Feb 04
PRIMETIME TV TRIANGLE by Corie Henson  |  Posted in Articles  |  on Fri, Feb 4, 2011

Ang tinaguriang primetime sa tv ay sakop ang ang mga oras na nagsisimula sa pagkagat ng dilim hanggang sa pagkatapos ng hapunan. Ito ang sinasabing oras kung kelan mayroong pinakamaraming nanonood sa tv.

Sa pagtatagisan ng GMA-7 at ABS-CBN ay naging standard ang news program bilang pa-umpisa ng primetime. Kasunod nito ay ang mga soap o iba’t-ibang teleserye na karamihan ay fantasy.

Ang paglipat ng ownership ng TV5 sa kamay ni Manny Pangilinan ay hindi gaanong gumawa ng ingay dahil ang mga palabas sa nasabing istasyon ay hindi naman makatitinag sa network war liban sa Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo.

Isang phenomenon ang Talentadong Pinoy which successfully penetrated the ratings and eventually landed on top, sabi sa balita. Pero ang nasabing high rating tv show ay tuwing Sabado at Linggo lamang.

Ang weekday primetime ay medyo nabulabog sa pagpasok ng Willing Willie sa TV5. Ang dating katapat ng Eat Bulaga sa tanghali ay napunta na sa primetime. Isang variety show na magbibigay ng variety sa mga evening tv viewers.

Ang pamumukadkad ng Willing Willie ay lalong pinatingkad nang tanggapin ni Shalani Soledad ang alok na maging co-host ni Willie Revillame. Sino ba ang hindi nakakakilala sa ex-girlfriend ng ating Pangulong Noynoy Aquino?

Bilang sagot ng ABS-CBN ay ang pagbabalik nina Noli De Castro at Korina Sanchez sa TV Patrol. Si Kabayang Noli ay dating vice president samantalang si Korina ay galing sa bakasyon dahil sa pagtakbo ni Mar Roxas sa 2010 elections.

Masasabing mabigat ang combination ng TV Patrol sa triumvirate ni Ted Failon, Korina Sanchez at Noli De Castro. Hindi man umaamin pero halatang apektado ang 24 Oras nina Mike Enriquez at Mel Tiangco.

“Walang Bahid Pulitika” ang idinagdag nila sa kanilang slogan na “Walang kinikilingan, pawang katotohanan lamang.” Malinaw na patutsada kay Noli at Korina ang pagbabago sa slogan ng 24 Oras.

Sa kabila ng mga pagbabago ay hindi naman daw naaantig ang mga news anchors ng 24 Oras. Ayon sa kanila ay nakikita naman daw sa rating ang kanilang performance.

May dalawang rating system na ginagamit para sa sampling ng tv audience. Both Kantar Media-TNS and AGB Nielsen claim na scientific at makahulugan ang kanilang survey. However, ang AGB ay sa mega Manila lamang at ang Kantar ay sa buong bansa.

Recently ay steady ang numbers ayon sa mga averages. Sa Kantar ay may 25 points ang TV Patrol kontra sa 20 points ng 24 Oras habang ang Willing Willie naman ay may 12 percent na audience share.

Sa Mega Manila ay nangunguna ang 24 Oras with 11 percent kasunod ang patas na puntos ng TV Patrol at Willing Willie na parehong may 8.5 points. Ibig sabihin niyan ay nakakahabol na ang TV5 sa umpisa ng primetime (sa Mega Manila).

Ang kasunod na time slot ay ang banggaan ng Dwarfina nina Heart Evangelista at Dennis Trillo kontra sa Noah nina Piolo Pascual at Zaijan Jaranilla (dating Santino). May 13 points ang Dwarfina laban sa 9 points ng Noah.

Pero sa buong Pilipinas ay nangunguna pa rin ang Noah with 27 points laban sa 21.5 percent ng Dwarfina. Katapat pa rin nila ang 12 points ng Willing Willie.

Kapansin-pansin ang baligtad na mga numero ng Kantar Media vis-à-vis AGB Nielsen. Ibig sabihin nito ay mahina ang ABS-CBN sa Mega Manila at kaya lang sila malakas sa buong Pilipinas ay dahil sila ang may pinakamaraming relay stations.

Sa susunod na time slot ng primetime tv ay malayo ang 30 percent ng Mara Clara sa 20 points ng Jillian, Namamasko Po. Dahilan siguro ito na hindi na napapanahon ang Jillian dahil ilang linggo nang nakalipas ang Kapaskuhan.

Pero take note na ang Captain Barbell ni Richard Gutierrez ang papalit sa Christmas soap ni Jillian Ward para tapatan sina Kathryn Bernardo at Julia Montes bilang Mara Clara. Take note uli na kasali rin si Jillian sa Captain Barbell.

Sa Mega Manila ay may 11 points si Jillian habang si Mara Clara ay nakadikit sa 10 percent habang nakabuntot pa rin ang Willing Willie with 8.5 points.

Sa Mega Manila pa rin ay nakaungos ang Imortal with 11 points laban sa 10.5 percent ng Beauty Queen. Sa buong Pilipinas ay nakalayo ng 26 points ang Imortal nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz kontra sa 17 percent ng Beauty Queen ni Iza Calzado.

Sa hindi pagbabago ng format ng news programs ng ABS-CBN at GMA-7 ay tila binabalewala nila ang 8.5 points ng Willing Willie sa Mega Manila. May araw na nakakaungos ang variety show ni Willie sa TV Patrol.

Take note na ang Willing Willie tumatakbo ng 2 oras, mula 6:30 pm until 8:30 pm pero madalas itong inaabot ng 3 oras o higit pa. Ang mga sponsors ay hindi na rin mabilang kaya pinabubulaanan nila ang ratings.

Sa pagpasok ng taon ay nagdagdag ng mga papremyo ang Willing Willie. At sa nalalapit na kaarawan ng charismatic host ay mamimigay ng 1 kotse araw-araw sa studio audience. Bukod pa rito ang perang 1 milyon at may house and lot pa.

Ngayon, hindi pa rin ba nangangamba ang mga news programs? Hindi pa rin daw dahil magkaiba naman sila ng audience. Mga housewife in the lower class ang suki ng Willing Willie samantalang mga edukadong tao daw ang nanonood ng evening news.

May epekto ba talaga ang TV5 sa network war ng ABS-CBN at GMA-7? Tanging ang tv audience lamang ang makapagsasabi. Or maybe ang mga sponsors siguro.

Para sa mga komento, puwede kayong mag-email sa corzhens@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/