Jan 19
PAYONG PASAWAY by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Jan 19, 2005

By Issa Sebullen

We salute Ara Mina for her determination in picking up the pieces of her lovelife. Why don’t you pursue your singing career, Ara? It’s about time to change your image because you’re already made as far as being an actress is concerned. Try mong mag-produce ng sarili mong album, sayang kasi ang boses mo. And if you need original songs, nasa tabi-tabi lang yan ng website namin, sa bandang ibaba, look ka!

Pasintabi po sa mga producers. Maraming foreign movies na rin ang nagaya natin, bukod pa yun sa mga spoof at lampoon ng mga titles tulad ng Titanic na ginawang Tatay Nick. We remember a Nick Nolte film about kidnapping. Ginaya ni Vic Sotto and Phillip Salvador. Meron din si Jestoni Alarcon na tungkol sa blind warden. Puwede naman siguro nating pigain ang mga writers to come up with originals. In fact, the scriptwriting contests in our midst have produced beautiful scripts with nice stories. Kaso wala yatang pumapansin o baka naman kailangan ng rainbow connection to the pot of gold?

———————————

Uso rin naman ang mga audition contests gaya ng Starstruck at Star Circle Quest, sana magkaroon din ng audition contest para sa mga bold stars. Either they take off or take on, di ba? Baka matigil ang mga malalaswang gimmick pag may audition contest na. Do you remember the escort services accusation against some Congressmen? Late last year, a self-admitted call girl cried rape against a high government official. Hmm, papansin lang yan. Pero wait lang, puwede bang magdemanda ng rape ang isang prostitute? Di ba part of the job lahat yun? O baka naman kasi blown job (palpak na trabaho) eh.

———————————

Sa mga bold stars pa rin, matagal nang namayapa si Dr. Rey Dela Cruz kaya huwag na ninyong ipauso ang ka-corny-han ng screen names. Khudet ano, Keanna ano… Yung mga kasunod naman eh puro commercial ng shampoo ang dating. Para naman kayong ipinanganak na walang pangalan, o! Kaya nabababoy ang local showbiz eh.

———————————

Speaking of screen names, isa pa itong si Sandra Gomez. Famous for the Lumen character in a soap commercial, Sandra is sporting a new screen name of January Isaac. Sayang talaga dahil papasikat na sana si Sandra. Actually naging lead star na siya sa isang action movie. Kung bakit kasi nagpalit pa siya ng screen name. Para namang nakakailang tawagin na January ang isang tao, di ba? Our apologies to April, May, June, July and August.

———————————

Sa theater naman, parang nagiging vulgar na yata ang mga stage plays. Vagina Monologues sinundan ng Penis Talks. Bakit hindi kayo gumawa ng Filipino version para malaman ninyo ang vulgarity ng mga titles na yan? We remember the newsletter of Miriam College which became controversial with the Tagalog title that seemed vulgar to the nuns. The theater is a medium of arts. Pero, no matter how thin, may limitation din naman, di ba?

———————————-

Still in controversies, we firmly believe na gimmick lang ang awayan ni Kris Aquino at John Lapus para ma-promote ang re-launching ng Game Ka Na Ba? Mahaba ang kuwento, maraming version, kesyo gustong ipaulit ni Kris ang tanong dahil tila nasilip daw ni John ang sagot. We recall the Millionaire game show where Megastar herself won the million pot. No offense to Sharon Cuneta but that feat, if ever it was honestly done, was indeed mega-incredible!

———————————–

Matindi ang awayan ni Juliana Palermo at Sunshine Cruz even after the MMFF showing of Panaghoy Sa Suba. More likely hindi gimmick ito. As for our unsolicited advice, hindi dapat kumibo si Sunshine dahil siya na rin ang nagsabi na mahal siya ni Cesar Montano at mahal din niya si Cesar. Pero nagdagdag pa si Sunshine na pinalayas niya si Cesar sa bahay. Stand by your man, sabi nga. Hindi ba’t si Cesar ang nagpaharang sa Viva nang magre-issue ito ng mga lumang bold films? May excerpts kasi doon si Sunshine na for adults only. Cesar stood by his woman, di ba?

————————————

Napansin nyo ba ang mga local soap sa TV? Halos lahat yata ay may mystery sa pagkatao. Bigla na lang magkakaroon ng revelation na yun pala ang magulang niya o yun pala ang kapatid niya. O kaya hindi pala siya tunay na anak o hindi siya tunay na kapatid. Pero ang pinakamatindi sa aming pananaw ay ang ginawang pairing sa mga mag-ex. Two pairs of exes yan. Hindi pa nakuntento, the third pair of young sweethearts ay ginamit ang pangalan ng controversial lovers. Buti na lang ang natapos na ang Forever Corny!

————————————
Editor’s Note: FAPWEB.ORG maintains its policy of being entertaining, informative and constructive. If you feel that this article violates our editorial policy then you can vote it out in the poll that you can see at the right side of this page.

Feedback to this article can be sent to isabel_sebullen@yahoo.com.