Mar 11
MAYNILA: SA MGA KUKO NG LIWANAG by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Mar 11, 2011

(Isang Classic Pilipino Movie)

Crossing! Iyan ang madalas na itawag ng mga pasahero at conductor doon sa intersection ng EDSA at Shaw Boulevard sa Mandaluyong City. Isang araw habang naka pula (Red color meaning stop) ang traffic light sa Crossing, napansin ni GTM na may tinitignan ang mga nagtitinda ng sigarilyo.

Nakasakay noon sa bus si GTM kaya naman nilingon na lang niya kung ano ang pinagkakaguluhan. May isang tao pala na naka motorsiklo. At ng magtanggal ng kanyang crash helmet ang tao na naka motorsiklo, isang lalaking kalbo ang nakita ni GTM, nakangiti. Si Boy Pana aka Bembol Roco pala ang mamang naka-motorsiklo. Kaya naman pala nakatumpok ang mga tao sa paligid niya.

Medyo matagal ang red light kaya naman medyo kumapal ang tao na nakapaligid kay Bembol Roco. Tandang-tanda ni GTM pina-rebolusyon pa ni Bembol Roco ang makina ng motorcycle, kaya naman lalong naging exciting ang true to life na eksena. The year was 1978. At iyon ang first time na nakita ni GTM ng personal at medyo malapitan si Bembol Roco.

Hindi pa ganyan ang EDSA noon. Malapad pa at wala pa halos mga overpass at footbridge. At saka Epifanio Delos Santos Avenue pa yata ang tawag noon sa EDSA. Buo pa ang pag banggit ng pangalan ng EDSA. Hindi pa acronym.

At during that time (1978), sikat na sikat na artista na si Bembol Roco. Isang superstar kung inyong mamarapatin. Pero hindi pa ganyan kasikat si Bembol Roco nang ipalabas ang pelikulang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag noong 1975. Actually, mukhang “introducing” lang yata ang billing sa kanya doon.

Today, Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag is considered as one of the classics of Philippine Movies. Maihe-helera o maigru-grupo ito sa mga pelikulang Ganito Kami Noon Paano Kayo Ngayon and the likes. Kung mayroong mga classic na palabas sa television, mayroon rin naman sa mga pelikula at isa na ito.

Ano ba ang meron sa movie na ito bakit naging isa siyang classic? Hindi naman sikat ang bidang lalaki. Tulad ng nabanggit namin, introducing lang si Bembol during that time. Ayon sa nabasa namin sa Google, hindi rin naman daw malaki ang budget ng movie. Sa pagkaka-intindi nga namin, maihahambing ito sa mga tinatawag na indie films ngayon. Sa vicinity lang ng Metro Manila ang karamihan ng eksena. Tulad ng pipitsuging boarding house, construction site, at mga kwarto at bahay na maliliit at mumurahin. Ang tawag nga natin sa mga ganoon ngayon ay squatters area.

Pero maganda talaga ang movie at ang story. Ayon sa Google:“The film is based on a story written by Edgardo Reyes and was serialized in Liwayway Magazine from 1966 to 1967. For each episode or installment, Reyes provides enough incidents—bringing the end of the installment to enough of a conclusion—to satisfy the reader, at the same time keeping enough elements unresolved to entice him back for more.”

The Claws of Light (English translation of the subject movie) is one of the few Filipino films that has been consistently placed among the world’s top 100 films of all time. It is the only film from the Philippines that is entered in the list of the book, 1001 Movies You Must See Before You Die.”

Grabe yan ha. Akalain mong isa raw itong pelikulang Pilipino na dapat mapanood ng isang tao bago pa siya mamatay. Classic nga kung ganoon.

Tandang-tanda pa namin ang ending ng pelikula. Tumatakbo si Bembol Roco aka Julio Madiaga habang hinahabol siya ng taong bayan. Which we can conclude na bugbog sarado (or worst ay ikamamatay na niya dahil sa ginawa niya kay Ah-Tek) si Julio pag inabutan siya ng mga tao.

At ang ibang characters sa movie maliban kay Bembol Roco? Maganda rin naman ang line-up. Nandoon si Miss Hilda Koronel as Ligaya Paraiso. Siya ang “love of my life” ni Bembol. At siya ang dahilan kung bakit napunta sa magulong Maynila si Bembol. Kinuha kasi ng isang recruiter si Hilda sa probinsiya at dinala sa Maynila “para sa magandang future ng kanyang family” which turned out to be a lie dahil sa isang kasa (prostitute house) yata dinala at ibinenta si Hilda.

Nandoon rin sina Lou Salvador Jr, Tommy Abuel, Pio De Castro na gumanap na mga kaibigan ni Bembol. Si Juling Bagabaldo as Misis Cruz. Siya ang nag recruit kay Hilda. At ang kontrabidang si Ah-Tek na ginanapan naman ni Tommy Yap.

Kung iisa-isahin nga ang mga pangalan ng characters sa movie, parang pinagkatuwaan lamang. Si Bembol ay Julio Madiaga na katunog ng salitang matiyaga. Sa English: patient. At totoo namang super tiyaga ang character niya sa movie. Which represents a lot of Pilipinos. Mga natural na matiyaga at naniniwala sa kasabihang, “Pag may tiyaga, may nilaga”. Si Hilda Koronel naman ay Ligaya Paraiso. Joyful Paradise sa English. Napakagandang pangalan at bagay na bagay kay Miss Hilda Koronel.

Kaya naman talagang hinanap siya ni Julio Matiyaga este Madiaga kahit parang isang mission impossible pa ito. Ang recruiter naman na si Misis Cruz ay ganoon na nga. Cross sa English ang ibig sabihin ng kanyang apelyido. Isang pasanin o problema para sa mga inosenteng taga probinsiya.

At si Ah-Tek naman. Siya ang walang kamalay-malay na kontrabida. Natural na natural sa kanya ang kanyang ginagawa kay Hilda aka Ligaya Paraiso. Pero inis na inis na sa kanya ang mga nanonood dahil feel nila na inaapi niya ang bidang sina Bembol (Julio) at Hilda (Ligaya). Bilisan mo nga lang pagbasa ng pangalan niya at ito ay magiging tunog “atik”. Isang slang term na ang ibig sabihin sa Tagalog ay pera.

At believe it or not. The film won Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Cinematography, Best Actor, and Best Supporting Actor at the 1976 FAMAS awards.

Ganoon ba GTM? Kailan mo naman uling nakita ng personal o malapitan si Bembol Roco?

Many years later na iyon. Siguro bandang 1990’s o 2000’s na. Doon sa tindahan ng Andok’s Litson manok sa may Don Antonio Subdivision, Barangay Holy Spirit, Commonwealth Avenue, Quezon City. Bumibili noon si GTM ng litson manok para sa hapunan. Isang lalaki ang dumating at nagtanong kung magkano ang litson manok. Sumagot naman ang tindero. Parang P130.00 pa lang yata noon ang isang buo. “Pwede bang kalahati lang?” Ito ang sinabi ng customer. Ngumiti ang tindero. Kaya naman nilingon ni GTM kung sino ang bumibili. Aba 3x. Si Ginoong Bembol Roco pala. Sabay bawi ni Bembol, “Isang buo na”.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/