Sep 09
SHORT MOVIE FOR THE WEB by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Thu, Sep 9, 2010

Gaya ng ilang matatanda sa lugar namin, ako rin ay namamangha sa technology. Mula sa cellphone, camera, computer at internet, napag-iiwanan na talaga ang ilang tao dahil sa bilis ng pagbabago tungo sa kaunlaran ng technology.

Pagdating sa movies, unti-unting nauungusan ng mga digital movies ang pelikulang gawa sa film kahit sabihing ang audience share ng digital movies ay napakaliit. Malaki kasi ang katipiran sa digital lalo na kung number of takes ang pag-uusapan.

It is a matter of time na lang at tuluyan nang maghahari ang digital movies sa buong mundo. Kung sa ngayon ay nabibilang ang mga sinehan na may digital projector, sigurado namang dadami yan pagdating ng araw. Can you imagine the profit of the producer kung ang budget ay konti lang at ang gross ay malaki?

At ang digital movies ay compatible sa internet. That means puwede itong ikarga (upload) sa website upang ma-access o mapanood ng mga internet users. At madali lang ang storage nito dahil kasyang-kasya sa isang CD o DVD.

For the benefit of the non-techno people, ang internet ay maihahambing sa cable TV na hindi mabilang ang channels na kung tawagin ay website. Ang mga website na ito ay hindi basta pinapanooran lamang dahil may mga website na puwede ka ring mag-input. That’s what you call an interactive website.

Sa pagsulpot ng mga affordable but advanced camera ay naging madali na ang paggawa ng video. Simple ang operation ng video camera at walang conversion o developing na gaya sa film. Ang digital footage ay direktang naikakarga sa computer.

Nagkalat na rin ang mga video editing softwares. Kahit mga baguhan ay kayang mag-edit ng video dahil simple lang ang mga commands nito. Meron din itong facility para sa special effects kasama na rin ang paggawa ng titles o sub-titles.

Sa pagsilang ng youtube at iba pang video repository websites ay click ang amateur video. Ang audience ng youtube ay buong mundo. Kahit sinong may internet connection ay makakapanood sa youtube unless blocked ito gaya sa mga government offices.

Noong umpisa ay mga personal documentary lang ang videos sa youtube gaya ng mga occasions o travel. But later on ay lumitaw ang creative side ng mga tao. Mula sa simple comedy skits ay lumawig sa MTV (music TV Video) at may gumawa na rin ng serial o katulad ng tv soap.

Lately ay short movies naman ang nauuso. Take note na ang youtube ay limited sa 10 minutes running time ng video. Based on the success of the youtube serials, ang mga web short movies ay nagdadala rin ng mga commercials. Pero sa ibang pamamaraan lamang o yung tinatawag na indirect advertising.

Isang magandang example si Illeana Douglas, apo ng actor na si Melvyn Douglas. Si Illeana ay isa ring artista with supporting roles in countless movies. Ang isang notable movie niya ay Cape Fear by Martin Scorsese na kanyang naging ka-live-in.

Mula sa pagiging artista ay naging indie movie producer din si Illeana. Ito ang nagbigay sa kanya ng idea na mas madaling mag-produce ng movie sa internet. All you need is a storyline, some actors and there you have it. Of course, hindi ganung kadali iyun.

Nakumbinsi ni Illeana ang Ikea, isang Swedish furniture maker para maging sponsor ng kanyang short movie for the web – Easy To Assemble. At bilang indirect advertising ay isinama sa script ang furniture factory para maging salient ingredient ng movie.

Episode 1 is entitled Training Day. May duration na 6 minutes at 7 seconds, si Illeana ang bida at ang papel niya ay bagong empleyado ng Ikea sa Burbank. Malinaw na solid ang exposure sa movie ng sponsor na Ikea.

Sa tanong ng iba kung paano kumikita ang sponsor, simple lang ang kasagutan. Katulad ng TV show, ang audience ang target ng sponsors. Sa internet, ang mga visitor ng website ang nagsisilbing audience.

Ang web video ay may rating system din sa pamamagitan ng viewer count. The more viewers, the more sponsors would come in. Ang recent episodes ng Easy To Assemble series ni Illeana ay nagrehistro ng 1.5 million views na ikinatuwa ng sponsor.

Siguro ay dapat bigyang pansin ang pagiging business savvy ni Illeana dahil ang kanyang short movie ay nakatuon sa buhay ng isang trainee ng sponsoring company. In other words, the movie seemed like an expanded commercial advertisement.

The budding Professional web video industry is a good avenue for budding movie makers. Lalo na dito sa atin na umaapaw ng mga creative people, maliit lang ang puhunan para gumawa ng professional video for the web.

At dahil worlwide ang internet kaya ang sponsor ay hindi confined sa local. Kung resourceful ang producer ay maaari siyang makakuha ng foreign sponsors. Ang importante lang ay may sense ang movie at may captive viewership.

Ang mga indie movies natin na kadalasang nagso-showcase ng ating culture ay maaaring ilipat sa short movie for the web. As I said, much lesser ang budget at mas madali pang gawin. Basta may camera, artista at editing tools ay puwede na.

And since the web video has short duration, puwedeng-puwede itong gawing vehicle ng mga aspiring actors. In fact, magandang gamitin ang web video bilang recital ng mga acting workshops kung saan puwedeng mag-comment o bumoto.

Ang web video ay puwede ring gawing competition ng mga participants ng scriptwriting or directing workshop. Maaari rin itong gamiting gauge sa mga marketing strategy ng mga products o kahit ng movie itself na kagaya ng function ng trailer.

My prediction for the web video – ito ay paghaharian ng mga Filipinos in a year or two.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/