Jan 19
LINDSAY by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Jan 19, 2005

By Richzeal Loreche

LINDSAY KENNEDY ang bagong pangalan na nakikipagsapalaran sa masalimuot na daigdig ng pelikula at telebisyon.

Ngunit hindi naman talagang baguhan si Lindsay dahil mahaba na rin ang listahan ng experience niya. Ilan sa pelikulang mga nagawa niya ay ang Huwag Mong Ubusin ang Bait Mo, Katayan, Sagot Ko Ang Buhay Mo at Onsehan. Sa TV naman ay nagkaroon na siya ng break sa Nginig, Magpakailanman at Kabalikat.

Bukod sa TV at pelikula, raket din ni Lindsay ang pagiging commercial model. Ilan sa mga TV ads niya ay Cali, Erehwon at Selecta. Paminsan-minsan ay pumupunta rin siya sa mga provincial road shows.

Katulad ng ibang artistang masikap, hindi humihinto sa pag-aaral si Lindsay. Kahit home study lang, itinuloy niya ang kasalukuyang 4 th year high school studies. Nang tanungin namin kung bakit gusto niyang mag-artista, talaga raw hilig niya at gusto niyang sumikat. Hindi man binanggit, naramdaman namin na financial ang isa sa mga dahilan. Si Lindsay ay mag-isang itinataguyod ng kanyang ina. At sa pakiramdam pa rin namin ay isang Fil-Am si Lindsay.

Sa taas na 5 feet at 5 inches, madalas siyang mapagkamalan na si Amy Perez. Drama at horror ang preferred genre ni Lindsay na parang hindi naman yata babagay sa kanyang hitsurang mestiza. Ngunit open naman daw siya kahit na anong klaseng pelikula. Pero siyempre, huwag lang daw bold.

Good luck to Lindsay Kennedy! Sana ay maganda ang isalubong ng 2005 sa kanyang sumisibol na career.

——————————
Lindsay can be contacted via our email fap_web@yahoo.com.