Feb 16
FAPOURRI – AWARDS NIGHT by Kiko Arroyo  |  Posted in Articles  |  on Wed, Feb 16, 2005

It’s now final, ang Film Academy Awards night ay idadaos sa May 14, 2005 sa Cultural Center of the Philippines. Ang motif ay 50s at 60s, meaning nostalgic ang dating dahil ang mga bihis at kaayusan ng mga artistang dadalo ay makaluma. Another first from the Film Academy, ha?

Related sa Awards night, ang bagong deadline ng submission ng mga CITERS ay sa February 28. Ang mga napiling movies ng Citers ang magsisilbing semi-final list para gamitin o pagpilian ng mga Nominators. Ang NOMINATION ay gagawin sa March 31. Pagkatapos makapili ng 5 best films ang Nominators, idadaos naman ang final screening mula May 2 up to May 10 that will culminate into the VOTING stage. Dito sa voting malalaman ang mga mananalong best actor, best actress, atbp. Ngunit ang resulta ng voting ay malalaman lamang sa Awards night.

————————————–

Ang simulated CITING para sa public ay tuloy pa rin. Maaari kayong pumili ng inyong mga gustong pelikula at mga pambatong actor, actress, atbp. Ang Citing ay hindi limitado sa 1 choice lamang, ibig sabihin, puwede kayong pumili hanggang 10 best films ninyo, 10 best actors ninyo, 10 best actresses, and so forth and so on. Ang simulated Citing ay isasabay sa Actual Citing kaya ang deadline nito ay sa February 28 din. Bago matapos ang March ay ilalabas naman ang list of Nominations. The public is also invited to join the voting that will commence on April 1. So there, kasali na tayo sa pagpili kahit sabihing simulated lang. And if plans push through, magkakaron daw ng text voting.

By the way, ang mga sasali sa simulated CITING at VOTING ay maaaring manalo ng invitation sa Academy Awards night. By raffle, pipili ng 20 simulated Citer at Voter who will be contacted by email. Kaya siguruhin na tama ang email address at pangalan na inilalagay ninyo sa entry form. At para sa mga nalilito, paki-click nyo ang announcement sa bandang kanan ng page na ito, makikita nyo ang AWARDS SELECTION. Yun na yun!

—————————————

Bago matapos ang February ay lilitaw na ang pangalan ng FAP Statuette. Basahin ang related article ni Sandra Orros Co, andyan lang po ang menu sa bandang kanan.

May bagong award din ang Film Academy. It is called RONNIE AWARD to be given to lifetime achievers. But instead of a plaque, the award is a statuette bearing the image of Fernando Poe, Jr. Ito ang tribute ng FAP kay Da King.

Para sa mga hindi nakakapansin, meron tayong FPJ MEMORABILIA page. Click nyo ang home para bumalik kayo sa main page at hanapin ang banner katabi ng mga headlines. Ang FPJ Memorabilia ay naglalayong mag-ipon ng mga bits and pieces about Da King of Philippine movies. Kaya kung meron kayong gustong i-share, send nyo lang sa email naming fap_web@yahoo.com .

—————————————-

Have you seen the BODEGA NG OLD ARTICLES? Iniba namin ang banner ng archive kasi hindi raw alam ng iba ang ibig sabihin ng archive. Well, dahil makamasa tayo, ayan, ginawa naming bodega. Lahat ng articles na na-publish since Nov. 3, 2004 ay mahahalungkat pa rin sa Bodega.

—————————————-

Time and again, may I remind you to join our polls that you can see on the right portion of this page. Para man lang malaman namin kung gusto o ayaw ninyo ng aming mga articles. As of now, ang high-rater namin ay ang NYAHAHA column ni Sandra Orros Co followed by Tess Clarin’s EXPLOSIVE. Yung Fapourri ko wala yatang score!

—————————————–

Konting technical advice para sa mga non-techno dyan. Marami kasi ang naliligaw sa aming website, sa iba raw sila napupunta. Ganito ang solusyon. Type www.fapweb.org sa address portion ng inyong browser. Take note, sa address portion at hindi sa search, magkaiba yun. Pagkatapos i-type ang www.fapweb.org sa address portion puwede nang click ang GO o kaya press enter. Paglitaw ng ating main page, click nyo naman ang FAVORITES, yan ay makikita list of menu sa itaas ng browser page. Kapantay yan ng File, Edit, View. After clicking Favorites, click nyo naman ang ADD TO FAVORITES. Choose the desired name like FAPWEB o kaya FILM ACADEMY. Next time you browse in the internet, click on FAVORITES and click on FAPWEB (kung yun ang isinulat ninyong pangalan).

Remember, Film Academy has only one official website and that is www.fapweb.org . Pag iba ang address na napasukan ninyo, out kaagad dahil bogus yun.