Feb 18
GAMIT ANG FIVE SENSES SA PANONOOD NG MOVIE by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 18, 2011

Ano ba ang (normal) five senses ng tao? Ayon sa Google ito ay ang mga sumusunod:

Sense of Sight o nakikita gamit ang mga mata (eyes).
Sense of Hearing o naririnig gamit ang mga tainga (ears).
Sense of Smell o naaamoy gamit ang ilong (nose).
Sense of taste o nalalasahan gamit ang dila (tongue).
Sense of Touch o nahahawakan gamit ang mga kamay (hands or skin).

Hindi na natin isasali dito ang tinatawag nilang sixth sense dahil ito ay isang espesyal na topic.

Sense of Sight

Very important ito sa panonood ng isang movie o television o kahit na anong klase ng entertainment. Pag black and white nga ang isang palabas na movie ay mapapansin mo agad ito dahil halos lahat ng mga movies ngayon ay colored na. And it is assumed na mas maganda pag colored.

Ganoon rin sa mga palabas sa television. Pag black and white, malamang ay luma na ang palabas na ito na tulad ng mga television series na Combat, Wild Wild West, The Twilight Zone, at iba pa.Kaya nga madalas rin nating marinig ang comment na “very colorful” ang isang palabas. Na ang ibig sabihin ay makulay o magandang tignan.

Pati ang mga cartoons na black and white noon na tulad ng Betty Boop at Looney Tunes ay inilabas uli pero colored na. Pwede na siguro itong tawagin na isang make over ng cartoons.

Sa Google ay mayroong list ng mga black and white films that have been colorized which includes movies like The Longest Day at Phantom of the Opera.

Kaya nga sa paggawa ng mga movies ay may mga taong responsible sa costumes, settings and the likes. Naaalala tuloy namin ang isang entry sa 2010 MMFF (Metropolitan Manila Film Festival). Ito ay ang pelikulang Rosario na based sa buhay ng lolo ni MVP (Manny V. Pangilinan). Panahon ng Kastila ang story. Kaya dapat panahon rin ng Kastila ang mga damit. Panahon rin ng Kastila ang mga porma o ayos ng mga upisina. Pati ang mga modelo ng kotse na ginamit at ang background na calle (street) ay panahon rin ng Kastila. Napansin pa nga ng isang citer na pati raw ang basurahan sa Escolta ay panahon ng Kastila. Pati ang hair style. At ayon nga sa director na si Albert Martinez, sa isang interview, pati daw yata underwear na pinagamit sa mga artista ay panahon rin ng Kastila ang style. Can you imagine kung hindi ito ginastusan (expenses) ng malaki para magmukhang panahon ng Kastila ang paligid? Tiyak na hindi kapani-paniwala (Sa Tagalog: Hindi maganda) ang movie.

Ito na rin siguro ang dahilan sa advancement na tinatawag nilang 3D (Three dimensional) movies. Ang 2D (Two dimensional) na movie kasi ay flat. Mayroon lang itong height (first dimension) at saka width (second dimension). Pero pag 3D ang isang movie, para itong may thickness o kapal (at iyon naman ang third dimension kaya 3D ang tawag nila) at kitang-kita ito with the aid of what is called 3D glasses na nakukuha sa sinehan. May dagdag na charges (bayad) yata yun. Dalawang kamera kasi ang ginagamit sa paggawa ng isang 3D movie.

Sense of Hearing

Pag nanonood ng movies, very important rin ang sounds. Hindi tuloy namin makakalimutan ang comment ng isang citer doon sa FAP (Film Academy of the Philippines) office pagkatapos naming mapanood ang isang horror movie na nasa top 30 for 2010. Ang sinabi naman niya ay ganito, “Iyong sounds (tunog) lang ang nakakatakot, pero ang visual (nakikita) ay hindi. May kulang. Dapat tunog at nakikita ay parehong nakakatakot.” Agree po kami. Oo nga naman. Dahil dito ay malamang na mababa ang ibinigay na score o grade ni mister citer sa horror movie na iyon.

Marami pa ang ibang kasali sa sense of hearing na topic. Mayroong tinatawag na background music. Mayroon pa ngang tinatawag na theme song ang mga movies. Hindi pa yata kami nakapanood ng movie na walang theme song. Pati nga ang Silence of the Lambs na isa sa mga favorite namin ay may theme song na nakakakilabot namang talaga ang tunog.

Marinig mo pa lang ang tugtog ng James Bond na movie o kaya ay ang theme song ng Mission Impossible o Star Wars ay medyo excited ka na kaagad. At tama si mister citer, pag nakakatakot ang palabas o eksena, dapat ay nakakatakot rin ang iyong mga maririnig. Maliban na lang siguro kung “pirated copy” ang iyong pinanonood at makikita mo na may aninong dumadaan sa harap na naghahanap ng upuan habang nakakatakot ang eksena (malamang ay may mga tawa kang maririnig habang nanonood ka ng nakakatakot na movie).

Pag masaya naman ang eksena ay ganoon rin dapat ang background. Dapat match sila (ang tunog o sound at ang nakikita ng iyong mga mata) o magka-tugma. Ganoon na rin siyempre sa ibang eksena na tulad ng malungkot o sad (tunog punebre) et cetera et cetra.

Sense of Smell

Sa future siguro baka pwede na ito. Pero sa ngayon ay wala pa yata. Can you imagine na ang eksena sa movie ay doon sa Smokey Mountain at pagkatapos ay biglang mangangamoy rin sa loob ng sinehan? Very realistic siguro iyon. Kaya lang ay baka naman mag throw-up ang mga nanonood na mahina ang sikmura. Paano naman kung lunch ang eksena at napakasarap ng amoy ng mga mga ulam sa hapagkainan? Nakakagutom siguro iyon.

Sense of Taste

Ito ay very important rin. In a way, dahil hindi naman talaga ito connected sa pelikula pero kasali talaga ito (usually) pag nanood ka ng movie. Ang sense na ito ay para sa mga dalang meryenda ng mga nanonood. Mayroon kaming kakilala na nasanay (dahil sa parents niya) na pag nanonood ng movie dapat daw ay may popcorn at saka softdrinks o soda. Ngayon naman ay uso na rin ang iced tea at saka fruit juice.

Naging marami na rin ang choices ng mga movie goers pati sa meryenda. Madalas ring maging baon sa sinehan ang hotdog sandwich o kaya ay pizza. Pag-ingatan lang ang baso ng juice o Coke dahil baka po mabuhusan ninyo ang ibang nanonood habang kayo ay naglalakad sa loob ng madilim na sinehan.

At kung nagtitipid naman o talagang small time lang po kayo pero mahilig sa movies, pwede na ang walang kamatayang mane o butong pakwan.

Sense of Touch

Hindi naman yata involved ang sense of touch sa panonood ng movies. Unless mayroon kayong ka date at hinahawakan o hawak mo ang kamay (holding hands) ng iyong ka date habang nanonood ng movie. Never mong hahawakan ang iyong katabi dahil baka ipahuli ka niya sa pulis.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/