Oct 15
BANTATAY SA TV by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Oct 15, 2010

Para sa mga dog lovers at mga bata, ang Bantatay ay isang palabas sa GMA-7. Sa 6:00 pm airing pag weekdays ay tiyak na maraming bata ang makakapanood.

Fantasy ang Bantatay at maganda ang plot na lilipatan ng kaluluwa ng tao ang alaga nilang aso. From what the title implies, magiging protector ng tatlong orphan ang aso nila na continuation pala ng buhay ng kanilang tatay.

bantatay-pic-bantatay.jpg
Charlie as Bantay

Starring Raymart Santiago in the title role as Bantatay, siya si Bernard noong nabubuhay pa siya. Asawa siya ni Marcela, played by Gelli De Belen. Isang veterinarian si Bernard habang si Marcela ay housewife na taga-asikaso sa kanilang tatlong anak.

Ang mga anak ni Bernard at Marcela ay sina Krystal Reyes as Emily, Renz Valerio sa papel na Junix at Sweet Ramos bilang Farrah. Kahit maganda at mukhang mayaman ang bahay ay ipinakikita ang simpleng pamumuhay ng pamilya ni Bernard.

Ang kontrabida ay ang mga estranged relatives ni Bernard played by Camille Prats, Eva Darren at Kier Legaspi. Ang ugat ng kanilang pag-aaway ay ang bahay ni Bernard na inaakala ni Eva Darren na sa kanya dapat imbes na napunta sa kapatid niyang ama ni Bernard.

Sa pagkakapulot ni Bernard sa nawawalang aso ni Jennica Garcia ay hindi inakalang mabubuhay ang aso. Masaya at close-knit ang family ni Bernard kaya palagay agad ang aso lalo na sa mga anak nina Bernard at Marcela.

At dahil kailangan ng conflict kaya sunod-sunod na nagdatingan ang mga problema. Walang kaabog-abog ay nakidnap si Marcela. Kasunod noon ay napatay naman si Bernard ng mga akyat-bahay.

Dahil ulila na ang mga bata kaya inangkin na ng mga kontrabida ang naiwang bahay ni Bernard. Sa pagkamkam ng bahay at pag-okupa sa mga kuwarto ng mga kontrabida ay ginawang busabos ang mga bata. Lahat ng kuwarto ay kinuha ng mga kontrabida kaya ang mga bata ay sa living room natutulog.

bantatay-pic-dog-and-kids.jpg
Bantatay with Krystal Reyes, Renz Valerio and Sweet Ramos

Nagawa pa ng mga kontrabida na alilain ang mga anak nina Bernard at Marcela. Bukod sa ginugutom at pinapalo ay ikinukulong pa nila sa kulungan na kasama ang aso. Natanong tuloy ng isang viewer, “may ganun bang kasamang mga tao?” We are talking of five evil people na relatives ng mga bata.

Dahil nakikita ng kaluluwa ni Bernard ang masakit na nangyayari sa mga anak ay nagdasal siya at nagpilit na makabalik. Napagbigyan naman si Bernard pero sa katawan ni Bantay ang napasukan ng kanyang kaluluwa.

Ayon sa survey ng aming mga friends na nanonood ng Bantatay ay disappointing ang pagkakasulat ng script dahil hindi nabibigyan ng justice ang presence ng aso. Lalo na sa mga pet lovers, obvious na walang alam sa aso ang mga writers ng Bantatay.

bantatay-pic-kids-and-fans.jpg
The Bantatay kids posing with their fans

Ilang dramatic na tagpo ng pamilya ang hindi kasali ang aso. Considering na title role ang aso kaya siya ang talagang bida, di ba? Hindi rin maipadama sa viewers ang close relationship ng aso sa tao lalo na sa mga bata dahil mechanical ang flow ng story.

Example na magandang eksena. Noong first morning na wala ang ina ng tahanan ay ang ama ang nagluto ng hotcake. Lahat ay isa-isang binigyan ni Bernard. Napakaganda noong kung pati ang aso ay may hotcake din.

Another example na eksena ay nang umuwi si Junix at Farrah galing sa school. Nakipag-away sila at ang ate nilang si Emily ang nag-console sa kanila. Nasaan ang aso? Napakaganda sana kung dito naipakita ang closeness ng aso sa mga bata.

Ang isa pang nakaka-turn off ay ang extremes na namamayani sa script. Sobrang bait ni Bernard at kahit siya ay si Bantatay na ay hindi pa niya makuhang kagatin ang mga kontrabida samantalang sobrang sama naman ng mga kontrabida.

Imbes na magandang aral ang ibahagi ng Bantatay ay nabibigyan ng accent ang mga kasalbahihan na puwedeng gawin ng tao sa kapuwa niya. Lalo pa nga at kamag-anak ng bida ang kontrabida. Ilang bata ang huminto sa panonood ng Bantatay dahil hindi raw nila malunok ang cruelty na ginagawa sa mga bata.

Nakakaiyak ba ang mga eksenang inaapi ang mga bata? Siguro ay yun ang akala ng writers ng Bantatay. Pero ang opinion ng mga viewers ay nakakainis dahil obvious na pinahihirapan ng writer ang mga bata para maawa ang mga viewers. In other words, the situation therein is not warranted at all.

bantatay-pic-trainer.jpg
Charlie and Dennis Javier, the trainer

Ang pagkakasulat ng Bantatay ay para sa mga bata. May kasabihan na suspension of disbelief pero hindi suspension ng logic. Lahat ng mga pangyayari ay dapat na may valid reason katulad ng pagkakakidnap kay Marcela at bakit walang ibang tumulong sa mga bata nang sila ay maulila?

Nang patigilin sa pag-aaral ang mga bata dahil gustong gawing full time alipin ng mga kontrabida, parang mahirap itong mangyari. Nasaan na ang mga friends ng mga bata, ang kanilang mga classmates at teachers? How about their neighbors?

Nakakailang linggo pa lang ang Bantatay at marami pang characters ang papasok. Hopefully ay magbabago ang takbo ng mga pangyayari para maging entertaining ang kuwento lalo na yung mga eksena ng aso at mga bata.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/