Oct 01
MEDIA HYPE ON COUPLES by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Oct 1, 2010

Spin doctor ang tawag sa mga taga-isip ng gimmick para sa products, services o kahit sa entertainment personalities. At kapag pinag-usapan ang concocted issue ay masasabing successful ang media hype ng spin doctor.

Hindi monopoly ng mga advertising agencies ang media hype. Kung tutuusin ay mas kailangan ng showbiz ang media hype dahil ang produkto ng showbiz ay hindi staple product na gaya ng pagkain. Bebenta lamang ang produkto ng showbiz kung may interes ang mga tao. Kaya natural na media hype ang kanilang sulingan.

Currently, ang pinakamainit na issue ay ang kasal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Sabi kasi ng mga romatic, it is a love affair worth our attention, kaya kahit ilang buwan na ang lumipas mula nang mabalitang may relasyon sila ay eto pa rin sila sa headline.

Ang biglaang pagbabakasyon ni Mariel mula sa show na Win Na Win ay nagdulot na ng pagtatanong sa mga tao, considering na bago pa lamang ang show. Lalo pa kung iisipin na nasa abroad si Robin. At yun nga ang naging suspetsa ng mga tao.

Lalong uminit ang issue nang masabat ng media sina Robin at Mariel sa airport, pag-uwi nila mula sa India. May usap din na baka nagpakasal na sila doon. In this regard, walang pag-amin at wala ring denial. Kaya ang mga tao ay lalong naging curious.

Kasunod nito ay ang paglitaw ng video clips at ang interview sa isang tribe elder na nagsasabing ikinasal sina Robin at Mariel sa Ibaloi rites. Kasunod naman nito ay ang declaration ng isa pang Ibaloi elder na not valid daw ang nasabing ritual.

Finally, lumitaw na rin ang mga detalye na ikinasal nga sa India sina Robin at Mariel. Mismong sa loob ng Taj Mahal sila ikinasal in Muslim rites. Bukod sa Imam ay isang photographer lang ang nakasaksi ng nasabing kasalan. Take note, ang Taj Mahal ay libingan ng prinsesang si Muntaz Mahal.

Nagkuwento na rin si Mariel on what transpired during those times na wala silang confirmation or denial. Simply put, mahusay ang kanilang strategy that attracted substantial attention. It cannot be denied na tumaas ang talent fee nina Robin at Mariel because of that.

Another star worth looking at is Marian Rivera, pero not with Dingdong Dantes but with Bela Padilla. Incidentally, si Bela ay pamangkin ni Robin. Nagsumbong si Bela sa media na ikinulong daw siya ni Marian sa deserted comfort room nang mag-taping sila sa Clark. And once inside, Marian bullied Bela.

Si Eva CariƱo na lola ni Bela ay nagpa-interview para humingi ng public apology from Marian otherwise ay mag-dedemanda sila. By the way, si Bela ay apo ni Eva sa kanyang side, that means hindi talaga Padilla si Eva.

Sa sinasabing bullying incident, hindi kumibo si Marian. Not a word of defense was heard from her. Ang boyfriend niyang si Dingdong ay nagdepensa pero wala ring admittance or denial of the incident habang walang hinto ang paingay ng kampo ni Bela pati ng manager niyang si Claire Dela Fuente, ang sikat na singer.

After the furor, eto na si Wilma Galvante, ang executive ng GMA-7. Nag-closed door meeting siya para pag-ayusin sina Marian at si Bela. Disappointed ang media dahil parang walang nangyari. Pero, wala nga ba talaga?

Kahit bahagya ay tumaas ang rating ng Endless Love dahil napag-usapan. Ang romantic na eksena daw ni Bela with Dingdong sa said soap ang ikina-irita ni Marian. At dahil sa selos kaya Marian confronted Bela inside the comfort room.

Sa kabilang bakod, may bagong soap si Shaina Magdayao sa ABS-CBN. Napakalinaw kung bakit nagkaroon ng issue ng vaginal lock. The malicious rumor pertains to the sex organs of male and female that cannot be detached after intercourse.

Sa totoo lang, napakababaw ng tsismis na yun involving Shaina and her boyfriend John Lloyd Cruz dahil imposibleng mangyari according to doctors. Pero dahil sa communication system ngayon ay kumalat nang husto. On the brighter side, napag-usapan si Shaina at ang kanyang bagong soap na Alyna.

Ang isa pang couple na nagpapalutang ng issue ay sina Kim Chiu at Gerald Anderson. May namumuong gap sa kanila at very uncomfortable daw si Kim. To add fuel, may closeness daw si Gerald kay Bea Alonzo, short of saying na nanliligaw si Gerald kay Bea.

After ng kanilang pananahimik ay nagpa-interview na rin sina Gerald at Kim. Of course, may connection ang intrigang yun sa padating nilang tv show. Bukod pa sa nakadagdag pansin sa Magkaribal ni Bea, ang soap sa ABS-CBN with Gretchen Barretto.

Ang pagkaka-aresto kay Congressman Ronald Singson sa Hongkong ay walang halong showbiz dahil hindi biro ang drug case. Nagkataon naman na may closeness sila ni Lovi Poe. Katunayan, dinalaw ni Lovi si Congressman Singson sa Hongkong during the trial.

Definitely, kahit sabihing negative ang issue ay malaki ang naitulong kay Lovi in terms of media mileage. Recently ay naglabas si Lovi ng sexy billboard at meron siyang write up sa mga magazines. To make the issue hotter, no denial or confirmation si Lovi sa purported relation nila ni Congressman Singson.

A cheap issue ay yung budding romance nina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff. Una, si Solenn ay best friend ni Georgina Wilson, ex girlfriend ni Richard. Pangalawa, host ng Survivor Celebrity Edition si Richard samantalang si Solenn ay participant. Kahit saan tingnan, malinaw na promotional item lang ito.

May kasabihan, it takes two to tango. Sa mga media hype ay ganyan din. It takes a good spin doctor to create an issue tapos kailangan mag-cooperate ang media. And with the present technology, napakadaling magpakalat ng issue.

With the internet, may twitter account na nga raw si Annabelle Rama so people would know her opinion and official declarations regarding her talents. Si Annabelle ay talent manager ni JC De Vera, atbp bukod sa kanyang mga anak.

Lately, isang showbiz personality na naman ang may twitter account. Walang iba kundi si Madam Auring. Showbiz na talaga ang internet sa ngayon.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/