Sep 03
SHOWBIZ MYTHS OR TRIVIA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Sep 3, 2010

Rummaging through my old files, I came upon old tabloid headlines. But looking closer, they’re not actually controversies but can be considered myths or trivia.

Carmen Rosales and Leopoldo Salcedo became sweethearts. As what has been written in one article in this website, totoong nagkaroon ng lihim na relasyon si Carmen at Leopoldo. Ang trivia ay galing mismo sa anak ni Carmen.

Si Rogelio Dela Rosa ay dating senador na tumakbong presidente katapat ang incumbent na si Carlos Garcia at Diosdado Macapagal. Ang dahilan ng pag-atras ng candidacy ni Rogelio ay walang linaw until now. Si Diosdado na asawa ng kapatid ni Rogelio ang nanalong pangulo sa 1960 elections.

Dahil sa professional jealousy ay pinatay ni Narding Anzures ang kanyang ka-love team na si Lilian Velez. Ang trivia na ito ay napakaskit sa mga magulang ni Narding, mga artista ring sina Rosa Aguirre at Miguel Anzures.

Si Nova Villa ay naanakan ni Fernando Poe, Jr. According to Nova, this is just an urban myth. Nagkaroon sila ng very short relationship ni FPJ pero hindi umabot sa pagkakaroon ng anak.

Isang babaeng comedian na kasabayan ni Chichay ang nawala sa showbiz dahil daw sa failed facelift. Si Aruray ang tinutukoy dito. This remains a myth until now dahil hindi naman nagsalita si Aruray about the issue.

Si Boy Garcia na asawa ni Lucita Soriano ay unang ikinasal kay Zeny Zabala. Si Zeny Zabala naman ay eventually naging Mrs. Ben Feleo. This is a trivia dahil si Boy at Zeny ay ikinasal sa munisipyo ng San Juan, Rizal.

Speaking of Feleo, si Johnny Delgado ay Juan Feleo in real life. Siya ay stepson ni Ben Feleo. This is a trivia that surfaced when Johnny passed away.

Si Romeo Vasquez ang isa sa pinakasikat na leading man noong time ni Amalia Fuentes at Susan Roces. Pansamantalang nanirahan sa Amerika si Romeo at napabalitang banned daw ito sa mga casino doon dahil siya ay isang hustler. Ang ibig sabihin ay nakukuha niyang dayain ang casino pero hindi siya nahuhuli.

Si Leroy Salvador ay nagmana sa tatay niyang si Lou Salvador (sinasabing 100 ang naging mga anak). May panahon na 3 ang asawa ni Leroy at nabalita pang 2 rito ay pinagsama niya sa isang bahay. Confirmed ang trivia na iyan.

Si Rosemarie Sonora ay napabalitang naanakan ni President Marcos. Ito ay isang myth lamang para siraan ang dating pangulo. Another issue kay Marcos ay ang love affair niya kay Dovie Beams, isang foreign actress. Until now ay walang linaw ang issue na ito.

Ganun din, walang linaw ang issue tungkol sa relasyon ni Imelda Marcos at George Hamilton, ang foreign actor na pinasikat ng Dracula movie. Madalas kasing maging bisita ng Malacañang si George noong panahong iyun.

Ang sensational na pagkamatay ni Alfie Anido sa bahay ni Katrina Enrile. Ang anak ng senador ay girlfriend ni Alfie na kasabayang sumikat ni Gabby Concepcion at William Martinez. It was a suicide ayon sa mga imbestigador ng kaso.

Obviously na myth lamang ang mga paminsan-minsang balita na pagkamatay ng ilang artista. Si Dolphy ay hindi na raw mabilang kung ilang beses namatay. Si Joseph Estrada ay nabalita ring nabaril at namatay noong mayor pa siya ng San Juan.

Kinidnap ni Pablo si Elaine at hindi nagtagal ay tinanggap na ni Elaine ang kapalaran dahil siya ay buntis na. Si Pablo ay mayor noon samantalang si Elaine ay kapatid ng isang sikat na artista. Si Pablo at Elaine ang mga magulang ni Sharon Cuneta.

Ang kuwentong nagkasabay sa elevator ng RCBC si Gretchen Barretto at si Mrs. Yuchengco, ang owner ng Rizal Commercial Banking Corporation. Napahiya raw si Gretchen sa kanyang pagiging suplada nang barahin siya ni Mrs. Yuchengco. Ito ay isang myth lamang ayon sa mismong anak ni Mrs. Yuchengco.

Another Barretto, si Marjorie na councilor ng Caloocan ay ka-relasyon ni Mayor Echeverri. In the last elections ay may tarpaulin pa about this na parang naghahabol si Dennis Padilla, ang dating ka-relasyon ni Marjorie. This remains a myth dahil walang paglilinaw from both camps.

Si Lani Misalucha ay napilitang mag-migrate sa Amerika upang maiwasan ang mga pagkakautang dahil sa pyramid scheme. Hindi naman daw umiiwas si Lani. In fact, kaya nga siya nagtrabaho sa Las Vegas para kumita ng malaking perang pambayad.

Si Jiro Manio, ang best actor for Magnifico, ay isang batang ama. Ito raw ang reason kung bakit nawala sa eksena si Jiro. Recently ay nagpa-interview si Jiro para aminin ang issue. The child is 2 years old at ang mother ay mas matanda kay Jiro.

In the recent presidential election, maugong ang balita na 100 million pesos daw ang ibinayad kay Dolphy for his endorsement of Manny Villar. Although still unconfirmed, logic tells us that it is a myth dahil excessive ang nasabing amount.

Ang unsolved crime sa pagkamatay ni Nida Blanca. Kahit nakasentro kay Rod Strunk ang mga accusations ay marami ang naniniwalang walang kinalaman ang live-in partner ni Nida. But this mystery will remain a mystery forever.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/