Sep 24
MOVIES ARE ALSO FOR MISCELLANEOUS PURPOSES by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Sep 24, 2010

Movies are also used for selling.

Maaaring hindi na makaka-experience ng ganito ang mga kabataan today dahil sa tinatawag na advancement, pero it is very normal noon.

Isang araw, excited ang mga tao sa Brgy. Poblacion, Mangatarem, Pangasinan, lalong-lalo na ang mga kabataan. Bakit daw? Isang sasakyan kasi ang dumating sa Plaza noong hapon at ayon sa bali-balita ay magkakaroon daw ng libreng movie sa gabi.

Paalala: The time was in the 1960’s at ang isang movie na libreng mapapanood ay isang malaking issue para sa mga tao. Ni hindi nga nila tinatanong kung ano ang title. Basta ang important, ito ay libre.

Bakit naman sa gabi pa? Open air kasi ang venue. At dahil nga open air, gagamitin ang kadiliman ng gabi para mag provide ng darkness na kailangan para makita ang movie. Maglalagay na lang sila ng parang isang malaking kumot na kulay puti at doon itututok ang projector.

Wala ring mga upuan. Ok na ang lupa na may tumubong mga damo para sa mga manonood ng libreng movie. Anong oras naman ang start ng movie? Wala ring oras-oras. Basta pwede na ang kadiliman, umpisa na.

After the movie ay ilalabas naman ang product o mga products na for sale. Hindi ko alam kung me sample o wala. Inaantok na rin kasi ako noon at gusto ko ng umuwi. Pero ayon sa short trailer about the product, ito ay isang dewormer o purga.

Ano naman ang movie? Iyan ang tiyak na gustong itanong ng mga mambabasa natin. Believe it or not, pero ito ang nagbigay sa amin ng idea para sa buong article. Ang movie ay Tom Thumb. At ayon sa Youtube. Ito ay isang 1958 movie. Nasa baba ang ilang eksena. Pansinin po ninyo na napakaganda ng pagkakagawa.

http://www.youtube.com/watch?v=CGzHsDmsyy4&feature=PlayList&p=AC0E28D4C19534D5&index=0&playnext=1

http://www.youtube.com/watch?v=5xO1f0Am8YY

http://www.youtube.com/watch?v=sLwtFzmUE7c&feature=related

Movies are also used for education.

A movie report. It is just like a book report wherein you read the whole book and then you write a short summary about it. Sa movie report naman, panonoorin mo ang movie at pagkatapos ay gagawa ka ng isang written report about the movie. To be submitted to the professor ang movie report for extra grades.

Nadaanan ko yata ito sa Humanities subject sa College at kung hindi ako nagkakamali ay parang isang indie ang movie titled Sinta. Note po na kaya namin nasabing indie (pero we are not sure) dahil mga hindi kilalang artista ang gumanap.

Pasensiya na po ha. Pero wala akong nakuhang reference sa Youtube. At tinamad rin si GTM noon at imbes na manood ng Sinta sa moviehouse eh sa San Lazaro Hippodrome yata siya pumunta. Kaya wala siyang maikwento tungkol sa pelikulang Sinta kundi ito ay isang musical na malamang ay may kasamang love story.

Movies are also used for charity.

Sa loob ng Camp Crame sa may Quezon City ay mayroon ring movie house noon. Ang pangalan yata nito ay Constable Theatre. Natatandaan ko pa na noong kaming magkakapatid ay nasa elementary school pa lamang, dinala kami ng aming tatay (Lolo Pablo) sa loob ng kampo para manood ng sine.

Mayroon siyang limang tiket at ito raw ay para sa charity. Maganda ang palabas. Ito ay tungkol sa isang secret agent na ala-James Bond. Ang hindi ko makalimutang eksena ay nang lagyan ng metallic cable ang bala ng pana (bow and arrow) at pagkatapos ay padaanin sa ibabaw ng transmission lines. Ang transmission lines kasi ay mga kawad ng koryente na walang balot. Kaya pag sayad ng metallic cable na nakatali sa bala ng pana doon sa ibabaw ng transmission lines, nagkaroon muna ng putukan dahil sa short circuit. At pagkatapos ay sinundan ito ng brownout. At ayun na, pumasok na ang ating bida sa hideout ng mga kalaban.

Hindi ko na rin alam kung para saan ang charity pero I remember only now that it was the only time na nakasama ko si Lolo Pablo sa isang sinehan. Isang treasured moment pala yun.

Movies are also used for bonding.

Taong 1974 or 1975 noon. Fourth year high school na kami. At mayroon kaming subject na CAT (Citizens Army Training). Ang teacher namin sa CAT ay si Mr. Copiaco. Isa siyang retired na sundalo. Medyo mahigpit siya (pati kuko at panyo ay kasali sa inspection) pero qualified naman dahil sa kanyang tunay na experience as a soldier.

At ang school naman namin ay CGEAHS (Camp General Emilio Aguinaldo High School) na located sa loob ng Camp Aguinaldo sa may Murphy, Quezon City.

Nagkaroon noon ng isang program sa loob ng Camp Aguinaldo na si former President Ferdinand Marcos ang panauhing pandangal. Matagal ang program at matagal kaming nakatayo (in military uniform and formation) sa initan. Matagal talaga to the extent na may mga nahilo. Pero totoo pong hindi kasama si GTM sa mga nahilo.

Natapos naman ang program nang maayos, pero a few months later, isa-isa kaming ipinatawag sa office ng commandant. Akala namin ay kung ano na. Iyon pala ay bibigyan ng allowance, (galing yata sa Malacanang ang funds) ang lahat ng sumaling kadete sa parade at program. Ang perang ito naman ang ginamit naming magkaka-eskuwela para manood ng sine sa Cubao.

Bonding time. Hindi ko na matandaan ang pangalan ng movie house pero sure ako na ang pinanood namin ay Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa starring Gloria Diaz with Vic Vargas and Lito Anzures as “Eng-eng”. Hindi naman “Eng-eng” ang pangalan niya. Gumanap kasi siyang sinto-sinto at ang kanyang bukambibig habang naglalakad ay “eng-eng”.

Finally, movies are also for dates.

What do you do on a first date? Manonood ng sine at pagkatapos ay kakain ng hapunan o magme-meryenda. Kami ni Mam Vangie ay sa Quezon theatre sa may Cubao nanood.

Diamonds are Forever, a James Bond movie yata ang palabas. After the movie, nag meryenda naman kami sa Ma Mon Luk na malapit sa C.O.D. at Mecury drug doon din sa Cubao. Ano ang kinain namin? Siyempre beef mami (tig-isa kami) at isang jumbo siopao (hati naman kami dito).

Lately ay tinanong namin si Mam Vangie kung masarap ang meryendang iyon, knowing that medyo pihikan sa pagkain itong si Mam Vangie. Masarap naman daw.

Isang tanong na lang. Bakit hindi kami sa Jollibee, Mcdonald o Chowking nag meryenda? Ang sagot: Hindi pa sila uso noon. Totoo po.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/