Feb 23
EXPLOSIVE – GOSSIP, SOBRA by webmaster  |  Posted in Articles  |  on Wed, Feb 23, 2005

By Tess Clarin

Sobra na yata ang nangyayari sa mga showbiz talk shows ngayon. Both warring networks have their own gimmick via text. Yung mga viewers puwedeng mag-text ng item tungkol sa mga celebrities. Yung isa naman parang contest, sagutin daw ang blind item. Teka lang, hindi ba’t yang blind item ang pinag-uugatan ng intriga? Siguro yan ang dapat banatan ng MTRCB. At pag hindi kumilos ang MTRCB, sige, sana ang MTRCB ang ma-blind item!

(Ed’s note: MTRCB had called the attention of ABS-CBN about the explicit sex video of Ethel Booba. That may mean their eyes are open to censorship of sex and violence but cannot say the same for vulgar gossips and intrigues.)

——————————

Sayang ang Wrinkles, an international movie that is supposed to include local performers like Eddie Garcia, Rosa Rosal and Gina Pareño . Assistant director naman sana ang papel ni Eric Quizon. Supposedly, kasali sa movie si Lou Diamond Philips pero umatras na raw dahil sa scheduling na laging umaatras. Last talked to Gina Pareño in November, ikinuwento niya kung paano siyang pumasa sa audition. Ang dialogue ng kausap niya ay “Show me your teeth.” Ang ginawa ni Gina ay itinaas ang pantaas, yes, ang kanyang blouse without the benefit of a bra. Ayun, wrong spelling man ang teeth ay agad nakalusot si Gina. But sad to say, hindi na nga yata matutuloy ang Wrinkled tits, este ang Wrinkles!

——————————

May na-receive kaming balita na ayon sa contract sa ABS-CBN ni Toni Gonzaga ay hindi siya puwedeng magkaroon ng boyfriend. That arrangement also applies to Kris Aquino. Hindi ba’t ang love affair ni Kris ang naka-hit ng highest rating sa TV? Remember the Joey-Kris brouhaha? Dapat alisin nila ang clause na yun dahil baka yung love affair ng mga yan ang bumuhat sa ratings ng network nila.

——————————

Katatapos lang ng kasal ni G. Toengi at Tim Walters sa Boracay last weekend. As expected, dumagsa ang mga celebrities sa Boracay kung saan idinaos ang wedding. Ang mga ninang ay si Angeli Valenciano at Gina Martinez, ninong naman si Peque Gallaga. Sorry, wala pa kaming details, baka sa susunod na issue na lang. Hindi kasi kami nakaabot sa kasal dahil na-flat ang gulong ng aming speed boat.

——————————

Maganda ang kinita ng Let The Love Begin. Kahit hindi pa tapos ang showing ay nag-gross na ito ng 68 million pesos. It’s a formula movie that a lot of people thought wouldn’t work. But it did, di ba? Malakas pa rin talaga ang hatak ng mga artista kaysa sa story. Sa opinion ng Explosive, si Jennylyn Herras at Mark Mercado ang malaking factor kaya naging successful ang movie. Naku, sorry, baligtad yata ang mga pangalan!

——————————

Sa recent article ng Trivia ay binanggit na ayaw payagang mag-artista ni Rudy Fernandez at Lorna Tolentino ang kanilang anak. Napabulaan agad ito dahil papasok na sa TV soap si Rap-rap, eldest son ni Rudy at Lorna. Gayun din si Jowee, anak naman ni Joey Marquez kay Brenda Del Rio. And Jeremy, another son of Joey is already on TV. In the tradition of the soap commercial… anak, puro anak!

——————————

According to our very unreliable source, may namumuong something between Keempee De Leon and Francine Prieto. Pero sa palagay namin ay ripples lang ito ng kanilang TV show na Bahay Mo Ba ‘To? But on second thought, baka nga. Kasi, sa pag-ibig height doesn’t matter, di ba? But length is another matter… length of relationship, ha?

——————————

Nabasa nyo ba ang item about Jopay ng Sexbomb Dancers? Nagpa-interview siya sa ABS-CBN para sa kanyang heartaches against their manager, Joy Cancio. Ibinuhos ni Jopay in the said interview ang kanyang emotions na may kasamang luha at sipon. Gusto na raw niyang umalis for financial reasons. Ang problem niya ay sa July pa matatapos ang contract niya. With the bait, it was expected of ABS-CBN to bite. According to our very unreliable source, kinuryente lang ng GMA-7 ang ABS-CBN. In other words, hoax lang ang heartaches. And if this is true, my goodness, the network war is getting to be nastier and nastier.

——————————

It’s now official, si Coco Martin daw ang kasosyo ni Katherine Luna sa ipinagbubuntis niya. Tila 6 months na ang tiyan ni Katherine. Pero disappointed si Katherine dahil denial king ang drama ni Coco. Talagang ganyan ang aspiring, deny muna saka na lang aamin pag bida na.

——————————-

Tess Clarin hails from Aloran, Misamis Occidental. Feedback to this article can be sent to tessclarin@yahoo.com.