Feb 11
EARLY 2011 ISSUES by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 11, 2011

Masagana ang pasok ng taong 2011 para sa movie industry dahil record-breaking ang P530 million gross ng Metro Manila Filmfest. Malayo ito sa previous high na 450 million. At maganda ang distribution ng sales this year.

Ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote ay tumabo ng P159 million kasunod ang P157 million ng Tanging Ina. Pangatlo ang Dalaw ni Kris Aquino na bumenta ng P96 million. Mapapansin na ang 3 entries na nabanggit ay may aggregate sales ng mahigit P400 million.

Sa kabila ng tagumpay ay hindi na naglabas ng iba pang data ang MMFF para maiwasan daw ang intriga. Gusto ring bigyan ng protection ang mga nahuhuli sa bentahan.

Matatandaang si Manny Pacquiao ang all-time tail-ender ng MMFF dahil sa kanyang 2 entries na naging panghuli—Anak ng Kumander noong 2007 na produced by Pacman himself at Wapakman of Solar Films noong 2009.

For the 2010 MMFF, marami ang nagsasabi na tail-ender (panghuli) sa gross ang Father Jejemon ni Dolphy at hindi pa nga raw umabot sa P5 million ang kinita nito. Epekto raw ito ng hindi magandang biro tungkol sa hostia. At kahit tinanggal na ang nasabing offending scenes ay na-karma na raw ang productions.

On the other hand, mas magandang sisihin ang joke sa hostia kesa naman sabihin ng mga tao na laos na si Dolphy kaya hindi kumita ang kanyang movie. In fairness sa Comedy King, siya lamang ang tanging nagwagi ng 2 awards sa MMFF in one award night.

Best actor si Dolphy sa portrayal niya ng Father Jejemon. Best supporting actor din siya sa Rosario bilang anak ni Rosario. In the name of art ay walang masasabi ang mga critics sa achievement ni Dolphy.

Ang isa pang issue ng MMFF ay ang pagwawagi ni Wenn Deramas bilang Best Director for Tanging Ina. Mismong si Alfonso na anak ni Albert Martinez ang kumuwestiyon kay Wenn. Si Albert ang director ng Rosario na inaasahang magiging best director dahil sa period film ang Rosario.

But the issue had been cleared. Nagbigay ng public apology si Liezl, ang asawa ni Albert. Naging emotional lang daw ang kanilang anak. On the good side naman ay marami ang pumupuri sa Rosario kahit hindi ito nanalo ng award.

Sa magandang pagtatapos ng MMFF ay isang malaking issue ang sumabog—ang sexual harrassment na reklamo ni Cherry Pie Picache laban kay Baron Geisler. Lasing daw si Baron at the time of shooting at nagawa nitong dakmain ang dibdib ni Cherry Pie.

Agad nag-meeting ang PAMI (Professional Artists Managers, Inc) upang bigyang protection ang kanilang mga talent. Halos boycott na ang kanilang iginawad kay Baron.

Behind the public apology ay hindi naman inamin ni Baron ang akusasyon. Matatandaan na may kaparehong reklamo kay Baron si Patrizia Martinez, Julia Clarete at Yasmien Kurdi. Si Patrizia ay anak ni William Martinez at Yayo Aguila.

For the meantime ay papasok sa rehabilitation center si Baron upang gamutin sa kanyang pagiging alcoholic. At nangangako siya na maging reformed person sa kanyang pagbabalik sa showbiz.

Upang maging maugong ang pagbabalik-showbiz ni Jobelle Salvador ay pinaputok ang balita na hindi raw talaga si Robin Padilla ang ama ng kanyang anak. Face-saving act daw ang ginawa ni Robin na pag-angkin sa kanyang ipinagbubuntis 20 years ago.

Si Jobelle ay tumakbo at natalong vice mayor ng Makati noong 2010 elections. Ang kanyang anak na si Miko ay sa Amerika nakatira kasama ang ina niyang si Bella. Ang tunay na ama ni Miko ay si Erik Espina, columnist ng Manila Bulletin.

Isang hindi magandang balita. Boots Plata suffered an amputation of the left foot due to cancer of the bone. Na-confirm namin ang balita mula kay Direk Boots Plata mismo. Noong Dec. 16 daw siya naoperahan at kasalukuyang nagpapagaling pa rin.

Si Boots Plata ay naging director ni FPJ sa blockbuster na Isusumbong Kita Sa Tatay Ko. Ito ang tambalan ni Fernando Poe, Jr. at Judy Ann Santos. Si Direk Boots ay asawa ni Dolor Guevarra, ang manager ni Susan Roces.


Susan Roces with Delia Razon and Bing Manalo of GMA-7

Speaking of Susan Roces, masigabo ang muling pag-eksena niya sa telebisyon dahil may contract signing pa siya at ang TV5 sa pangunguna nina Chairman Manny Pangilinan at President Ray Espinosa. Babaeng Hampaslupa ang initial project ni Susan sa TV5.

Si Susan ay gaganap na Helen See, ang matriarch ng mayamang Chinese family, sa Babaeng Hampaslupa. Siya ang lola ng title-roler na si Alex Gonzaga habang si Alice Dixson naman ay papapel na nanay ni Alex.

Sa international scene, ang balitang pagbabalik ni Charice sa Glee ay ikinatuwa ng marami. Ang Glee na kuwento ng mga estudyante ay naka-focus sa music. Hit sa audience ang papel na Sunshine Corazon ni Charice, isang Pinay na may angking husay sa pagkanta. Inaasahang mas malaki ang participation ni Charice this time.

Overall ay maganda ang pasok ng year of the rabbit sa Chinese calendar. Sana ay magtuloy-tuloy ang suwerte sa showbiz at mabawasan ang mga negative. Pero sabi nga nila, hindi interesting ang showbiz kung walang issues, intriga at controversy.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/