Mar 02
INBOX SCRAPS by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 2, 2005

By the Media Bureau

Following are some interesting excerpts from the emails we received. Readers are welcome to send their queries or comments to fap_web@yahoo.com with the explicit request to publish their email addresses if they so desire.

Is it really true that Dreamboy did not reach break even? How much did Let The Love Begin earn? Although Star Cinema hadn’t released the figures yet, it is estimated that Dreamboy earned even a bit above break-even. From reliable sources, Let The Love Begin surpassed the 100-million mark of gross sales.

Totoo po kaya na kidnaper nga si Dennis Roldan? Iba-ibang opinyon ang naglitawan tungkol sa pagkaka-aresto kay Mitchel Gumabao, a.k.a. Dennis Roldan. Nakalulungkot man ngunit ang imbestigasyon ay may matibay na basehan sa kaso laban kay Dennis. Isang police asset ang nagsabi sa amin na totoong pinagplanuhan ni Dennis ang kidnapping at katulong sa nasabing pagpaplano ang girlfriend niya. Ayon naman sa police report, umamin si Dennis Roldan sa mga akusasyon sa kanya.

Nakita ko ang sex video ni Ethel Booba. Siya talaga yun. Umamin din ang celphone technician na siyang nagkalat. Puwede ba siyang idemanda? Sa mga nakakita ng celphone sex video ay mas marami ang nagsasabing si Ethel Booba nga yun kesa sa hindi. Tungkol sa demanda, pabayaan na lang natin ang mga abugado sa puntong yan. Yes, magdedemanda si Ethel Booba pero hindi sa nagkakalat ng video kundi laban sa ABS-CBN dahil wala raw permiso ni Ethel na ma-air ang phone conversation. Ito yung phone interview ng ABS-CBN kay Ethel tungkol sa sex video.

In a movie, there’s always a protagonist and an antagonist. In other words, laging may hero at villain. In that sense, movies promote heroism, di ba? Bakit ang TV ang gustong i-promote ay tsismis? Siguro we can call that commercialism or profit-oriented objectives. In the movies, the primary objective of producers is the profit but the moral obligation to the viewers as regards values is always in the heart of the producers. We cannot say the same for the TV because aside from the profit, their primary objective, it seems nowadays, is the rating. As they say, kahit ano na lang papatulan ng TV basta makaangat lang sa rating, regardless of the values they impart to the young viewers. Sometimes we pause to think… owners of networks are rich, educated and respectable people… That’s why we only watch TV when we’ve got no better things to do.

Ano po ba talaga ang Film Academy?Ang mga movie workers ay nahahati sa kanya-kanyang sector gaya ng directors, assistant directors, cinematographers o cameraman, etc. Bawat isang sector ay organisado sa isang guild. Ang lahat ng guilds ay nasa ilalim ng pangangalaga ng Film Academy of the Philippines. Para sa iba pang functions ng FAP, paki-click ang nasa itaas na menu – The Academy.

Congratulations sa inyong website, maganda. Bakit hindi kayo nagpi-feature ng music? Para sa movies lang po ba ang website ninyo? This website is for the entire entertainment industry. Nag-uumpisa pa lang kaya nakatutok tayo sa movie at TV pero sa kalaunan ay iko-cover na rin natin ang music scene at pati ang theater o stage.

Totoo po bang maghihiwalay si Assunta at si Jules Ledesma? Hindi. Ayon kay Assunta, tsismis lang yun dahil babalik ulit siya sa entertainment.

What is the latest on the Ethel Booba sex video? Well, Ethel is contemplating on filing a case against ABS-CBN for showing the phone interview of Ethel without her permission. As to the admittance of the sex video, Ethel seems resigned because some people say that the video is proof enough that it was indeed Ethel.

Excited na po kami sa Script contest. Sino po ba ang mga judges at kelan ilalabas ang resulta? Kasalukuyang binabasa ng mga hurado ang mga scripts at storyline. Ayon sa aming narinig ay magsa-submit ng kani-kanilang top 5 scripts ang bawat isang judge. Malamang ay gayun din ang bilang ng storyline na pipiliin para sa shortlist. Ang 5 judges ay naghati-hati sa 104 na scripts at 154 na storylines. Muling babasahin ng lahat ng judges ang 25 na nasa shortlist at susundan ng tinatawag na deliberation para malaman kung aling script ang mananalo. Gayun din ang proseso para sa storylines. Sa tantya ay lalabas na ang resulta bago matapos ang Abril. Sa mga sumali… good luck!