Jun 01
BASKETBALL STARS SA PELIKULA by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Jun 1, 2005

By Tante de Ramos

(Basketball and showbiz have always been interacting in so many ways. Basketball stars have been linked to starlets and young actresses. Some of them even graduated into playing actual roles in the movies. Last Sunday, the PBA honored some of its former stars that included former Sen. Robert Jaworski, Mon Fernandez, Bogs Adornado, Atoy Co, Francis Arnaiz, among others. Movie trivia writer Tante de Ramos contributes an article on basketball stars who made it big in the equally challenging hardcourt of movies—editor)

Sa pelikulang May Isang Tsuper ng Taksi na pinangunahan ni Fernando Poe Jr., katambal si Bing Loyzaga at sidekick nitong si Dencio Padilla sa sarili niyang FPJ Productions, nakasama nila ang mga basketball players na sina Chito Loyzaga, Alvin Patrimonio, Benjie Paras, Paul Alvarez, Jerry Codiñera, Abe King, Rosalio Martirez, Manny Paner, Yves Dignadice, Atoy Co, Philip Cezar, Frankie Lim at Manny Victorino.

Si Jimmy Santos na naglaro rin sa PBA bago lumabas sa pelikula. Sa remake ng Bondying ay lumabas na bida si Jimmy. Ilang pelikula ang pinagbidahan niya. minsan naman ay lumalabas siya bilang sidekick. Tulad ng role niya sa pelikulang Ayos na ang Kasunod na pinagtambalan nina Fernado Poe Jr. at Ara Mina. Kasama rin sa pelikula si Maritoni Fernandez bilang kontrabida. Si Jimmy ay mainstay sa Eat Bulaga, ang noontime show ng channel 7.

Si Joey Marquez ay naglaro rin sa PBA na lumabas sa Bikining Itim na katambal ni Alma Moreno. Sa pelikula o telebisyon man ay palaging mahilig sa chicks ang kanyang papel na may kahalong comedy ang kanyang labas, katulad sa Palibhasa Lalake at Kool Ka Lang . Naupong mayor ng Parañaque City ng tatlong termino.

Si Dennis Roldan ay nanggaling rin sa PBA. Siya ay kontrabida sa Salome na pinangunahan ni Gina Alajar at Johnny Delgado. Ang director nito ay si Laurice Guillen. Naging kinatawan sa Quezon City sa isang distrito doon.

Si Rosalio “Yoyong” Martirez ay palaging nakakasama sa mga pelikulang gawa ng film outfit ni Vic Sotto na M-ZET Production . At naging mainstay siya sa sitcom noon na Okay Ka Fairy Ko .

Si Benjie Paras, isang sikat na sentro, ay lumabas sa Dunkin Donato katambal nina Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista at Rosalio “Yoyong” Martirez. Siya ay kasama rin sa sitcom na Kool Ka Lang , Lagot Ka, Isusumbong Kita at Naks . Siya ay naging asawa ni Jackie Forster.

Si Alvin Patrimonio ay lumabas sa pelikulang Last Two Minutes ng Regal Films. Kasama pa dito sina Jerry Codiñera at Paul Alvarez. Naging top grosser ang pelikula sa takilya. Kaya binigyan sila ng TV show na Last Two Minutes na nagtagal din sa ere. Kasama rin dito si Mahal.

Si Paul Alvarez ay nakasama sa remake na pelikulang Darna na pinagbidahan ni Anjanette Abayari. Siya ay isa sa mga kontrabida na nakalaban ni Darna na ala-Matrix ang dating sa pakikipaglaban. Kasama rin siya sa Megamol na pinanagtambalan nina Sharon Cuneta at Andrew E ang bida. Siya ay asawa ni Arlene Muhlach.

Si Freddie Webb ay nakilala sa sitcom na Chicks to Chicks katambal si Nova Villa. Kasama rin dito sina Carmi Martin, Maria Teresa Carlson at Chito Arceo. Ang komedyanteng si Chuchi ay may papel na mali-mali dito. Nakalabas din siya sa pelikula bilang bida. Siya’y naging senador.

Si Robert Jaworski ay kinuha ng FPJ Productions para lumabas sa pelikulang Santuario. Pinangunahan nito ni Fernando Poe Jr. katambal si Marilou Destreza na isang Mutya ng Pilipinas contestant. Naging introducing siya dito sa nasabing pelikula. Si Jaworski ay naging senador din.

Si Francis Arnaiz ay lumabas din minsan sa pelikulang Maria Went To Town katambal ni Maureen Ava Biera, ang Miss Aruba noon na ginanap sa Pilipinas ang Miss Universe Beauty Pageant. Naging asawa niya si Susan Reyes na naging Miss Camay. Nag ibang bansa na siya at hindi na naglaro ng basketball.

Si Atoy Co ay marami na ring nasamahan pelikula. Sa isang pelikula ay nakatambal niya si Alona Alegre. Sa pelikulang Palaban na pinangunahan nina Rudy Fernandez at Ara Mina. Nakalalabas din siya minsan sa telebisyon.

Si Willie Sotelo ay naglaro sa koponan ng Jose Rizal College nung mid-1950s. Naging basketball star player siya ng nasabing pamantasan. Sa pelikulang Ganyan Ka Pala, lumabas siyang ka-loveteam ni Lita Gutierrez at katambal nila sa pelikulang ito sina Nida Blanca at Nestor de Villa..Lumabas rin siya sa Medalyong Perlas na all-star cast na buhat sa LVN Pictures . Siya ay tumira na sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya at hindi na lumabas sa pelikula.

Si Paquito Diaz at Romy Diaz ay parehong star players ng koponan ng Far Eastern University. Silang dalawa ay palaging kasama sa pelikula ni Fernando Poe Jr. sa sarili nitong film outfit na FPJ Productions.

Si Bonel Balingit ay naglaro rin sa PBA at lumabas na bida sa pelikulang Hayop Sa Porma … Hanep Sa Ganda, Kasama rin niya rito sina Raja Montero at Nika Madrid sa pangunahing papel na produksiyon ng LUV Films. Ito ay sa direksiyon ni Arturo San Agustin.