Aug 27
REALITY TV DRAMA by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Aug 27, 2010

Monday, August 23 nang masaksihan natin ang highest rated show on national television. Hindi ito ang Miss Universe pageant kung saan 5th place si Venus Raj. Hindi rin ito ang presidential elections na pinanalunan ni Noynoy Aquino. At lalong hindi ito ang kaso ni Willie Revillame against ABS-CBN.

The hostage drama at the Rizal Park, although a sad event, had many entertaining moments. For the more than 10 hours of radio broadcast and telecast, the viewers were treated to a different but interesting reality TV show.

The cast is led by police captain Senior Inspector Rolando Mendoza, isang dismissed cop dahil sa extortion case, ang nang-hostage ng isang tourist bus with 20 foreigners and 4 Filipinos. Nasa supporting role naman si police Lt. Col. Superintendent Orlando Yebra as the negotiator.

Kasama rin sa negotiation si police major Chief Inspector Salvador na kaibigan daw kasi ng hostage-taker. Dahil sa kakatuwang hitsura ni Salvador sa kanyang red t-shirt at gupit-kalbong ulo, puwede na siyang pumalit kay Redford White o kay Babalu kaya.

Matapos ang mahabang negotiation ay nawala na sa katinuan si Capt. Mendoza dahil sa ginawang pag-manhandle sa kanyang kapatid na si SPO2 Gregorio Mendoza. Parang action star si Capt. Mendoza sa kanyang caliber 45 pistol at armalite rifle.

Pero ilang minuto bago ang blasting scene ay nag-James Bond role si Alberto Lubang, ang bus driver na nakaposas sa manibela. Gamit ang kanyang nailcutter, nadistrungka ni Lubang ang posas na ayaw paniwalaan ng mga pulis at ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Matapos tumalon sa bintana ng bus ay nagtatakbo si Lubang habang sumisigaw ng “Patay na lahat” kaya nagpasya ng assault ang SWAT team. But while ABS-CBN was reporting in detail about Lubang’s escape, sabi ni Mike Enriquez ng GMA-7 na nakikita niya ang tumatakbong lalake pero hindi niya alam kung sino yun.

At this juncture ay nakatutok na ang buong Pilipinas sa kanilang mga TV sets and radios. Yung nasa abroad naman ay nakabantay sa internet at sa international news stations gaya ng CNN at BBC.

Enter the SWAT team. Para silang mga bit players na humilera sa gilid ng bus kaya naghihintay ang audience na may kumutos sa kanila mula sa bintana ng bus. Ang kanilang mga bullet-proof vests ay parang protective vests ng mga cyclists at ang helmet ay parang laruang plastic ang dating.

Sa bandang harapan ng bus ay isang SWAT ang may hawak ng maso para basagin ang pintuan. Obvious ang nerbiyos ng SWAT na ito dahil paghampas niya sa glass door ay nabitawan niya ang maso at na-syut sa loob ng bus.

Medyo magastos sa props dahil enter another maso. Matapos basagin ang glass door ay tinalian ng lubid at ipinahatak sa pick-up truck to force open the bus. Expected na ng audience na mapuputol lamang ang lubid.

Sa pagpapasabog ng tear gas ay kapansin-pansin ang mga face mask ng SWAT kaya nagmukha silang mga caregivers. Bakit walang gas masks? Maya-maya ay sumasawsaw ang kamay ng mga SWAT sa tubig-ulan upang ihilamos sa luhaan nilang mata.

Sa emergency door ay pumasok ang isang SWAT. Halatang nahirapan kasi mataba siya. Kasunod niya ang 2 pang SWAT. In a few seconds ay retreat to safety ang 3 dahil wala sa script ang putok na galing sa loob ng bus.

Mabuti na lang at sharpshooter ang mga sniper na itinalaga – 8 ang tama ng hostage-taker na si Capt. Mendoza. Ang iba pang namatay ay 8 tourists at si Masa Tse, ang tourist guide na ipinosas sa estribo ng bus. Kasamang nakaligtas ang 2 photographers.

Sa pag-declare ng ceasefire ay halos mauna pa sa crime scene ang media at mga civilian. Mabuti nga at isang usisero lang ang natamaan ng ligaw na bala during the shootout. At dahil malakas ang ulan kaya ang mga camera view ay natakpan ng mga payong.

Dahil sa hindi magandang performance ng SWAT team ay nabigyan tuloy ng iba-ibang meaning ang kanilang grupo:

- Sorry Wala Akong Training
- Sana Wag Akong Tamaan
- Sugod Wait Atras Tago

In fairness to the Manila Police Department, naparusahan ang 4 sa SWAT team dahil sa kanilang hesitation at lapses. Ang mga suspended SWAT members ay sina Chief Inspector Santiago Pascual, SPO4 Reynaldo Antonio, SPO3 Alfonso Gaming at SPO2 Bernardo Espinosa.

Sa pagtatapos ng telenovela ay dumagsa ang pictorial at press conference. Bukod sa mga civilians ay nagpa-picture din sa tourist bus ang mga pulis at pati na rin ang members ng SOCO (Scene of the Crime Operatives).

At dahil very successful ang show kaya maraming nakisakay. Nangunguna na si Senator Bong Revilla sa kanyang proposed Anti-Uzi bill upang ma-control ang mga usisero. Si minority floor leader Edcel Lagman naman ay nagtatawag sa pagre-resign ni DILG Secretary Jesse Robredo at Secretaries Edwin Lacierda ang Sonny Coloma. Gusto namang buhayin ni Sen. Zubiri ang death penalty law.

Ang sisihan ay umabot sa ating pangulo. President Noynoy’s facebook account which has more than a million fans had to be deactivated due to the excessive posts of hate messages. May video kasi na nagpapakitang nakatawa pa ang ating presidente habang iniinspeksyon ang deadly tourist bus.

As per experience, mga ilang linggo pa ang itatakbo bago tuluyang mawala sa limelight ang Luneta Hostage Drama. Kailangan siguro ang laban ni Pacquiao o kaya ay isang matinding lindol o mapamuksang bagyo para agad mapatungan ang nasabing pangyayari.

Pero one thing is sure, napakalaki ng epekto nito sa tourism industry natin dahil halos lahat ng Hongkong Chinese ay galit sa atin. Mabuti na lang at nauunawan ni Jacky Chan na hindi naman sinasadya ang mga pangyayari.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/