Oct 08
ISANG SIMPLENG TANONG by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Oct 8, 2010

“Bakit mo nagustuhan ang Gangster Love?

Isa itong simpleng tanong mula sa isang bata na nasa grade 2 pa lamang, habang kami ay kumakain ng hapunan. Simple lang talaga. Pero when we think about it, may punto siya. Very important ang pagpili ng panonoorin na show sa television. Dahil habang nanonood ang isang tao, ginagamit niya ang gintong oras na pwede sanang gamitin sa ibang bagay. Meaning, dapat the television show that you are watching must be worth it. Kasali pa dito ang gastos sa electricity and the likes.

Gangster Love is a foreign telenobela dubbed in Tagalog that was shown on Channel 5. Talaga namang it caught our attention. Magaling ang mga gumanap na artista kahit hindi namin sila kilala at ang kwento ay nagustuhan namin. Fast paced, very unpredictable, pero realistic at walang anting-anting o extra powers na involved. Pag binugbog ang bida o kontrabida, bugbog talaga. At pag binalak o pinag-planuhan na saktan ang isang tao, bida man o hindi bida, lagot rin. Pati ang tinatawag na “hook” sa bawat dulo ng daily episode, talagang makakawit ka para abangan mo ang susunod na kabanata. At dahil sa mga reasons na ito, ang Gangster Love ay sinubaybayan namin, up to the end, habang kami ay kumakain tuwing pananghalian.

Baby Joy’s well timed question was a relief because we were presently thinking of a new article that we will submit for F.A.P. (Film Academy of the Philippines) website for their perusal.

Initially, what we had in mind was titled, Lucky Charms Sa Movie Industry. Nag-umpisa na nga kaming mag research. On top of the list is about Mother Lily Monteverde’s “magic kamison” which was used for luck by actresses, Gina Alajar sa Diborsyada, Cherie Gil sa Problem Child, Rio Locsin sa Disgrasyada, Kristine Garcia sa Exploitation at Dina Bonnevie sa Katorse.

Si Miss Mylene Dizon naman considers her son Tomas her lucky charm for winning her first Urian award.

At ayon naman kay Miss Eugene Domingo, “Kimi Dora is my lucky charm”. Iyon yata ang title ng kanyang launching movie.

Umabot na rin kami hanggang sa “magic panties” of Miss Ai-ai Delas Alas. Ayon sa kanya, walong movies na raw ang ginawa nila ni Director Wenn Deramas at walong beses rin siyang may tinatawag na “panty scene”. May nagtanong tuloy kung isang panty lang ito na tulad ng “magic kamison” ni Mother Lily. Iba-iba naman daw, ayon kay Ai-ai. Basta panty na parang “tangga” at litaw ang legs niya. Ano ba yung “tangga” panty? Ayon sa Google.

Tangga Panty: A moderate to minimal coverage European panty silhouette with back coverage that is more than a thong but narrower than a bikini. Tanggas are a comfortable way to transition from a bikini to a thong.

Thong Panty: A popular panty silhouette with a triangle shaped front panel, thin side panels and minimal coverage in back for a no-show look under clothes.

Exciting na rin sana ang topic na ito pero nagdalawang isip kami dahil mukhang hindi siya bago. Parang hindi siya original. At may feeling na kinopya lamang.

Dahil dito, mas nagustuhan na lang namin na sagutin (at isulat) ang simpleng tanong ni Baby Joy at idinamay na rin namin ang personal na criteria ni Mam Vangie.

GTM: Magaling ang mga artista. Maganda ang kwento. Teka lang…maganda yang tanong mo ah. (Sabay kuha sa cellphone para mailagay sa memory ang ilang keywords na magpapa-alala sa amin about this topic.)

GTM: Ikaw naman Mam Vangie, ano ang nagu-gustuhan mo sa mga pinipili mong panoorin?”

Mam Vangie: Siyempre yung mga palabas na may natututunan (educational) at saka nakukuha nila ang aking atensiyon. (Wow heavy.)

For GTM naman, siyempre bukod sa magaling ang mga artista at maganda ang kwento, gusto rin niya na panoorin ang isang palabas na marami rin ang nanonood. That is why the news about the so called “ratings” is very important. Ayaw yata nating mahuli sa mga bali-balita. Lalong-lalo naman kung ito ay isang movie, na panonoorin sa sinehan o isang concert o stage play na live. Can you imagine kung ang venue ay good for 50 to 100 na katao, tapos lima lang kayong nanonood?

At sa point na ito ay naalala uli namin si Lolo Pablo. Ito ang kanyang sinabi noon, “Tignan mo ang mga artista noon, napaka-importante na maayos ang boses. Dapat maganda sa pandinig ang boses ng mga artista!”. Hmn. Mukhang maganda ang information na ito ni Lolo Pablo para sa pagpili ng mga bagong artista. Pero it disqualifies Mam Vangie dahil sa kanyang boses na medyo ala Timi Yuro. Joke lang po. http://www.youtube.com/watch?v=BPy-Memj0vE

Pero may iba pa ring factor na kasali sa pag-consider kung ano ang palabas na panonoorin sa television. Isang “X” factor. Ito ay ang tinatawag nilang “pecking order”. Ano ba iyon? Mula sa Google: peck•ing order (p k ng) n.
1. A hierarchy among a group, as of people, classes, or nations: “The astronauts had developed a pecking order that was military in its rigidity” (Tom Wolfe).
2. The social hierarchy in a flock of domestic fowl in which each bird pecks subordinate birds and submits to being pecked by dominant birds.

Example: Si GTM ay mahilig sa mga English na weekly series na tulad ng White Collar, NCIS, at iba pa na nasa channel 9. Si GTM rin naman ang padre de familia, meaning siya ang “boss” sa family, pero bakit kung nasa bahay na si Mam Vangie at bubuksan na ang television sa gabi, nakatutok kaming lahat sa channel 2 at nanonood ng Noah, Agua Bendita at Magkaribal. Bakit?

Iyon ay dahil nga sa “pecking order” sa Santos family, na kung saan si Mam Vangie ang nasa una, pangalawa lang si GTM at kulelat si Baby Joy. Eto naman po eh tungkol lang sa kung ano ang panonoorin sa television at hindi naman sa lahat ng bagay.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/