Mar 02
EXPLOSIVE – KIDNAP by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Mar 2, 2005

By Tess Clarin

Malaking balita ang pagsabog ng kidnaping case versus Dennis Roldan . Si Dennis ang lumalabas na mastermind ng pagkidnap sa batang Chinoy na si Ken Yu. Dahil sa pagkakahuli kay Dennis ay nag-suicide attempt ang kanyang girlfriend na si Suzette Wong. Kaibigan ni Suzette ang pamilya Yu at parang siya pa ang naging daan sa mga balak ng kidnapers. Nagreklamo naman ang wife ni Dennis na forcible abduction daw ang ginawa kay Dennis. Si Atty. Panelo na abugado ni Dennis ay nagreklamo rin ng physical injuries (torture actually) at wala raw pirmadong confession si Dennis contrary sa claim ng Pacer na umamin na siya sa krimen. Parang plot ng isang movie ang nangyayari, nagiging masalimuot ang lahat. Hintayin na lang natin ang pag-akyat ng kaso sa korte.

——————————

Flash: Oscar Award winners. Best Actor is JAMIE FOXX for Ray, Best Actress is HILARY SWANK for Million Dollar Baby, Best Supporting Actor is MORGAN FREEMAN for Million Dollar Baby and Best Supporting Actress is CATE BLANCHETT for The Aviator. Best Picture is Million Dollar Baby and Best Director is CLINT EASTWOOD also for Million Dollar Baby.

——————————

Heard namin na nagre-resign si Charo Santos-Concio sa ABS-CBN. Pero ayon sa aming reliable source ay hindi raw tinanggap ni Boss Gabby Lopez ang nasabing resignation. Nagmula ang samaan ng loob sa sermunan na naganap (last month) dahil nakaungos na ang GMA-7 sa kanila. Gusto na raw talagang magpahinga ni Ma’am Charo kaya ibebenta na yata ang kanyang shares of stock sa ABS-CBN. Huh, wala kaming masabi.

——————————

Something sweet is going on between Jean Garcia and Gardo Versoza. Pero hindi pa naman sila nagli-live-in sabi ni Jean. Teka, from what we remember ay may Japanese BF si Jean, di ba? Baka maghara-kiri yun, sige!

——————————

Another sweetie-sweetie couple si John Estrada at Vanessa Del Bianco. Yung incident sa department store, inamin ni John na nabigla siya. Matapos daw niyang sampalin ang male male attendant ay nag-apologize pa raw ito sa kanila ni Vanessa. Kaso after that ay lumabas sa interview ng attendant na binaligtad na yata. For John’s consolation, ganyan talaga pag sikat!

——————————

Recently talked to an insider of GMA-7. Matindi raw ang paingay ng Wowowee. May mga balita pang tataob na raw ang Eat Bulaga dahil naglilipatan daw ang mga viewers ng Eat Bulaga sa Wowowee. Sa opinyon ng Explosive, mas mabuting sa New Year gamitin ang mga paingay. At since tapos na ang Chinese New Year at matagal pa ang tunay na New Year, well, ho-hum lang ang masasabi natin sa Wawawee!

——————————

Sa ABS-CBN naman ay mukhang ibabalik ang KK ni Kris Aquino at Korina Sanchez. At time slot daw ng MRS ang papatungan. Ibig sabihin kaya nito ay mababa ang rating ng MRS ni Amy Perez at Roderick Paulate ? O baka naman sadyang nakakagulo ang sobrang dami ng hosts? Pero sa tingin namin baka nagkakasapawan na!

——————————

Maganda ang format ng KAMAO ng Channel 2, reality TV show daw. Sina Robin Padilla, Vina Morales and Manny Pacquiao ang pambato ng Kamao. What’s this we heard na nagrereklamo si Raffy Tulfo dahil sa kanya raw ang copyright ng Kamao. Siguro, to settle the issue ay magbakbakan na lang si Robin at Raffy. Hindi puwede si Manny dahil professional yun eh. At lalong hindi puwede si Vina, di ba?

——————————

Napansin nyo ba ang mga writeups kay Nonoy Zuñiga? Yes, it seems that Nonoy is here to stay. Magaling na singer si Nonoy at nakakahinayang talaga na naputol ang paa niya dahil sa pagsabog ng isang bomba. Sabi ni Nonoy, it took him 3 years to recover from the trauma. And we have recently read na naka-preserve pala ang naputol na paa niya. Welcome back, Nonoy!

——————————

Box office King and Queen si Vic Sotto at Kris Aquino sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation. Enteng Kabisote ang nagdala sa trono kay Vic at si Kris naman ay ang kanyang Feng Shui at So Happy Together. Sana ay palatandaan na ito na muling mabubuhay ang box office para kumita ang mga pelikulang Pilipino.

——————————-

Sa idinadaos na National Arts Month ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts) ay bibigyang parangal si Carmen Rosales sa pamamagitan ng isang mini-film festival. Muling mapapanood ang mga klasikong pelikula ni Tita Mameng. Sa darating na mga issue ay lalabas ang interview ng fapweb kay Rene Navales, ang nag-iisang anak (na nabubuhay) ni Carmen.