Sep 17
BOOKS ARE ALSO ENTERTAINING by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Sep 17, 2010

After I gave her a copy of the six sets of stories that passed the ARTICLES for the F.A.P. website, Nanang Lea as we all call her, suggested that we should also write something about books. At first it did not connect, but later on we remembered that we have read a lot of books that became movies.

Ano-ano naman ang connection ng books sa movies, tv, and other areas of entertainment like music, stage, et cetera et cetera?

Umpisahan natin sa Trilogy na The Lord Of The Rings. Maganda ang pagkakasulat ng tatlong books at maganda rin naman ang pagkakagawa ng tatlong movies. The Fellowship Of The Ring, The Two Towers at Return Of The King.

From experience, mas maraming tao ang nagsasabi na mas maganda ang book dahil mas complete daw ang details at hindi ito pwede o medyo mahirap gawain sa movies. Pwede siguro noon, pero today, na parang napakabilis ng oras, parang mas maganda na rin ang movies.

Unang-una, dahil ito ay gumagalaw (mayroon pa ngang tinatawag na 3D). Tapos, may nagsasalita (may sound). And most of all, after two hours more or less, tapos mo na ang buong movie. High tech na! Iyan yata ang pinaka tamang term.

Sa kapal ng Lord Of The Ring books, baka two weeks ang kailangan para mabasa ng buo ang isang book. Leisurely reading naman ang aming tinutukoy, hindi continuous. Baka naman mapaluha ang inyong mga mata sa sakit pag sinubukan ninyong tapusin sa pagbasa ang isang book in one sitting lang.

Marami pang ibang ganito tulad ng James Bond books na Dr. No, Goldfinger, From Russia With Love, You Only Live Twice at iba pa ni Ian Fleming. Member siya ng Royal Navy with the rank of Commander at iyon rin ang ibinigay niyang rank ni James Bond sa books.

Ang Harry Potter series na sa ngayon ay hindi pa rin tapos. At ang very old naman na Little Red Riding Hood.

Ang six episodes na book ng Star Wars na surprisingly, ang unang ginawang movie ay ang episode four, titled A New Hope. Isinunod ang five, tapos ay six, bago inumpisahan ang one at nagtapos sa three. Mukhang tama naman ang naging decision dahil until this day, we personnaly feel that episode four, A New Hope, was the best of the six episodes.

Paano naman ang mga walang kamatayang Hamlet, Othello, Macbeth at Romeo and Juliet ni William Shakespeare? Iilang student sa high school kung meron man ang hindi nakabasa, nakita sa stage play o kahit sa loob lang ng classroom na play, ang kwentong Romeo and Juliet.

Ang Les Miserables ni Victor Hugo. Ilang beses nang ginawang musical, ginawa na ring movie at ang kantang I Dreamed A Dream from Les Miserables ang kinanta ng isang 47 year old contestant sa year 2009 Britain’s Got Talent, na si Susan Boyle. Hindi man siya ang naging grand champion pero umabot siya sa finals. Mukhang second place yata at ngayon ay Wild Horses na ng Rolling Stones ang isa sa kanyang kinakanta at inilagay sa isang best seller na CD.

Phantom Of The Opera by Gaston Leroux. May bago na namang Hall Of Famer ang palabas na Talentadong Pinoy at sila ay ang The Believers. Ang ibig sabihin lang nito ay mayroon silang sampung sunod-sunod na panalo at kumita sila ng hindi bababa sa P500,000.00 o kalahating milyon. And guess what, isa sa pinaka favorite namin sa sampu nilang performance ay ang Phantom Of The Opera. “Sing for me!” Iyan ang madalas naming biruan today sa bahay. Meron nga kaming kilala na tuwing nagbabakasyon sa Amerika ay tinatanong kung ano ang palabas sa Broadway. Sa New Jersey lang kasi ang kanyang brother at lately ay sinabihan na yata siya jokingly na, “Ate! Ilang beses mo na ba napanood yan?”. Walang kasawa-sawa o talagang hindi nakakasawa ang Phantom Of The Opera.

Naalala tuloy namin noong nasa grade 5 pa lang ako, binigyan ako ng libro ng aking nanay para basahin. Kasalukuyan akong nakahiga noon sa isang bed sa V. Luna Hospital na ngayon ay AFP Medical Center na ang pangalan. Sumakit kasi ang tiyan ko habang nasa school at hanggang sa naka-uwi sa bahay. Ginawa na tuloy ng aking tatay ang dapat lang na gawain. Ipinasundo ako sa isang ambulansia at dinala sa V.Luna Hospital. Doon ay kinuhanan ako ng dugo para sa laboratory tests. Siguro ay borderline ang lumabas na resulta kaya hindi agad makapag desisyon ang mga doctor kung ooperahan ako. Pero tandang-tanda ng nanay ko na ang isang doctor ay gusto na akong operahan agad kaya takot na takot siya.

Ang tanong: Bakit binigyan ako ng book ng aking nanay?
Ang sagot: Para pala ko ma-entertain.

Although sa totoo lang, sa idad na 11 to 12 years old, ano ba naman ang malay ko kung gaano kasakit ang isang operation sa tiyan. Acute appendicitis yata ang findings ng mga doctor. Anyway, in the end ay nakauwi ako na walang hiwa sa tiyan. From memory ay natatandaan na lang namin na may puno ng kaimito (star apple) sa malapit sa comfort room ng ward at marami itong bunga.

A short story on books.
Masunurin na bata itong si Mayleen at tandang-tanda niya ang sinabi ng tatay niya.

Tatay: Myleen! Pagnakakita ka ng binata na mahilig sa books, huwag mo ng pakawalaan yun. Malamang, maayos na lalaki yun.

Myleen: Opo.

Then one day, sa parking lot, isang lalaki ang nakita ni Myleen na nagbukas ng likuran ng kotse at kitang-kita niya ang isang tambak na mga libro. Sabi ni Myleen sa kanyang sarili, ito na ang binata para sa akin. At hindi nagkamali ang kanyang tatay, naging mabuting asawa ang binata na maraming libro sa likuran ng kotse.


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/