Dec 03
TELEVISION: UNFORGETTABLE EXPERIENCE(S) by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Dec 3, 2010

Totoo po. Napakaraming pwedeng maging kakaibang experience sa panonood lang ng television. Lalung-lalo na nung araw na iilan pa lang ang TV. Noong una kasi ay sa buong Pilipinas madalang ang TV. Tapos ay dumami na ng dumami ang TV sa Metro Manila.

At sumunod naman ang mga maunlad na bayan na tulad ng parte ng Pampanga na nasa tabi ng Clark Airbase at sa bandang Olongapo na nasa tabi naman ng Subic Naval Base. Bakit ang dalawang lugar na ito? Iyon ay dahil ang dalawang lugar na nabanggit ay nasa tabi ng mga base (military camp) ng mga Amerikanong sundalo noong araw. At siyempre naman, sila ang mga may access sa mga “modernong” appliance noon na tulad ng television.

Tandang-tanda pa ni GTM. Pag nagbabakasyon sila noon sa summer, sure na sure siyang halos lahat ng bahay sa lugar ng Clark Airbase, Pampanga ay may TV. Bakit? Dahil sa mga TV antenna na makikita sa bubong ng mga bahay.

Ginamit ang TV Pang “Blackmail”.

Ang mga pinsan ni GTM sa Barrio Matalava, Lingayen, Pangasinan ang isa sa mga unang nagkaroon ng TV sa kanilang lugar. (Matalava dahil talagang maraming talaba sa lugar na iyon.). Kaya tuwing gabi, tulad ng dapat asahan, isang tambak ang tao sa bahay. May mga nasa loob (mga close na kamag-anak) at ang iba naman ay nasa bintana.

Isang araw, napansin ni Uncle Alex na may sumira sa plastic screen ng kanilang bintana. Para ito sa mga lamok at langaw. Pero dahil may pumunit, naging bale wala na ang may butas na plastic screen. Ang tanong ngayon: Sino kaya ang sumira sa plastic screen ng bintana?

Ito na ang unang kakaibang experience. Hindi ito nasaksihan ni GTM pero narinig niya ang story. Ganito raw ang ginawa ni Uncle Alex. Lumapit daw muna siya sa ilang “mababait” na kabataan. Mababait, meaning hindi sila ang mga suspect niya.

Uncle Alex: Mga bata, alam ba ninyo kung sino ang sumira ng plastic screen sa bintana?

Wala daw munang sumagot.

Si Uncle Alex uli: Pag hindi ninyo sinabi sa akin kung sino, hindi ko na kayo papayagang manood ng TV. Huwag kayong mag-alala. Hindi ko sasabihin na kayo ang nagsabi sa akin.At dahil sa narinig nila na hindi na sila papayagang manood sa TV nila Uncle Alex kung hindi sila magsasabi ng totoo, lahat daw ng mga bata ay “kumanta” at sinabi kung sino ang salarin.

Grabe talaga ang importance ng TV noong araw. Handang isumbong ng mga bata ang kapwa bata kung ang kapalit ay privilege para manood ng TV.

Likas namang mabait itong si Uncle Alex. Simple lang ang kanyang ginawa. Kinausap lang ng pasimple ang mga magulang ng bata para masabihan ang bata. At para na rin hindi mapahiya ang family sa barrio. Save face kung baga. Very important. Hindi rin niya sila pinagbayad. Siya na lang ang gumastos ng para sa bagong plastic screen na pang harang sa lamok at langaw.

Ang tanong: May sumira pa kaya uli ng screen nila? Siyempre wala na. Mahirap yatang hindi makapanood ng TV.

Ganyan ka important ang television noon araw.

Na Wild Wild West sila GTM.

Wild Wild West. Ito ang isa sa mga favorite na TV series ni GTM. Ayon sa google.

The Wild Wild West is an American television series that ran on CBS for four seasons (104 episodes) from September 17, 1965 to April 4, 1969. Wild Wild West told the story of two Secret Service agents: James West, the charming gunslinger (played by Robert Conrad), and Artemus Gordon (played by Ross Martin), the brilliant gadgeteer and master of disguise. Their unending mission was to protect President Ulysses S. Grant and the United States from all manner of dangerous threats.”

Kung hindi kami nagkakamali, ang TV series na ito ay tuwing Friday at talaga namang gandang-ganda si GTM sa palabas na ito. Detective story yata.

One Friday morning, nakita ng batang si GTM na patay ang itim na aso ng isa nilang kapitbahay. Pero ok lang naman. Mukhang hindi malaking issue at ni hindi nga ito pinapansin ng mga dumadaan.

Kaya pag dating ng gabi, wala na sa isip ni GTM ang tungkol sa patay na aso. “Malapit na ang Wild Wild West”, ito na ang nasa isip ni GTM. Pumunta na siya sa kapitbahay para makipanood. Nasa kalagitnaan na yata ang palabas na Wild Wild West ng biglang magkaroon ng gulo sa katabing bahay. Dinig na dinig namin ang sari-saring bagay na ibinabalibag at kung ano-ano pa.

At dahil sa proximity ng kaguluhan hindi makauwi sila GTM at ang iba pang mga nakikinood. Nakulong sila GTM sa loob ng bahay dahil isinara ng may ari ng television ang pinto para makaiwas sa gulo na nangyayari sa kapibahay.

Ayon sa kwento, namatay pala sa saksak ang aso at ang suspect ng may-ari na gumawa noon ay ang kanyang kapitbahay. Kaya pag dating ng may-ari ng aso galing sa trabaho, nilusob niya ang bahay ng kapitbahay.

Grabe ang labanan! Talagang hampasan at pukpukan at suntukan. Pero walang patalim o itak o iba pang bagay na tulad ng baril. Walang tigil at wala namang gustong umawat dahil nasa loob mismo ng bahay ang labanan. Natigil lang ito ng dumating ang mga MP (Military Police) na galing sa loob ng Kampo Crame.

At doon lang nakalabas sila GTM sa bahay ng kapitbahay nila na mayroong TV. Kaya naman pag dating ni GTM at ng kanyang mga kapatid sa bahay, “Na Wild Wild West” daw sila GTM sabi ni Lolo Pablo.

Dahil Lang Sa Batman And Robin.

Naranasan na ba ninyong mag take ng risk para sa isang television show? Meaning, pag nalaman ng parents ninyo na nanonood kayo ng TV ay pwede kayong mapagalitan. Naranasan ito ni GTM noong araw.

Mayroon kasing English movie noon sa TV every Sunday. Million Dollar Movies yata iyon. At weekly ay iba-iba ang movie nila na puro maganda. Pero may problem. Ang Million Dollar Movies kasi ay 10:00PM to 12:00 midnight yata. Noong late 1960’s at early 1970’s ang ganoong oras ay oras na humihilik na ang katamihan ng tao. Pero noong ipinakitang Batman at Robin (animated) ang ipapalabas, nagplano si GTM.

Bumangon siya ng alas diyes ng gabi at binuksan ang TV. Nahuli si GTM ng nanay niyang si Nanang Lea. Ok naman. Hindi siya pinagalitan. Si GTM pa nga ang mismong sumuko at nagpatay ng TV dahil sa sobrang antok.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/