Jan 19
EXPLOSIVE – NEW MOVIES by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Jan 19, 2005

By Tess Clarin

UNO ni Ronnie Ricketts at Monsour Del Rosario ang unang action movie ng taon. Watch UNO, now showing in the theaters (January 19). Gaya ng mga movies ni Ronnie, isa na namang obra maestra ang Uno pagdating sa mga stunts at fight scenes. Sabi nga, makatotohanan daw. Ilan kaya ang dinala sa orthopedic?

——————————

LET THE LOVE BEGIN ang unang venture ng revived GMA Films. Matindi ang casting nito dahil magka-capitalize sa kasikatan ng Mulawin stars na sina Richard Gutierrez at Angel Locsin tapos kasama rin si Mark Herras at Jennylyn Mercado ng Starstruck. Foursome ng young stars. Huwag sanang foursome lang ang manood!

——————————

DREAMBOY naman ang sagot ng Star Cinema. Experiment ito ng tambalang Piolo Pascual at Bea Alonzo . As the title suggests, pakilig ang dating nito. Sana magkatotoo ang panaginip sa takilya!

——————————

Ang LIHIM ay malapit nang ibunyag ni Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether Ocampo. Mystery ang hilatsa ng LIHIM na siguradong magugustuhan ng mga taong naghahanap ng magandang istorya. Gandahan sana ang promo dahil mahirap kumita ang pelikula kapag ipinalabas na lihim!

——————————

Another movie, but still in the drawing board, is that of Aga Muhlach and Regine Velasquez . Viva ang producer at si Joyce Bernal ang director. Wala pang title.

——————————

Do you remember the soft drink ad featuring Piolo Pascual? Si Toni Gonzaga yung babaeng kikay na nagsisigaw ng “I love you, Pioloooo!” Very hot si Toni sa TV ngayon dahil hindi mabilang ang kanyang shows. Mainstay siya sa Eat Bulaga, may role siya sa Lagot Ka, Isusumbong Kita, host siya ng Wassup, Wassup, nasa Bitoy’s Funniest Videos din siya, may S-Files pa at kabi-kabila ang guestings. Toni is very talented, natural ang hosting skills niya at may boses na puwedeng kumanta. Super sa adlib si Tony, nakakabilib talaga. Kaya naman malaki raw ang offer ng ABS-CBN para ma-pirate siya. Abangan kung lilipat siya. Pero take note, kawawa naman si Toni kung mapaparis sa mga nag-ober the bakod na sina Arnell Ignacio at Long Mejia. May kasabihan nga, ang kaligayahan ay nasa puso!

——————————

Kay Toni Gonzaga pa rin. According to an aspiring director, in the drawing board daw ang TEXTMATE na pagbibidahan ni Toni. Pag ito ang natuloy tiyak na aalagwa ang bituin ni Toni Gonzaga. By the way, isa sa nananalanging matuloy ang Textmate ay si Lindsay Kennedy na naka-feature ngayon sa aming website.

——————————

Bago mag-angat ng kilay ang ABS-CBN, nakikiramay kami sa pagkasunog ng kanilang OB van. Ngayon ko lang nalaman na OB stands for Outdoor Broadcast. Maraming haka-haka sa motibo ngunit ayon sa tumawag at nag-email ay inaako raw ng mga sympathizers ni Da King ang pangyayari. Meron din kaming sariling theory pero hindi na namin sasabihin dahil baka yung website naman namin ang sunugin!

——————————

Nagkasitahan ng mga smokers sa senate dahil marami daw nagsisigarilyo sa no smoking lounge. Star billing na naman ang mga showbiz senators natin na para bang laging pinag-iinitan. Pero hindi siguro totoo ang balitang huminto na sa pagsisigarilyo si Sen. Bong Revilla mula nang may humiram ng lighter niya at hindi na ibinalik. At hindi rin siguro totoo na ang nanghiram ng lighter niya ay si Sen. Nene Pimentel!

——————————

More about Sen. Bong Revilla. Galak na galak siya at lungkot na lungkot. Natutuwa siya sa pagsilang ng kanyang unang apo – Jose Gabriel – courtesy of his son Jolo and Osang’s daughter Grace. Nalulungkot si Bong dahil lolo na siya!

——————————

Another surprise (loser) is Sigaw. Parang nabalian ng pakpak ang Mulawin stars. That goes to show na mababa pala ang rating nina Richard Gutierrez at Angel Locsin pagdating sa movies. Sa movies kasi actual ang figures hindi gaya sa TV na kadalasan ay parang hula lamang ang numero ng survey.

——————————

Parang hindi maganda ang dating ng darating na Till Death Do Us Part, isang teleserye na tatampukan ni Kristine Hermosa at Diether Ocampo. Need we say na nagka-capitalize sa kanilang real life ang tema ng teleserye? But in fairness, papatok din ito sa TV dahil alam kong sawa na ang mga tao sa ka-singkit-an!

——————————

Original idea ko ito. Pumayag ang editor namin na magkaroon ng love notes dito sa website namin for Valentine’s Day 2005. You can send your love notes to fap_web@yahoo.com o kaya sa tessclarin@yahoo.com for publication on or before Feb. 14. Puwedeng anonymous, sabihin lang ninyo para hindi na ma-publish ang email address ng sender.