon program na PO5 (that was discontinued a few weeks ago). Ang Far East Acrobats ay mga professional performers here and abroad. Ganun din ang Tribal Dancers na binubuo ng 4 na magagandang babae.

Si Makata Tawanan ay may segment sa TV5 news program na kapareho ng style ni Marc Logan with the funny videos. Nasa early morning talk show din siya ng TV5 para sa live and remote traffic report.

Si Rosanna ay nagpakita ng husay sa drums samantalang si Valeen ay nagsayaw na gamit ang tali na may apoy sa dulo. Si Regine ay tumula, nagsayaw at nagdrama habang si Makata ay nagpapatawa. Si Ciara ay pole dancing ang ipinakita.

Ang 2 gabi ng pagtatanghal sa Ynares Stadium ay punung-puno ng mga celebrities at nasa attendance din ang TV5 chairman na si Manny Pangilinan at ang presidenteng si Ray Espinosa pati si EVP Bobby Barreiro.

Bilang dagdag na saya ay nilagyan ng host ang audience area. At talagang masaya dahil lalong umingay ang audience sa mga gags ni Daiana Meneses, Mr. Fu at Shalala with his trademark yell.

Ang iba pang performers ay sina April Boy together with Aegies na dating 2 lamang pero ngayon ay 3 na sila. They interpreted the theme song of Talentadong Pinoy. As usual, namigay ng baseball cap si April Boy.

May comedy performance din si Bayani Agbayani katulong si Buko King. Kumanta naman si Jimmy Bondoc, ganun din si Faith Cuneta at ang iba pang mga past contestants and minor winners ng Talentadong Pinoy.

Ang nagwagi sa celebrity showdown ay ang pole dancing ni Ciara Sotto. Kumakanta si Ciara habang binabaybay ang kahabaan ng kanyang pole at kadalasan ay nakatiwarik pa siya. Nagwagi si Ciara ng P100,000 na premyo.


Joseph D’ Artist

Matapos ang mahabang proseso ay itinanghal na Ultimate Talentadong Pinoy 2011 si Joseph D Artist. Nakapremyo si Joseph ng P1 million at isang brand new na kotseng Chevrolet Cruze. Si Yoyo Tricker, a.k.a. Joshua Davis, ang nagbigay ng plaque habang si Audie Gemora at Kitchie Benedicto ang nag-abot ng cheque facsimile kay Joseph.

Si Joseph din ang isasali sa WCOPA (World Championship of Performing Arts). Lahat ng nagsipagtunggali ay pinagkalooban ng (transferable) 4-year college scholarship ng ICI, isang bagong university.

Ang winning performance ni Joseph ay ang sand drawing niya with matching ballet dancing by a couple. Buhay ng sundalo ang story ng kanyang interactive drawing at ayon sa ilang judges ay very touching daw dahil sa ending ay namatay ang sundalo.


The winning piece (sand drawing) of Joseph D’ Artist

The lingering question now is the WCOPA because it is a Performing Arts contest. Qualified kaya ang sand painting ni Joseph na maituturing na visual art? Whatever may happen, napatunayan na ang Talentadong Pinoy ay favorite show ng mga Pinoy.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/