Sep 24
OBSOLETE AND QUESTIONABLE SCENES by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Sep 24, 2010

While watching a movie one day, my friend remarked, “May ganyan pa ba?” She was referring to the scene showing a funeral where majority of the people were wearing black. White na raw kasi ang color ng pagluluksa ngayon.

That incident made me think. Dahil sa paglakad ng panahon ay maraming mga eksena, whether in movies or television, ang hindi na applicable. Sa technology na lang ay malaki na ang ipinagbago ng buhay kaya dapat ay nagbabago na rin ang standards ng movies.

May nagde-date pa ba sa sinehan? Malling na kasi ang uso ngayon kaya ang majority ng mga nagliligawan ay sa mall na lang nagpupunta. Saka wala na yatang loge ngayon na paboritong puwestuhan ng mga love birds.

Ang landline phone ay halos pawala na sa eksena unless ang particular scene ay isang flashback. Hindi na logical ngayon kung ang kidnapper ay tatawag sa landline para humingi ng ransom.

Hindi na rin logical yung kontrabida na puputulin ang kable ng phone bago pasukin ang bahay na hoholdapin. At wala na rin ang panloloko o pana-nakot sa landline dahil meron na ngayong caller ID.

Sa mga kotse naman ay halos air-conditioned na lahat at karamihan ay may mga alarm. Although sa totoong buhay ay nangyayari pa rin ang carnapping sa car park at holdup sa kalye, dapat pag-isipan ang mga ganitong eksena.

Ang PNP (Philippine National Police) ay nakiusap sa movie industry na tulungan silang baguhin ang image ng mga pulis. Kaya hindi na nila gustong makakita ng character sa movie ng pulis na malaki ang tiyan.

Sa paglaganap ng cellphone ay hindi na raw dapat laging nahuhuli ang mga pulis sa krimen. The other week ay may holdapan sa SM Dasmariñas, Cavite. Agad dumating ang mga pulis dahil isa sa shoppers ay anak ng pulis na nag-text sa kanyang ama.

Ang isa pang pagbabago ng image ay ang mga Chinese. Wala na ang hitsurang Intsik-beho dahil sila na ang mayayaman ngayon. At hindi na rin applicable ang mga broken Tagalog ng mga Chinese dahil mahusay na sila sa English ngayon.

Ang pumalit sa maka-masang image ng mga Chinese ay ang mga Bumbay. Kung noon ay ginagamit na panakot sa mga bata ang Bumbay, ngayon ay panakot na ang Bumbay sa mga may utang na hindi nagbabayad.

Sa mga performances gaya ng kantahan, totoo bang may binabato ng kamatis? O kaya ay binabato ng bulok na itlog? Sa totoong buhay, saan ka naman kukuha ng bulok na itlog? Bibili ka ba ng kamatis para ipambato lamang?

Sa mga action films, baka dapat pag-aralan ng director kung talagang bubukas ang pinto kapag ito ay tinadyakan. O di kaya ay mabubuksan ang pinto sa pamamagitan ng pagsingit ng ID? O kung barilin ang lock ng pinto, ito kaya ay bubukas?

Ilang action films ba ang may eksenang tumatalon sa salamin ng bintana ng building? Hindi kaya mauuntog lang ang bida sa salamin dahil hindi naman niya kayang basagin yun? Nakita naman natin na hindi umubra ang maso sa window glass ng tourist bus.

More on the hostage-taking drama sa Luneta, ayaw maniwala ng mga pulis na nabuksan ni Alberto Lubang ang posas. Si Lubang ang bus driver na ipinosas ni Capt. Mendoza sa manibela ng tourist bus.

Lumang nailcutter daw ang ginamit ni Lubang para madistrungka ang posas. Ang sabi ni Manila Mayor Lim, “Kahit bigyan ko siya ng isandaang nailcutter baka hindi niya makalag yun!” Ibig bang sabihin na hindi kayang buksan ng nailcutter ang posas?

In fairness kay Lubang, mismong media ang nagpatunay ng pangyayari dahil inabutan pa nila ang nailcutter na nakakabit sa nakalas na posas. Ilang movies na ba ang napanood ninyo na nabuksan ang posas gamit ang hairpin?

May nagsabi pa na kung sa movies daw yang hostage-taking, siguradong sinipa na ni Lubang si Capt. Mendoza papalabas ng bus at nai-lock agad ang pinto ng bus. Pero dahil hindi yun movies kaya hindi nangyari ang medyo imposible.

Speaking of captors and captives, bakit napakaraming movies na yung batang captive ay nakakatakas matapos kagatin ang kamay ng captor? Dapat alam ng director na ang kagat ng bata ay may limitation.

Gaano katotoo naman ang mga eksenang sumasabog o nagliliyab ang gasolina? Kaya bang sindihan ng sigarilyo ang gasolinang nakakalat sa kalye? At yung gas tank ng kotse, talaga bang sasabog ito kapag tinamaan ng bala?

Gusto ko ring malaman kung talagang kayang patayin ang isang tao sa pamamagitan ng unan. Ang eksena ng suffocation by pillow ay gasgas na rin noong araw. Pero sabi ng mga doctor ay mahirap ito puwera na lang kung may sakit at mahina ang biktima.

About nature naman, may namatay na ba sa kumunoy? Totoo bang kakainin ng kumunoy ang isang taong malulubog doon? At sa kuweba, guguho ba ito kapag sumigaw ka? Magkakaroon ba ng avalanche sa loob ng kuweba dahil sa ingay?

Sa National Geographic ay pinatunayan na ang avalanche sa Alps (bundok ng yelo) ay hindi totoo. Naglagay sila ng loud speaker at nagsisigaw ng yodel. Wala namang nangyari sa mga yelo sa bundok.

Pagdating naman sa drama, pangkaraniwan na ang mahabang dialogue ng isang taong mamamatay. Malubha ang sakit kaya nga namatay pero bago malagutan ng hininga ay halos isang nobela pa ang nasabi.

Sa ngayong panahon ng hi-tech, sana ay maging high quality ang ating mga movies sa pamamagitan ng mga matatalino at mapag-isip na director.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/