Aug 27
GANITO SILA NOON, PAANO NA BA NGAYON? by Gabriel the Messenger  |  Posted in Articles  |  on Fri, Aug 27, 2010

“Anybody can promote anybody but themselves.”

Paano kang nag-de-decide kung panonoorin mo ang isang movie o hindi? Pag magaling ba o sikat ang artista o mga artista na kasama sa pelikula? Like Judy Ann Santos, Tom Cruise, Eddie Garcia, Lorna Tolentino?

Pag ang favorite o award winning na director ba ang nagdirekt sa movie? Like Joel Lamangan, George Lucas, Maryo J. De Los Reyes, Tony Reyes?

Pag ito ba ay isang Tagalog, English, Chinese movie? Like Filipinas, James Bond, Star Wars, Stephen Chow’s Kung Fu Soccer?

Pag ito ba ay drama, comedy, science fiction, detective, horror o musical?

O kaya pag ang favorite mong love team ang nasa starring role?

O kaya naman pag may narinig kang nag-uusap (eavesdrop) na maganda daw ang pelikula?

Kung mayroon kang budget? Pwedeng sabihing joke na ito pero sa hirap ng buhay ngayon at sa cost ng isang movie (P100.00 na yata sa orchestra at hindi pa kasama ang pambili ng popcorn at softdrinks o mineral water) maaaring totoo na ito sa ngayon.

Loyalty ba? Tulad noong araw ay nauso rin ang tinatawag nilang Noranians (for Miss Nora Aunor) at Vilmanians (for Miss Vilma Santos). Mayroon nga kaming kilala na isang Vilmanian. Basta si Miss Vilma Santos ang bida, sigurado, panonoorin niya iyon, may kasama o wala.

Dahil ba sa ito ay karugtong, in a way, na tulad ng pelikulang Shake, Rattle & Roll series na ngayon ay nasa number eleven o twelve na yata? At napanood at nagustuhan mo ang nauna o mga naunang movie nito. Maganda namang talaga. Watch this trailer. Nakakatakot talaga. http://www.youtube.com/watch?v=52KlNzf6Flk

Noon:
Tandang tanda pa namin ang kwento ni Lolo Pablo kung paano sila noon mag-decide sa probinsiya kung panonoorin ba ang isang sine o movie sa bayan. Marami daw kasi sila sa bahay na mahilig manood ng sine. Pero para makaiwas gumastos sa mga pelikulang hindi naman pala “maganda”, mayroon silang system to make sure na “maganda” ang bagong pelikula o movie sa bayan bago sila manood.

Iisa lang daw ang moviehouse sa bayan noon. Nakalimutan na namin ang pangalan ng movie house pero it is named after the wife of the owner. Something like Laura Theatre yata. At sa province ay one week na ipinapalabas ang isang bagong movie. Ang first showing ay umpisa sa Friday afternoon (usually ay double feature kaya two shows lang ito on a regular day.), tapos ay sa Saturday afternoon uli. Sa Sunday naman ay before lunch or after the morning mass (about 9:00 AM or 10:00 AM) bukas na ang sinehan. Tapos Monday to Wednesday ay afternoon uli at ang last showing naman ay sa Thursday afternoon. After that, bagong movie na uli sa Friday afternoon.

Ganoon ang cycle ng movie noon sa province at eto naman ang system sa bahay nila Lolo Pablo. By Saturday afternoon, isa sa mga taong bahay ang mauutusan para manood ng sine at hihintayin nila ang kanyang kwento pag dating niya sa gabi. Remember po, after the war (World War II) ang panahong ito at wala pang television noon para sa movie trailers. Hindi sila umaasa sa kwento lang sa paligid. Ang gusto nila ay mayroon silang sariling taga balita kung “maganda” ang movie.

Tandang-tanda ni Lolo Pablo ang lahat. Pag simple lang daw ang pagku-kwento ng nautusang manood o magsine sa Sabado, halos wala raw gustong pumunta sa araw ng Linggo. Pero pag sinabi ng inutusan na nakaka-iyak talaga ang palabas, ayun ang key word, halos wala naman daw naiiwan sa bahay pagdating ng Linggo. Dahil lahat siguro ay gustong makita kung bakit nakaka-iyak ang palabas.

Yan ang noon. Paano na ba ngayon?

Dahil sa television, ibang-iba na ang pag promote ng movies ngayon. Sa promotion pa lamang, ma-e-entertain ka ng talaga. Narinig na ba ninyo ang mga ganito?

Nakakatakot! Sobrang ganda! Panonoorin ko uli. Ang galing magpatawa ni Eugene Domingo, the best! Ang sweet ni Marian at ni Dingdong, nakaka-in love! Maganda! Highly recommended para sa mga bata. Napakaganda ng pagkakagawa ng pelikula. Pang international! At marami pang iba.

Sa dyaryo o newspapers ay mayroon ring tinatawag na write-ups. Kung mayroong book report, ito naman ang movie report. Isa itong summary ng movie at nakalagay doon ang mga highlights ng pelikula at kadalasan ay may kasama pang mga pictures. With the purpose of attracting the moviegoers.

Kung minsan naman ay talagang iginagawa pa nila ng kwento ang bidang lalaki at bidang babae para ito ay mapag-usapan ng mga tao. Positive and negative. Kesyo mag “on” na raw talaga ang dalawa at kung minsan naman ay mayroong kontrobersiyal na balita. Kahit ano lang basta ito ay makakatulong para sa success ng movie.

Pero ang pinakabago yata para sa amin ay ang mga malalaking billboard na nagkalat sa mga gilid ng kalsada lalong-lalo na sa EDSA (Epifanio Delos Santos Avenue) at doon sa mga expressways. Sobrang laki ng ibang mga litrato. Malaki pa yata sa bahay kung minsan. Nagiging dahilan tuloy ito ng mga hindi magagandang pangyayari lalo na pag may bagyo o malakas na hangin.

Kayo? Paano po kayo nagde-decide kung panonoorin ninyo ang isang movie o hindi?


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/