Feb 11
A GOOD ENDING IS A MUST by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 11, 2011

You To Me Are Everything

Isa siyang simpleng dalagang probinsiyana pero maganda. Maayos rin naman ang buhay niya sa province. Pero one day, nagbago ang buhay niya ng magkaroon siya ng about P100,000,000.00 (One hundred million pesos) worth of property na namana niya sa kanyang tunay na father.

Dito maraming nabago sa buhay ng dalagang probinsiyana. Tumira siya sa Maynila. Nahanap rin niya ang kanyang dating boyfriend na ngayon ay mayroon na palang sariling family. Nagkaroon rin ng conflict sa second family niya dahil nagseselos sa kanya ang kanyang dalawang step-sister dahil sa pera.

Naranasan rin niyang ma in-love uli. Pero sa isang lalaki na mayroon namang girlfried. At lumitaw rin ang kanyang natural na pagka-maawain. Na ayaw naman ng kanyang mga business partner dahil hindi nga daw sila charitable institution.

Due to these things, naging malungkot ang buhay ng ating dalagang probinsiyana. Pero this is a movie and a good ending is a must. And so, para maging everybody happy (pati na ang mga nanonood)…

Naging kasundo niya ang kanyang dalawang step sisters by giving them 20% each of her money which is assumed to be about P20,000,000.00 (twenty million pesos).

Binigyan rin niya ng P25,000,000.00 (twenty five million pesos) ang kanyang bagong love of my life. Who in turn helped the folks that our dalagang probinsiyana wanted to help. And finally, ikinasal ang dalagang probinsiyana natin with her love of my life na naka suot pa ng bahag
(a native costume in the mountain province). Happy ending ito hindi ba?

Miss You Like Crazy

Si lalaki ay isang professional na kasalukuyang nagsisikap para akyatin ang tinatawag na corporate ladder. Si babae naman ay isang OFW na nag-tatrabaho sa isang hotel sa Malaysia. Parang parehas na may direction ang buhay nila, pero one day, nagkita o nag meet accidentally ang dalawa.

Maayos naman. Bagay sila. Isang guapo at isang maganda. Parehas pa rin namang single. Pero may girlfriend si lalaki na anak pa naman ng may-ari ng company na pinapasukan niya. Hindi lang iyon. Mukhang nagsasama na rin ang dalawa sa iisang bubong (live-in). At may boyfriend (na mayaman) rin naman pala si babae na isang Malaysian. Dahil dito, mukhang imposible na may patutunguhan ang relasyon ng bidang lalaki at bidang babae.

Pero this is a movie and a good ending is a must. And so, para maging everybody happy uli pati na rin ang mga nanonood…

Si lalaki broke up (nakipaghiwalay) with his beautiful girlfriend kahit magalit pa ang tatay nito na bossing niya. Si babae naman ay pinakawalan ng mayaman na Malaysian dahil mahal talaga niya si girl pero feel na feel niya na si bidang lalaki ang talagang mahal ni bidang babae.

Kaya in the end, nagkatuluyan ang lalaki at babae against all odds to
the excitement of the movie viewers. Nakasulat lang po sa bato ang text messages of love.

I’ll Be There

Iniwan siya ng tatay niya nung maliit pa siya. Umuwi kasi sa Pilipinas si daddy at naiwan ang ating dalaga sa Amerika with her mother. Pero she has dreams and she pursued it. Kaya lang ay nagkaroon ng problem. Isang swindler pala ang kanyang boyfriend/business partner. And to top it all. Inutang lang niya ang pera for starting her own business na itinakbo ng hindi mabuting boyfriend/business partner niya.

Paano na ito ngayon? She has to pay the money. Naalala tuloy niya na mayroon siyang daddy sa Pilipinas. Na mayroon itong kaunting kabuhayan. Isang hacienda na may factory ng lambanog (native liquor).

At dahil siya ay isang anak, mayroon siyang parte (share) sa mga kabuhayan ni daddy. Napilitan ang ating bidang babae na umuwi sa Pilipinas to get her share of the money.

Maraming problem. Hindi mapera si daddy kaya hindi siya basta-basta mabibigyan ng pera. She also has to adjust to the father and daughter relationship. Kailangan rin niyang masanay sa buhay probinsiya. At naka meet pa siya ng isang guapo (attractive) na lalaki pero mayroong anak.
At the same time, eto na ang bumbay, este ang babaing nagpautang sa kanya na gusto na ring kunin ang ipinautang na pera.

Pero this is a movie and a good ending is a must. And so, para maging everybody happy uli pati na rin ang mga nanonood…

Nakabayad si Miss Beautiful ng kanyang utang through his father by selling their property. Isang matinding sacrifice for the father. At dahil dito, bumalik sa Pilipinas si Miss Beautiful para yakapin ang kanyang father at magpasalamat.

At last but not the least, nagkasundo si Miss Beautiful at si Mister Guapo. Sabi pa nga ni Mister Guapo: “Huwag mong babawiin ito ha”. (Meaning don’t change your mind about our relationship). Hindi lang happy ending, nakaka in-love pa.

Emir

Puro na lang ba tungkol sa mag-sweetheart ang isang happy or good ending? Hindi po. And this movie is an example. Isang taga-bundok (Mountain province) na dalaga ang nagpunta sa ibang bansa para mamasukan bilang isang domestic helper sa bahay ng isang mayaman somewhere sa middle east (bayan ng mga Arabo).

Mahirap ang malayo sa family. Tapos ang kasama mo doon ay puro mga domestic helper rin na may kanya-kanyang problem both doon at dito sa Pilipinas.

Pero napili siya para maging taga-alaga ng isang baby na magiging future leader (isang prinsipe). Inalagaan niya itong mabuti to the point na tinuruan na rin niya na Tagalog.

Nagkaroon ng giyera at involved ang family na pinagtatrabahuan niya. Nagkahiwa-hiwalay sila at swerte na lang na nakaligtas ang ating dalaga at nakauwi pa rin sa Pilipinas. Ano na ang kasunod? Kailangang maging happy o good ending ito.

Many years later, may sariling business na ang ating dalaga sa Pilipinas. At one day biglang ilang mamahaling sasakyan ang nakaparada sa tapat niya. Nakaligtas pala ang prinsipe at ngayon ay pumunta sa Pilipinas para lang hanapin ang ating bidang domestic helper at makapagpasalamat. Good ending rin ito hindi ba?

Shake, Rattle & Roll 12 (PUNERARYA)

Isa siyang private tutor (teacher). At natanggap siya bilang tagapagturo sa dalawang anak ng may ari ng punerarya. Nakakatakot talaga pero cool lang si maestra at ginawa niya ang kanyang trabaho. Pero nakita niya accidentally ang mga sikreto sa punerarya at hindi na nila (ng mga tao sa punerarya) pwedeng palabasin siya ng buhay.

And so, against all odds, nakaligtas si maestra at ang kanyang kapatid na lalaki. Hindi lang iyon. Nailigtas rin niya ang isang “ampon daw” ng mga tao na nakatira sa punerarya. Pero this is a horror movie.

At ang good ending? Halimaw rin pala ang batang ampon at kinain niya si maestra at ang kapatid nito. Isang classic na horror movie. Nakakatakot talaga. Pero qualified na qualified pa rin ang movie for having a good ending.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/