Jan 12
EXPLOSIVE – MMFF by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Jan 12, 2005

By Tess Clarin

Kilig na kilig si Dennis Trillo sa mga papuri sa performance niya sa Aishite Imasu. Aba, hindi joke ang gumanap ka ng bading kung hindi ka totoong bading. Oy, hindi ako nagpaparinig sa Happy Together, ha? But ironically, pagdating sa box office ranking ay nangungulelat ang Aishite Imasu. Wha’ happen ba? Naglaho na ba ang magic ni Juday?

—————————

Maganda ang binitawang speech ni Mother Lily during the awards ng MMFF. Oo nga naman, lagi na lang nating inaakala na marami siyang pera. Totoo naman siguro na nalugi ang ilan niyang ventures pero sige pa rin siya for the sake of the movie industry. And that applies to other producers din. But to quote Deo Macalma of DZRH, “Si Mother Lily, malulugi?”

—————————

Very gratified ang dating ni Cesar Montano habang tinatanggap ang Best Director trophy. Halos makiusap siya na sana ay panoorin ng tao ang Panaghoy Sa Suba. Inamin din niya na kulang daw sa promotion ang pelikula nila. According to my research, 200 percent ang allocated expenses for the promotion vis-à-vis the production cost. Ibig sabihin, kapag gumasta ang producer ng 10 million sa production ay dapat na 20 million ang gastusin sa promotion. Huh, media ang yayaman niyan, di ba?

—————————

As expected, si Enteng ang tumabo sa takilya sa kabila ng pagkawala ng promo billboard nila sa EDSA. Kung tutuusin ay negative pa ang dating ng balitang pagpapakasal ng leading lady na si Kristine Hermosa kay Diether Ocampo. Masuwerte lang siguro ang M-Zet production ni Bosing Vic. Pero sa tingin namin, Vic is following the footsteps of FPJ when it comes to business. To quote Pablo S. Gomez, “May good business sense si FPJ pagdating sa pelikula, alam niya kung ano ang gusto ng tao.” O, yun lang yun!

—————————

Still in MMFF, eto ang lampoon mula sa isang anonymous email:

KABISADO na ni ENTENG ang audience ng MMFF kaya siya ang top grosser. Napanis ang ACEITE IMASU kaya nag-crack ang PLASTIKMAN. Hindi umubra ang SINGAW ng SPARERIB OF THE GLASS at hindi pinakinggan ang PANAGHOY NG KUBA. Buti pa ang PUPPY TOGETHER kahit paano ay nakapitas sa MONEY PO TREE.

—————————

Maraming naka-witness sa dinner date ni Kris Aquino at Jomari Yllana. Hindi naman daw nag-deny si Kris, reasoning na ninang siya ng anak ni Jomari at friendly date lang daw. Huh, baka umandar na naman ang pagka-Tetay ni Kris. Yung career, yung career mo, ha?

—————————

Speaking of Jomari, inaamin na ngayon na nalugi ang Minsan Pa despite the publicity ng paghihiwalay nila ni Ara Mina. Walang sisihan. Walang balikan?

—————————-

May namuo raw sa set ng Panaghoy Sa Suba pero madiin ang tanggi ni Juliana Palermo. May claim pa si Juliana na sinita siya ni Sunshine Cruz dahil sa selos. “Bold star ka lang,” sabi raw ng text ni Sunshine. Sagot ni Juliana, “Kung bold star ako eh ano siya?” Hmm, awatin agad yan at baka magsabunutan at magkahubaran, huh!

—————————-

At long last, puwede na raw magpakasal si Zsa Zsa Padilla at Dolphy. Ilang reporters ang nag-interview kay Karylle. As usual, pilit na nilalagyan ng intriga. Alangan namang kumontra pa si Karylle eh matagal nang hiwalay ang pay-rents niya, di ba? Sana tinanong na lang nila si Karylle kung totoong dito sa Pinas nag-celebrate ng Pasko si Antoinette. Huh, out of context yata!

—————————-

Soon to come on TV is Engkantada with Sunshine Dizon, Karylle and Iza Calzado among the lead stars. Huhulaan pa ba natin na sa GMA-7 ito? Ayokong manghula, baka ma-engkanto ako.

—————————–

Eh, upcoming din ang Darna, di ba? Hindi pa confirmed sa public pero confirmed na sa loob ng GMA-7 na si Angel Locsin ang lilipad sa ere ngayong 2005. Natapos na yata ang siglo ng drama at mukhang puro fantasy naman ang makikita sa primetime TV. Bakit kaya walang true-blue action series sa TV? Gugulpihin ka ng fantasy pagdating sa gastos sa set samantalang ang action ay artista lang ang babayaran. At bulong ng editor namin, para mas tipid daw ang action ay gawing totohanan ang saksakan at barilan!

——————————

UNO, yan ang titulo ng upcoming movie ni Ronnie Ricketts at Monsour Del Rosario. Very refreshing ang Uno dahil ito ang unang local action film sa 2005. Kaya kung nagsawa na kayo sa iyakan at mga magic-an, try naman natin ang karatehan at suntukan. Aray, teka, wag ako!

——————————

Isa pang pelikulang darating ngayong taon ay ang Let The Love Begin. Pinangungunahan ni Richard Gutierrez at Angel Locsin, kasama rin ang Starstruck winners na si Mark Herras at Jennylyn Mercado. Ito ang pagsabak ng matagal ding namahingang GMA Films. Kikita kaya? Sana!

——————————
Tess Clarin is an alumna of Mindanao State University. Her articles are dedicated to her kababayans in Aloran, Misamis Occidental.