Aug 20
RIGODON OF TV STARS by Tess Clarin  |  Posted in Articles  |  on Fri, Aug 20, 2010

With the strength of the TV over the movies, hindi kataka-takang mapunta sa TV ang rivalry. According to the survey firms early this year, ang TV ang pinakamalakas sa lahat ng available media, i.e. broadcast, print at kasama pa ang internet.

That’s the power of television over the Filipino consumers kaya hindi nakakapagtaka na ang mga sponsors ay nagbubuhos ng pera. Depende sa rating ng TV show ang dami ng mga sponsors na may commercial advertisements. This gives us the idea kung gaano kalaki ang mga talent fees ng leading talents ng mga networks.

At kung ihahambing sa movies, comparable at competitive daw ang talent fee sa TV. May mga TV hosts na multi-million per month ang pinag-uusapang exclusive contract. At yang exclusive contract ang nagagamit ngayon sa rivalries. But this time, hindi mga stars ang nagtatagisan kundi ang mismong TV networks.

Umpisahan natin ang mga talents ng ABS-CBN. One of the most sensational issues ay ang paglipat ni Angel Locsin from GMA-7. Ang dating manager ni Angel na si Becky Aguila ang responsible sa paglipat na iyun. Take note, si Angel ang itinuturing na prima donna sa mga GMA-7 talents that time.

Nauna kay Angel sa pagpunta sa ABS-CBN si Boy Abunda coming from Startalk of GMA7. Ganun din sa Sarah Geronimo na grand winner pa nga ng talent search ng GMA-7. Lately ay si Robin Padilla ang tumalon from GMA-7.

Marami ring nag-over the bakod papuntang GMA-7, all coming from ABS-CBN. Isa na rito si Claudine Barretto, isang prized talent ng Star Cinema at ABS-CBN. Papasok din sa Kapuso Channel si Edu Manzano mula sa kanyang Pilipinas Game Ka Na Ba.

Isang controversial move ang ginawa ni Cesar Montano to GMA-7 when his long time manager cried foul. In the process of negotiation daw with ABS-CBN si Norma Japitana nang mabasa niya sa dyaryo ang pag-alis ni Cesar sa ABS-CBN. Until now ay may gap ang talent at manager.

Sa mga lesser stars, si Bayani Agbayani ang very visible na tumalon muna sa TV5 bago tumuntong ng GMA-7. Bayani was a star during the MTB days. Kaso sa ngayon ay hindi na raw kasi nabibigyan ng project si Bayani sa Kapamilya Network kaya no choice siya kundi ang lumipat.

Perhaps there’s no need to explain the crux of the matter. Alam naman ng lahat na ratings ang basis ng TV networks at ang primary factor ng ratings ay ang mga TV stars. This is the reason why there is piracy.

Take the case of Angel Locsin, it is obvious na ang intention ng pagkuha sa kanya ay hindi para ipagpatuloy ang pagiging star niya sa ABS-CBN kundi para matanggal lang ang star ng kalabang network. And ABS-CBN succeeded in that respect.

Obviously, ganyan din ang plano ng ABS-CBN kay Willie Revillame. As of the moment, naka-freeze si Willie kaya walang TV network na gustong kumuha sa kanya. But I am sure na kapag naalis ang legal impediment sa contract ni Willie ay tiyak na pag-aagawan siya ng GMA-7 at TV5.

Speaking of TV5, ito ang greener pasture sa mata ng mga TV talents. Si Paolo Bediones ang very first contract talent ng TV5. Paolo had been a long time host of GMA-7 and his last job was Survivor Philippines. Another host from GMA-7 is Chris Tiu of Pinoy Records na ngayon ay nasa TV5 na rin.

Annabelle Rama had moved some of her talents to TV5. Notable ay ang paglipat ni Ruffa Gutierrez na gumawa pa ng konting issue laban kay Kris Aquino sa inalisan nyang The Buzz. Sumunod sa yapak ni Ruffa si JC De Vera na may soap na ngayon sa TV5 bukod pa sa exposures sa ibang programs.

Kapansin-pansin na homebase na ng ilang minor talents ang TV5. Si Alex Gonzaga at IC Mendoza ay napakalaki ng exposures. Ganun din si Brod Pete at Long Mejia. It could be remembered that these 2 comedians came from GMA-7 and later on they moved to ABS-CBN and now they are with TV5.

Big stars are not spared. Dahil sa kawalan ng project sa ABS-CBN ay napilitang pumirma ng contract si Dolphy sa TV5 para sa kanyang weekly show na Pidol’s Wonderland kung saan kasama niya si Vandolph at Jeffrey Quizon. The fantasy sitcom is directed by Eric Quizon.

Si Maricel Soriano ay isa nang contract talent ng TV5 who came from ABS-CBN. But sadly, aside from the 5 Star Special, which had a run of 5 weeks, walang substantial shows na naibibigay kay Maricel.

Marami pang big stars na nakabitin ang exclusive contract sa TV5 like Vic Sotto with his Who Wants To Be A Millionaire and Ryan Agoncillo with his Talentadong Pinoy. May Wow Mali rin si Joey De Leon.

Si Eugene Domingo ang puwedeng tawaging Network Queen. Siya lamang ang may shows sa 3 major channels – sa GMA-7, sa ABS-CBN at sa TV5. Ibig sabihin ay walang exclusive contract si Eugene.

Sa loyalty naman ay walang katulad si Iza Calzado. Sa kabila ng kawalan ng major projects ay nananatili siya sa Kapuso Channel. Maraming artista na ganyan ang nagiging problema – walang project in spite of the exclusive contract.

Yan ang masamang side effect ng network’s exclusive contract. Ang mga talents ay nakatali kaya nawawala ang iba pang opportunities. And sad to think, exclusive contracts are here to stay.

Ang rigodon ng mga talents sa TV ay parang isang laro na paulit-ulit. Ito ay kagagawan na rin ng mga TV networks dahil sa kanilang cut-throat competition. Ang hindi nila naiisip ay lalong tumataas ang mga talent fee ng mga pirated talents kaya in the end ay ang TV networks din ang lugi sa ganyang sitwasyon.

Para sa mga reaksyon, maaari kayong mag-email sa tessclarin@yahoo.com


Your FEEDBACK can be posted at www.filmacademyphil.org/forum/